Chapter 15

881 23 5
                                    

CHAPTER 15





Pagpasok ko sa loob ng bahay ay doon na bumuhos ang mga luha ko. Kahit anong pilit kong hindi umiyak ay patuloy lang ito sa pagpatak.

"Mom, you're crying again." Napatingin ako kay Nathalia. Mas lalo akong naiyak nang nakita kong namumugto ang mga mata niya.

Nathalia's hurt. I know it.

Nakatulog ito kanina sa kakaiyak. Ngayon lang siguro ito nagising dahil tulog pa ito paglabas ko kanina.

"Lia, come here..."

Lumapit agad siya sa gawi ko at niyakap ako kaya niyakap ko ito pabalik. My daughter is my weakness and so is my strength. Ayokong nakikitang nasasaktan siya dahil masyadong masakit sa puso.

Humiwalay ito sa pagkakayap at tinignan ako. "Did he hurt you again?"

Her voice was shaking. I know she will about to cry.

"He did not." Umiling pa ako.

"Mom, I hate him. I can understand you now, Mom." Pumatak ang mga luha nito habang sinasabi niya 'yun sa'kin. "I can now understand why you hide me from my Dad, Mom."

I wiped her tears with my fingers. "Lia, don't cry."

"We don't need him, Mom. I'm so sorry for wanting you see my Dad."

Walang tigil ang luha ko sa sinabi nito. Nathalia is smart. Kahit bata pa lamang ito ay naiintindihan niya na ang nangyayari.

"Lia, stop saying that. He's still your Dad."

Ayokong magtanim ang anak ko ng sama ng loob kay Kenzo. Ayoko ng gano'n.

"But he kissed another girl, Mom! You are the only girl that Daddy should kiss!"

"Lower your voice, Nathalia." Pagsaway ko dito.

Natigilan naman siya at tumango kalaunan. "I'm sorry, mom, but daddy hates us. He don't like us."

Niyakap ko ito at inaamo. Kakatapos lang nito umiyak kanina tapos ngayon ay umiiyak na naman siya.

"I'm sorry, baby. Mommy is very sorry. Hindi mo dapat nakita ang ganoon."

Nagsisisi ako. Dapat pala ay hindi ko nalang binalak na ipakilala si Nathalia para hindi na ito masaktan.

"Mommy..." Iyak na banggit nito sa pangalan ko. "I hate him. He left and hurt us."

Pilit kong hinahagod ang likod nito para matigil na siya sa kakaiyak. Hindi ko kayang nakikitang ganito si Nathalia. Iningatan ko ito ng labis tapos ngayon ay masasaktan ito ng ganito.

"Lia, he's your dad. You should fogive him." Ani ko at tinignan ang mukha nito.

Pinunasan ko ang luhang umaagos sa mga pisngi niya. Nathalia looks very sad. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kalungkot. Mas grabe pa ang kalungkotan niya ngayon, kaysa noong hindi siya tinanggap ng mga magulang ko.

"I really want to have a Dad, Mom. I want to feel what's the feeling of having a daddy by my side." Nathalia paused. "I envy those kids out there, Mom. Their daddy loves them, while my dad h-hates me."

"Lia, no..." Umiling ako. "He loves you so don't say that, okay?"

"Lola and lolo hate me, and now my dad too."

I froze. Wala akong masabi sa anak ko. I can feel her sadness. Ramdam ko ang hinanakit sa mga salitang binibitawan niya. She don't deserve this. My daughter deserves all the best things in this world, and not like this.

"Everyone hate me. Did I do something bad? I didn't do anything, Mom. I just w-want them to l-love me." Pinahid nito ang luha niya. "Why does everyone hate me, Mom?" She asked while sobbing.

I pulled her for a hug. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"I love you so much, Lia. Stop thinking that. You have me."

Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pag-iyak. Ilang sandali pa ay lumalalim na ang paghinga nito.

Tinignan ko siya at nakitang nakatulog na naman ang anak ko. Kinarga ko siya at pinunta sa silid niya. Inihiga ko siya sa kama at tinitigan ang mukha nito.

Kahit sa pagtulog, nakikita ko ang kalungkotan niya. I kissed her forehead before leaving her.

Nathalia is a happy and loving child. Hindi ko inaakalang kinikimkim pala nito lahat ng sinasabi sa kaniya ng mga magulang ko.

Nakita ko kung paano umiyak at nasaktan si Lia noong pinalayas siya nina Mommy sa mansyon. Sinabi nito sa'kin dati na huwag akong mag-alala sa kaniya dahil alam naman nitong mahal ko siya. I didn't know na dinadala niya pala ang lahat ng 'yun sa pagkatao niya.

Pumunta ako sa kusina dahil balak kong uminom ng tubig. Gusto kong malamigan ang dila ko dahil kanina pa ako umiiyak. Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko si Nanay na malalim ang iniisip kaya hindi nito napansin ang presensya ko.

"Nay..."

Doon lang siya natauhan at tumingin sa gawi ko. "Yna, ikaw pala."

Pilit akong ngumiti at tumango kay Nanay. Kumuha ako ng tubig at umupo sa tabi niya.

"Narinig ko kayo ni Nathalia kanina, Iha. Naawa ako sa bata." Aniya sa malungkot na boses.

Hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa lamesa kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko sa mga mata ni Nanay ang awa at pagmamahal niya sa'min.

"Salamat, Nay. Maraming salamat dahil palagi kayong nandiyan para sa'min ni Nathalia."

Ngumiti ito. "Para ko na rin kayong mga anak, Yna. Nahihirapan din ako kapag nakikita kayong nasasaktan."

Niyakap ako nito kaya niyakap ko rin siya pabalik. Paano nalang kaya kapag hindi ko nakilala si Nanay? Ano na kaya ang mangyayari sa'min ni Nathalia? Kaya nagpapasalamat ako ng sobra dahil palagi siyang nandito sa'min. Umakto itong parang isang ina sa amin dalawa ni Nathalia.








Wanting Her BackWhere stories live. Discover now