Prologue

1.9K 39 0
                                    

PROLOGUE




"Eric, have you seen Kenzo?" Tanong ko kay Eric. My boyfriend's friend.

"Si Kenzo? Nakita ko siya kanina papunta sa dorm niyo. Hindi ba pumunta sa'yo?" Sagot ni Eric sa'kin.

I shook my head. "Ganon ba? Sige, balikan ko nalang sa girl's dorm."

Tumango ito sa'kin bilang sagot. Kenzo is my almost 2 years boyfriend. He's an Engineering student while my course is Accountancy.

Naglakad ako papunta ulit sa girls dorm. Magkaiba kasi 'yung dorm ng mga babae at lalaki dito sa Palley University. Kenzo is a scholar in this school. Bukod sa ubod pogi nitong hitsura ay mabait, matalino, at higit sa lahat a loving son kay Tita Eva.

We are legal on his side but not on my side. Naghahanap ako ng tamang pagkakataon na ipakilala siya sa parents ko.

These past few days, hindi na kami masyadong nagkikita. Madalang na rin kaming nag-uusap dahil sinasabi nitong busy siya sa school works niya and I understand him. We are both busy especially that we are on College already.

Hindi ko naman 'yun binibigdeal. I know that Kenzo should prioritize his studies specially that he's a scholar. Alam ko rin namang walang ginagawang masama si Kenzo. I trust him a lot. Alam kong hindi nito magagawang magloko sa'kin. Our relationship is almost 2 years kaya impossibleng lokohin ako nito. Besides, I can feel that he truly loves me at the very first start.

Maraming nagsasabing pera lang daw ang habol ni Kenzo sa'kin since I am a Guiterez, but they are very wrong. I know Kenzo. Hindi siya gan'yang klase ng tao. Mas gusto nitong paghirapan ang pera na nakukuha niya kaysa manggamit ng iba.

I was about to pass on the abandoned room when I heard a familiar voice inside it. Kilalang-kilala ko ang boses na 'yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

Dahan-dahan akong naglakad sa pinanggalingan ng boses. Binuksan ko ang pinto at halos matuod ako sa nakita ko. I saw my boyfriend making out with the cheerleader of our school, Jessa.

Nakita ko siyang nakapatong kay Jessa habang nakahawak naman si Jessa batok niya. I stunned. Hindi ko alam ang gagawin. Naramdaman ko nalang ang mga luhang namumuo sa mga mata ko habang nakatingin sa kanila.

Sabay silang napatingin sa'kin at nakita ko ang pagngisi ni Jessa at mas hinapit pa si Kenzo sa katawan niya. Hinintay ko namang may gagawin si Kenzo pero wala. Hinayaan lang niya ito kahit alam niyang nandito ako.

Nanginginig ang kamay ko. Gusto kong tumakbo at magwala. Gusto kong hablotin ang buhok ni Jessa at sampalin si Kenzo pero wala akong lakas para magawa 'yun. Bigla akong nanghina.

"Ken..." Mahina kong banggit sa pangalan ni Kenzo pero matalim lang ako nitong tinignan.

"Sinabi ko naman kasi sayo na bantayan mo si Kenzo dahil baka maagaw ko." Ani Jessa at pinulupot ang kamay nito sa braso ni Kenzo.

Naiiyak akong napatingin kay Kenzo. "Ken.. Baby.." 

Saglit ako nitong tinignan saka lumunok. "Let's break up, Yna."

Tuloyan ng tumulo ang luha ko sa narinig ko mula sa kaniya. Siya pa talaga ang may ganang makipaghiwalay pagkatapos ko silang mahuli? Ang kakapal ng mga mukha.

"Ken naman. Akala ko ba mahal mo ako? I never thought y-you could do this. I thought--"

"Stop the drama, Yna. Narinig mo naman siya diba? Gusto niya nang magbreak kayo. In short, ayaw na niya sayo." Putol ni Jessa sa sasabihin ko. "Kenzo only uses you. Ginawa ka niyang girlfriend dahil mayaman ka. He used you because you're a Guiterez. Ikaw naman si tanga at nagpauto." Dagdag pa nito.

Umiling ako. "Hindi totoo 'yan..."

"See? You're stupid. Nakita mo na kami kanina pero nagtatangahan ka parin."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Jessa. Sa halip ay tumingin ako kay Kenzo. "Is it true? Ken, hindi naman t-totoo ang sinasabi ni Jessa, diba? Nagbibiro ka lang naman, diba?" Pinahid ko ang luha ko.

Iniwas nito ang tingin niya bago sumagot. "She's telling the truth."

"Hindi ako maniniwala hanggang sa tumingin ka sa mga mata ko at sabihing hindi mo na ako mahal." Matigas kong ani sa kan'ya.

Nakita ko siyang nanigas sa kinatatayoan niya. Umaasa akong hindi niya ito magagawa dahil mahal niya ako. Alam ko at nararamdaman ko 'yun.

But I was wrong, I was shocked when he looked at me straight in my eye. "I don't love you. I am only using you, Yna. Can't you see? I'm breaking up with you!"

Patuloy na tumulo ang luha ko sa sinabi niya. "Ken. Hindi. Alam kong may rason ka. H-hindi mo to magagawa." Umiling ako.

"Fuck, Yna! I used you! That's my reason. Tapos na kitang gamitin kaya maghiwalay na tayo!" Sigaw nito sa pagmumukha ko. "Pera lang ang habol ko sayo simula pa lang! Hindi mo lang napapansin dahil nabubulag ka na! Stop being stupid!" Dagdag nito.

Naglakad siya palayo pero hinawakan ko ang kamay nito para pigilan siya. Napatingin naman siya sa'kin at nakita ko ang kakaibang emosyon sa mata niya na agad lang din nawala. Marahas nitong binawi ang kamay niya bago tuloyang naglakad paalis.

"Poor, Yna. Iyan ba 'yung tagapagmana ng Guiterez Company? Such a loser." Jessa tsked before leaving me.

Tuloyan na akong naiwan mag-isa dito pag-alis niya. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko ngayon. Paano nila ito nagawa? May nagawa ba akong mali? Kahit anong pilit kong hindi umiyak ay patuloy pa rin ang luha ko sa pag-agos. I just cannot explain how hurt I am right now.










Wanting Her BackWhere stories live. Discover now