Chapter 27

1K 43 3
                                    

CHAPTER 27





Nakatulog kaagad si Lia sa mga braso ni Kenzo. Pagkatapos namin siyang ihatid sa kwarto niya ay lumabas din kami kaagad. Pinagamit ko ulit kay Kenzo 'yung guest room habang nandito naman ako sa kwarto ko at hindi makatulog.

It's midnight already and I still cannot sleep. Kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko magawa. Gising na gising pa rin ang utak at diwa ko.

I sighed before I stood up. Magtitimpla nalang siguro ako ng gatas para makatulog. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Pagdating ko ay sobrang tahimik ng paligid at hindi rin ganoong maliwanag. Iyong mga dim lights lang kasi ang nagsisilbing ilaw ngayon.

Habang nagtitimpla ng gatas ay may tumikhim sa likoran ko kaya bahagya akong napatalon sa gulat. I looked at my back and saw Kenzo staring at me.

"What are you doing?" He asked before walking the space between us.

"Nagtitimpla ng gatas." Sagot ko. "Ikaw? Bakit gising ka pa?"

"I can't sleep. Narinig kong may ingay dito sa kusina kaya nagpunta ako dito." Sagot nito at tumigil sa may gilid ko. "I'll do it." Dagdag pa nito.

"Ano?" Kunot noo kong tanong.

"Ako na ang magtitimpla ng gatas mo."

Napakurap ako. "Ako na, Ken."

"Let me, baby. Maupo ka na do'n." Utos nito at nginuso pa ang upoan. "Let me make a milk for my woman."

Namula ang pisngi sa sinabi nito at mabuti nalang hindi niya naaninag dahil hindi masyadong maliwanag. Hinayaan ko nalang siya at umupo kagaya ng sabi niya.

"Remember how I made you some milks before? I used to make some milks for you, especially when you're finishing your Practical Research." Tumawa siya. "You used to hate doing your PR kaya minsan ako na ang nagtatapos para sa'yo."

Nakatingin ako sa kaniya habang sinasabi 'yun. Kahit nakatalikod siya mula sa'kin ay ramdam ko ang ngiti niya dahil sa boses nito.

Naalala ko tuloy bigla 'yung dati. Kapag nahihirapan na ako sa Research ko, nandiyan siya palagi para sumalo. Minsan siya pa ang napupuyat habang gumagawa ng Research ko, habang ako natutulog.

May times pa na ako lang 'yung nagsusurvey habang siya na ang gumagawa ng lahat. From introduction until References, gagawin niya lahat 'yun. Hindi ko naman siya inuutosang taposin ang gawain ko pero ginagawa pa rin niya.

That's one of the reasons why I used to love Kenzo before. He's helping me on my studies without wanting anything.

"Here's the milk for my baby." Nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Kenzo.

Nasa harapan ko na ito at ang gatas na tinimpla niya. Ngumiti siya bago umupo sa upoang nasa tabi ko.

"Thank you."

Ngumiti siya. "Anything for you."

Kinuha ko ang gatas na binigay niya at ininom 'yun. Napapikit agad ako sa pagkatimpla nito. He's still the best in making some milk. Hindi matabang at hindi rin matamis. Sakto lang 'yung pagkatimpla na magugustohan mo talaga.

"You're still good at making this." Tukoy ko sa gatas na tinimpla niya.

"You like it?" Nakangiti nitong tanong.

"I love it, Ken."

"I hope you still love the person who made that too." Sagot nito na ikinatingin ko sa kaniya.

Seryoso ang mukha nito nang tignan ko siya. Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa kinuha niya ang baso ng gatas na nasa kamay ko at nilagay 'yun sa lamesa. Nakita ko kung paano nito ipinikit ang mata niya bago dahan-dahang nilapit ang mukha sa'kin.

Wanting Her BackWhere stories live. Discover now