Chapter 13

231 11 0
                                    

Matapos akong masaksak ng hinayupak na holdaper na yon na nakasuot ng bonnet dahil siguro takot makita ang mukha niyang pangit ay nagising nalang ako na nasa langit na, charot!

Siyempre nagising ako na nasa hospital! Hindi naman pwedeng magising ako sa punerarya at ayaw ko pang ma deads, sayang ang ganda ko.

Mag-aasawa pa ako ng foreigner hehe cherot!

Bumungad kaagad sa akin ang mukha ng doctor na panot. Nagulat pa ako dahil akala ko si tito boy ng The Buzz.

"Finally you're awake."

Napalingon naman ako kay kuya Felix na nagsalita at sa dalawa pang tukmol kong kapatid na kasama niya.

"Anong nangyari?" tanong ko kaagad at gumalaw para makasandal sana sa headboard pero napangiwi ako dahil masakit ang tagiliran ko.

"Huwag ka muna masyadong gumalaw, miss Feliciano." sabi ng doctor na panot at tanging tango lang ang naisagot ko.

May sinabi pa ang doctor sa mga kapatid ko bago tuluyang lumabas ng kwarto kong saan ako naka confine ngayon at sumunod naman kaagad ang nurse na kasama niya. Kamuntikan pa akong mahulog sa kama kasabay ng bahagyang pag-atras ko at pagngiwi dahil sa mga mukha ng mga kapatid ko na galit na galit na akala mo kakainin nila ako ng buhay.

Alam ko namang masarap ako pero huwag naman sana mga kapatid ko pa ang kumain sa akin chos!

"Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ko sa kanila matapos akong mapangiwi.

Echoserang sugat to ang sakit.

"Why didn't you call us?!"

Nagulat ako ng bonggang bongga sa pagsigaw ni kuya Ozric tukmol number two.

Magsasalita na sana ako ng sumunod na naman sa pagsigaw si kuya Zayn tukmol number three.

"The hell Sola?! alam mo bang nag-alala kami sayo ha?! paano kong--- namatay ka?!"

Aywow naman patay agad?! hindi ba pwedeng nakatulog lang?

Chosera naman tong mga to.

"Eyy sorry na kasi---"

"Sorry?! sorry lang ba ang sasabihin mo matapos kang mapahamak?! at talagang ang lalaking yon pa ang nagligtas sayo. The fuck? I really hate that man." sabi pa ni kuya Zayn na akala mo problemadong problemado at natatae na naman.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Sinong lalaki ba? gwapo ba? hehe.

"Edi thank you ang sasabihin ko kasi ayaw mo akong mag sorry tsaka sinong lalaki ba ang sinasabi mo na nagligtas sa akin? gwapo ba kuya Zayn?" tanong ko pa habang nakangiti at naghihintay sa sagot niya.

Nakita ko namang napahilot siya sa sentido niya at agad na tumalikod at lumabas.

Akala niya naman kinagwapo niya ang pagwawalk- out niyang yon, tse!

"Kuya Felix tsaka kuya Ozric, gwapo ba ang lalaking sumagip sa akin ha? binugbog ba niya ang nangholdap sakin?"

"It's Jaxson." sabi naman ni kuya Felix kaya nadismaya ako dahil yong tukmol pala na yon ang nakasagip sa akin.

Kaya pala panay ang pagmumura ng hinayupak na mokong na yon ng makita ako. Baka napilitan na naman yon na sagipin ako.

"His friend called us. He said that we needed to come here in the hospital dahil na-aksidente ka daw." sabi pa ni kuya Felix at napabuntong hininga.

"Sola, I'm really sorry kong huli ko na nabasa ang text at tawag mo dahil sobra akong busy. Sorry kong napabayaan kita." sabi pa ni kuya Felix halatang dismayado sa sarili.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now