Chapter 28

185 9 0
                                    

Kinabukasan ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas nawala na ang lagnat ko at hindi ko na kailangan pang mag absent. Pinabaunan naman ako ni mommy ng lunchbox pati gamot ko bago ako pumasok sa school.

Kay kuya Ozric na ako sumabay dahil si kuya Felix ay hindi pa din umuuwi. Ang sabi ni kuya Ozric ay nasa condo muna tumira si kuya Felix dahil ayaw pa muna niyang umuwi sa bahay. Hindi pa din kami nagkakausap ni mommy ng maayos tungkol kay kuya dahil kong tatanungin ko naman siya ay hindi niya ako sinasagot.

Tuwing pagkatapos naman ng klase ay dumidiretso na kami ni Janica sa bahay nila Clint. Hindi pa din pumapasok si Shantal at mabuti ay hindi naman nagalit ang mga teachers namin at inutusan nalang kaming dalawa ni Janica bilang mga kaibigan niya na bigyan siya ng notes ng mga topics para kahit absent siya ay may pag aaralan pa din siya. Pati mga quizzes ay excempted muna siya at ipapa-take lang siya kapag pumasok na siya ulit.

Si Amari din hindi pa bumabalik. Nag-aalala na kami pero wala kaming magagawa dahil wala kaming kahit anong balita tungkol sa kanya.

Hindi pa din kami nagkikibuan ni Jaxson. Minsan lang din sumasabay si Zeddie sa amin dahil busy sila sa practice ng banda nila.

This coming saturday na ang libing ni Clint. Pagdating naman ng sunday ay magpe-perform na ang banda nila Jaxson sa isang sikat na band auditorium kong saan pupunta ang maraming tao. Sunod sunod din ang quizzes buong araw kaya naman pagka uwian ay pareho kaming pagod ni Janica. Nakasakay kami sa kotse niya ngayon na sundo niya papunta sa bahay nila Clint.

"Nagkausap na kayo?" biglang tanong niya habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse.

Lumingon naman ako sa kanya.

"Sino?" tanong ko.

"Jaxson."

"Hindi pa." sabi ko at napabuntong hininga at tumingin ulit sa labas ng bintana.

"Alam mo bang may girlfriend na siya?" nagulat ako sa sinabi ni Janica.

Gustuhin ko man na lumingon ulit sa kanya ay pinanatili ko ang paningin sa labas ng bintana.

"H-hindi...hindi ko alam at wala akong pakialam." sabi ko at hindi na nagsalita si Janica.

Napapikit ako saglit at napabuntong hininga ulit.

Wala ba talaga akong pakialam? bakit nasasaktan ako?

Pagkahinto ng kotse sa tapat ng gate ng bahay nila Clint ay sabay na kaming bumaba ni Janica at pumasok sa loob. Ganoon pa din, maraming nakikiramay. Bumati kaagad kami sa parents ni Clint at nagtanong kong nasaan si Shantal dahil wala siya. Sabi naman ng mommy ni Clint ay nasa kwarto siya ni Clint at natutulog.

Nagpaalam muna ako sa kanila na pupuntahan muna si Shantal sa kwarto ni Clint para kamustahin. Lumingon muna ako sa mga bisita na nakiramay. Wala si Jaxson.

Si Sam lang at si Alexis ang nakita ko pati ang isa pang lalaki na sa tingin ko ay kaibigan ni Sam dahil nakikita ko sila sa campus na palaging magkasama.

Tuluyan na akong umakyat papunta sa second floor ng bahay nila Clint kong saan naroon daw ang kwarto niya sabi ng Mommy niya. Naglakad ako padaan sa iba't ibang pinto at hinanap ang pinto na may nakalagay na pangalan ni Clint. Napahinto ako sa pinakadulong pinto ng mabasa ko ang nakalagay na pangalan ni Clint sa labas ng pintuan. Bubuksan ko na sana ng mapatigil ako dahil may narinig akong nag-uusap.

Hindi nanggagaling sa loob ng kwarto kundi ay sa terrace na malapit lang din sa kwarto ni Clint. Dahan dahan akong humakbang papunta doon. Natatakpan ng puting kurtina ang sliding door ng terrace kaya hindi ko masyadong maaninag ang dalawang taong nag-uusap pero pamilyar ang boses nila sa akin.

"You're messing with your life, Jaxson."

Hindi nga ako nagkakamali sa iniisip ko at tama nga ako. Si Jaxson at Cheska ang nag-uusap.

Napatago ako sa isang sulok habang nakikinig sa kanila.

"I'm not messing with my life. This is what I want and I like her, I like Aisah."

Napahawak ako sa dibdib ko sa hindi malaman na dahilan. Totoo nga, totoong may girlfriend na siya at si Aisah pa talaga, classmate namin.

"No, you don't. You just want her because of your needs as a man, Jaxson."

"She's my girlfriend, Cheska. What's wrong with that? I can fuck her whenever I want."

Napatakip nalang ako sa bibig ko. Klarong klaro ang narinig ko, may nangyari na sa kanila ng bagong girlfriend niya.

Bakit ganito? bakit parang binibiyak ang puso ko sa narinig ko? Gusto ko ng umalis pero sadyang napako ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko nalang ang mga luha ko na nag unahang tumulo.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Jaxson, hindi na kita maintindihan. Ano bang problema mo? is it because of your first love again? dahil hindi ka pa din naka move-on sa kanya? damn Jaxson! masaya na siya kaya dapat maging masaya ka na din para sa kanya!"

"I can't! I really love her and I don't know what to do anymore. I can do anything for her but she doesn't care. H-hindi na ba talaga niya ako mahal? ano bang nagawa kong mali? why can't she love me back? I want her back..."

Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi nila ako marinig na umiiyak at hindi nila malaman na nakikinig ako sa kanila. Humigpit ang hawak ko sa tapat ng dibdib ko dahil sa kirot.

Akala ko mas masakit na marinig na may girlfriend na siya at inlove pa siya sa first love niya pero mas nasasaktan ako ng marinig ko siyang umiiyak at hindi ako ang dahilan... kundi ay ang ex niya na unang minahal niya at hindi ko kilala.

Ngayon ko napagtanto na mahal ko na nga talaga siya dahil nasasaktan ako ng ganito. Hindi ko alam kong bakit sobrang bilis kong mahulog ulit sa kanya. Akala ko ba hindi na... hindi na ako magkakagusto sa kanya ulit? pero ngayon, ito ako nasasaktan ng dahil na naman ulit sa kanya.

Aalis na sana ako ng makita ko ang anino ni Jaxson sa puting kurtina na papalapit sa kinatatayuan ko.

Naestatwa ako ng tuluyan na niya akong nakita. Walang ka emosyon emosyon ang mukha niya ngayon. Na parang hindi siya umiyak pero makikita mo pa din ang sakit sa mga mata niya. Tinitigan lang niya ako at ganoon din ang ginawa ko. Pati si Cheska na ngayon ay nakatayo na sa gilid ni Jaxson ay nakatingin na din sa akin.

"J-jaxson..." nasambit ko nalang ang pangalan niya.

"What are you doing here?" walang ka emosyon emosyon niyang tanong.

Gusto kong magsalita pero hindi ko na maibuka pa ang bibig ko. Nakatitig lang din ako sa kanya habang patuloy ang mga luha ko sa pag-agos. Wala na akong pakialam pa kong makita nila akong umiiyak.

"I said what are you doing here?" may galit na sa boses na tanong niya.

Magsasalita na sana ako ng mabilis na siyang naglakad at nilagpasan ako. Mabilis akong lumingon sa kanya at tinawag siya.

"Jaxson!"

Huminto siya pero nanatili pa din na nakatalikod sa akin.

"P-pwede ba tayong mag-usap?" pumiyok ang boses ko at mas lalo lang akong naiyak.

"P-please bestfriend ayusin natin to. Wag naman yong g-ganito..."

"I don't have time to talk to you, Solana." sabi niya at lumingon sa akin.

"Starting today, I am not your bestfriend anymore and let's just pretend that we didn't know each other, like we're strangers. Let's get back from enemies again, mas mabuti ng ganoon."

Tuluyan na siyang tumalikod at naglakad paalis. Tuluyan na akong napaupo sa kinatatayuan ko at walang nagawa kundi ang mas lalong maiyak. Naramdaman kong dinaluhan ako ni Cheska pero hindi ko siya magawang lingunin at nakatingin lang ako kay Jaxson hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Siya na naman ang nang iwan sa akin at ito ako nasasaktan pero patuloy pa din na... nahuhulog sa kanya.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now