Chapter 13

789 27 2
                                    

CHAPTER 13






Kenzo's POV

"What have you done, Jess! You ruined everything!" Galit na sigaw ko kay Jessa.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Nalulungkot, naiinis, at nasasaktan. Kapag sumasagi sa isip ko ang mukha ni Yna kanina, parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

Bukod do'n, kakaiba din naramdaman ko kanina nang makita si Nathalia. Alam ko sa sarili kong anak ko siya. I am his father. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.

"What did I do?! Hindi ko naman inaakalang dadating pa---"

"Shut the fvck up!" Putol ko sa sasabihin ni Jessa. "Leave!" I then pointed the door.

Napaatras naman ito dahil sa takot.

"Babe---"

"Leave, Jessa." Pilit kong pinakalma ang boses ko.

Galit ako sa kaniya at gusto kong umalis na siya dahil baka masaktan ko pa. Sinisisi ko siya sa nangyari. Kung hindi dahil sa ginawa niya ay hindi sana magagalit sa'kin si Yna.

"Bakit ba hindi mo'ko kayang makita? Ako 'yung babaeng nandiyan sa tabi mo nung naghiwalay kayo ni Dayana. Ako 'yung babaeng ginamit mo para makipaghiwalay---"

"I said leave! Umalis ka na bago pa ako may magawa sa'yo." Putol ko dito.

Ayaw ko siyang pataposin sa pagsasalita dahil ayoko ng maisip pa ulit ang katangahang nagawa ko dati. Naging duwag ako no'n at ayaw ko nang maalala pa ulit ang nangyari.

Umiiyak naman na lumabas si Jessa. Napahilamos nalang ako sa mukha paglabas nito. Tumulo ang mga luha ko nang maalala ang mukha ni Nathalia kanina. Nakikita ko ang sakit at pagkadismaya sa mga mata nito.

Hindi totoo 'yung nakita nila. Hindi ko magagawang saktan pa ulit si Yna. Mali sila ng nakita.

–Flashback

Masaya ako nang matapos ko na ang kailangan kong gawin. Sa wakas, pwede na akong pumunta sa bahay nila Yna.

Namimiss ko na siya and thinking her with me just me smile in an instant. Hindi ko siya nakita kahapon dahil marami akong tinatapos. Gusto ko siyang yayain lumabas ngayong kaarawan ko at makasama lang buong araw. Isang magandang regalo na 'yun para sa'kin na makasama si Yna.

Biglang bumukas ang pintoan ng office ko at naalis ang ngiti ko nang makita kung sino ang pumasok.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko kay Jessa.

Si Jessa ay ang isa sa mga taong kinaiinisan ko. Palagi itong nakabuntot sa'kin kahit tinataboy ko na. Sinasabi nitong magkasintahan daw kami kahit hindi naman talaga.

"Aren't you happy? I'm here because it's your birthday!" Masayang ani Jessa.

"Umalis ka na. Hindi kita kailangan." Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito pero hindi ko 'yun pinansin.

Lumapit si Jessa sa'kin at hinawakan ang mukha ko. My expression remained the same when she touched my face. Wala akong kahit anong nararamdaman sa mga haplos niya. Siguro kung si Yna ang humahaplos sa'kin ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili pero hindi.

Iniwas ko ang sarili kay Jessa pero ganoon na lamang ang gulat ko nang tinulak ako nito dahilan upang mapaupo ako sa sofa na nasa office ko.

"Umalis ka na, Jessa. Wala kang mapalala sa'kin." Malamig na usal ko.

"Why? Aren't you tempted?" Malanding wika nito.

Gustong kong matawa sa sinabi nito. Ako maaakit? Wala akong kahit anong naramdaman para sa kaniya. Isa lang ang gusto at hindi siya 'yun.

I smirked. "Kilala mo kung sino ang gusto ko, Jessa. Alam mong kahit pa maghubad ka sa harapan ko, siya pa rin ang laman ng utak ko."

Hindi ko inaasahan ang susunod na gagawin nito. Bigla nalang itong sumampa sa'kin at umupo paharap sa mga binti ko. Itutulak ko na sana siya palayo nang hinawakan nito ang mukha ko at sinimulan akong halikan.

Kasabay nang paghalik nito sa'kin ay ang pagbukas din ng pintoan at 'yun ang posisyon namin nang makita ni Yna.

–End of Flashback–

Napahilamos at napamura nalang ako sa isip nang naalala ang nangyari. Ginulo ko buhok ko at hindi alam ang gagawin.

Blanko ang laman ng utak ko. Gusto kong makita si Yna. Gusto kong magpaliwanang pero alam kong hindi na naman ito maniniwala sa'kin.

Goddamnit!

Iniisip ko palang na ipagtataboyan na naman ako nito ay naiiyak na ako. She's my weakness. Nasasaktan ako ng sobra kapag tinataboy ako nito palayo.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Yna ngunit hindi ito sumasagot. Hindi ako tumitigil sa pagtawag at umaasa na sagotin ako nito hanggang sa cannot be reach na.

Dali-dali kong kinuha ang susi ng kotse at patakbong pumunta sa parking lot. Pupuntahan ko siya. Hindi pwedeng hindi kami magkaayos. Gusto kong magpaliwanag sa kaniya.

Hindi ko pinapansin ang ibang empleyadong tumitingin sa'kin. Alam kong nagugulohan ang mga ito kung bakit ako nagmamadali pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. At 'yun ay ang makausap si Yna.

Pinaandar ko kaagad ang kotse at mabilis na nagmaneho papunta sa bahay nila Yna. Agad akong lumabas ng kotse pagdating ko at nag doorbell ng paulit-ulit.

"Dayana!" Sigaw ko sa pangalan nito.

Hindi ko alintana kung mapaos ako kakasigaw. Pinindot ko ulit ang doorbell dahil wala paring nagbubukas ng pinto.

"Yna, please. Kausapin mo naman ako."

Alam kong nagmumukha na akong tanga kakasigaw at namamaos na rin ang boses ko pero wala akong pakialam. Pinagpapawisan na rin ako dahil tangali na't sobrang init pa ng panahon pero hindi ko 'yun ininda.

Ilang sandali pa ay wala paring nagbukas ng pintoan kaya napaupo nalang ako sa harap ng gate pero kaagad ding napatayo nang bigla itong bumukas.

"Yna..."

Ganoon na lamang ang pagkadismaya ko nang makitang hindi ito si Yna. Nakita ko dito si Nanay Rica na nag-aalalang nakatingin sa'kin.

"Iho, mabuti pa't umalis ka na. Tirik na tirik ang araw at baka mapano ka pa." Asik nito.

Agad akong umiling.

"Ayoko po. Ayos lang po ako dito. Maghihintay po ako hanggang sa kausapin ako ni Dayana."

Nakita ko ang awa sa mukha ni Nanay kaya pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Iho, hayaan mo munang lumamig ang utak ng alaga ko." Tukoy nito kina Yna. "Umuwi ka muna't magpahinga."

"Hindi ako aalis, Nay. Gusto kong makausap si Yna. Ayokong umalis hangga't hindi kami nagkakaayos." I paused. "I don't want her to get mad at me, Nay. Ayokong magalit na naman ulit siya sa'kin at iwasan na naman ako."

Tuloyan nang bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan sa harap ni Nanay.

Bumuntong hininga ito. "Susubokan kong kausapin si Yna pero hindi ko masisigurado kung kakausapin ka ba niya." Nakaramdam naman ako ng saya sa sinabi nito.

"Salamat po, nay."

Tumango ito sa'kin bago nagpaalam na papasok na raw ulit sa loob. Nanatili naman ako sa labas para maghintay.












Wanting Her BackWhere stories live. Discover now