Chapter 14

871 24 4
                                    

CHAPTER 14





"Wala ka ba talagang balak kausapin siya, Yna?" Tanong ni Nanay Rica sa'kin.

Napabuntong hininga nalang ako at tinignan si Kenzo dito sa bintana. Hapon na ngunit nasa labas pa rin siya. Ang alam ko ay binigyan siya ni Nanay kanina ng pagkain at tubig pero hindi niya tinanggap. Gusto raw nitong ako ang maghatid ng pagkain. Ang daming arte.

Honestly, naawa ako sa kaniya. Kanina pa siya sa labas at alam kong nagugutom na siya pero kapag naalala ko ang ginawa nito ay nawawala bigla ang awa ko.

"Hayaan niyo siya diyan, Nay. Hindi naman natin siya inutosang umarte ng ganiyan."

Pinipilit kong hindi maging marupok. May balak na sana akong patawarin siya at nagsimula ulit pero ganito pa ang nangyari. 

"Kaarawan niya ngayon, Yna. Baka gusto mong kausapi---"

"Nay..."

"Pasensiya ka na, Yna. Ayaw ko namang manghimasok pero naaawa lang ako sa kaniya."

"Pero hindi siya naawa sa'kin, Nay. Nasaktan niya pa si Nathalia." Mariin kong usal.

Nakita ko kanina kung paano umiyak at nalungkot si Lia dahil sa nakita niya. Iniiwasan kong masaktan ang anak ko kaya ganoon na lamang ang galit ko sa kanila ni Jessa nang sila ang dahilan kung bakit umiyak si Nathalia.

"Ang sakit makita, Nay. Ang sakit makitang umiiyak si Nathalia dahil sa nakita niya." Dagdag na ani ko.

Niyakap ako ni Nanay dahilan upang mapahagulhol ako. Ang sakit pa rin talaga isiping 'yung akala ko matutupad na pangarap ni Lia ay naging ganito pa.

"Sshh. Huwag ka ng umiyak at magiging maayos din ang lahat." Pang-aamo sa'kin ni Nanay.

Niyakap ko pabalik si Nanay. Nagpapasalamat ako dahil nandito siya palagi sa'kin. Siya ang tumatayong magulang ko dahil palaging walang oras sa'kin ang totoo kong mga magulang.

"Pero sana kahit kausapin mo lang, Yna. Hindi naman sa nanghihimasok ako pero pauwiin mo muna't baka mapano pa. Kaarawan pa naman nito kaya't mabuti kung umuwi siya sa kanila." Payo ni Nanay.

Siguro rin ay tama siya. Kakausapin ko nalang siguro si Kenzo. Papauwiin ko siya at baka nag-aalala na si Tita Eva sa kaniya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Nanay at pinunasan ang luha ko.

Pilit akong ngumiti. "Sige po, Nay. Maraming salamat."

Ngumiti si Nanay sa'kin kaya bumaba na ako. Makakaya ko 'to. Kakausapin ko lang naman si Kenzo para pauwiin siya.

Kailangan kong isantabi muna ang emosyon ko't hindi magpadala sa kung ano man ang sasabihin nito.

Pagbukas ko sa gate ay nakita ko ang pagtingin ni Kenzo. Para itong batang binigyan ng laroan nung makita ako saka dali-daling tumayo at lumapit sa'kin.

"Yna, you're finally here." Garalgal na boses na aniya.

Tinignan ko ang mukha nito at nakitang namumugto ang mga mata nito. Namumula ang mukha niya dahil sa init kanina at sobrang putla na rin niya.

"Umalis ka na." Wika ko.

Biglang bumagsak ang balikat nito dahil sa pagkadismaya. Lumapit ito sa gawi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Baby..."

Iniwaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa'kin. "Ano ba, Kenzo! Sabing umalis ka na!"

He shook his head. "No, ayoko. Yna, please let me explain. Please."

"Explain? For what, Ken? I don't want to hear anything from you."

"Baby, she kissed me. I pushed---"

"She kissed you. Hinalikan ka niya at wala akong pakialam do'n! Kahit pa maglaplapan kayo sa harapan ko, wala akong pakialam!" Sigaw ko sa pagmumukha nito.

Hindi ko na kayang kontrolin pa ang galit ko. Ang kapal naman ng mukha nitong ipamukha sa'kin na naghalikan sila. Ano naman ngayon?

"Yna, calm down. Just hear me out."

"Matatanggap ko pa sana, Ken. Matatanggap ko pa kung ako lang nakakita sa inyo pero ang anak ko. Nasaktan siya ng sobra sa nakita niya." Wika ko dito. "Hindi mo alam kung gaano ko inalagaan si Nathalia, Ken. Kung gaano ako naghirap nung binubuntis ko siya dahil niloko kami ng ama niya."

Nakita ko siyang natigilan sa sinabi ko. Nagsimula na ring tumulo ang luha sa mata nito.

"Baby, I have my reasons. Hindi ko ginusto 'yun."

I sighed. "Yes, you have. Ginamit mo lang ako, diba? Iyan ang rason na sinabi mo sa'kin dati! Umamin kang ginamit mo lang ako!"

Kaagad siyang umiling at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Yna, no. That's not true. That was all a lie." Pagsisinungaling nito.

"Hindi mo alam kung ano ang hirap na dinanas ko nung iniwan mo'ko, Ken. Kaya please, tama naman na. Maawa ka naman sa'kin." I paused. "Sobrang saya ni Nathalia nung sinabi ko sa kaniyang makikita ka na niya, Kenzo. Hindi mo alam kung ilang beses kang tinanong sa'kin ni Nathalia. She's longing for a father's love, Ken. Matagal ka niyang hinintay tapos ngayon na ipapakilala sana kita, ganito pa ang makikita niya? Hindi ka man lang naawa." 

"I'm sorry. Babawi ako. I'm so sorry, baby. I can still be a good father to her. Babawi ako sa inyo."

"Galit na siya sayo, Kenzo. Hindi ka namin kailangan dahil kaya ko siyang buhayin. Hindi namin kailangan ang isang katulad mo, kaya please, leave us alone. Umalis ka na."

Nagulat ako nang bigla nalang itong lumuhod sa harapan ko at niyakap ang mga binti ko. Nararamdaman ko ang mga luha niyang pumapatak sa mga paa ko.

"I cannot do that. Just let me talk, Yna. Please, let me." Pagmamakaawa niya.

"Ano ba. Tumayo ka diyan!" Pilit ko itong tinatayo ngunit mas lalo lang nitong hinihigpitan ang pagyakap sa mga binti ko.

"No. I won't let you go. Give me another chanc---"

"Bullshit, Kenzo! Ilang chance ba ang gusto mo?! Binigyan na kita pero ano ang ginawa mo?! Sinira mo lang, Ken! For the second time, niloko mo na naman ako!"

"Hindi naman kita niloko, Yna. I can't do that. I love you so much."

Pait akong natawa sa sinabi niya. "Ganiyan pala ang pagmamahal sayo, Ken? Ang sakit mo naman magmahal."

"Yna naman..."

"Kenzo, please. Umalis ka na. Ayaw na kitang makita."

Napabitaw ito sa pagkakayakap sa binti ko dahil sa narinig niya. Nanlumo ito at bumagsak ang ulo niya. Nilayo ko ang tingin ko sa kaniya. Ayaw ko itong tignan dahil naaawa ako sa hitsura nito. Ayoko ng magpaloko. Tama na 'yung dalawang beses. Pagod na akong masaktan.

"Ayokong inuulit ang sinasabi ko, Kenzo. Narinig mo naman siguro ako." Malamig na ani ko.

"I can't."

"Pwede ba, Kenzo! Tumigil ka na! Hindi ka ba nakakaintindi? Ayaw na nga kitang makita! You're a cheater and will always be a cheater!"

Napatayo siya. "You're lying, Yna. That's not true. I didn't cheat."

"You didn't cheat? So, ano pala 'yung ginagawa niyo ni Jessa? Naghahalikan as a friend?"

"Just hear me out. Ayaw mo kasi akong pakinggan."

"Dahil ayoko ng marinig pa ang mga kasinungalingan mo." Sagot ko. "Kenzo, uulitin ko sayo. I am done with you. We're done kaya umalis ka na bago pa kita ipabarangay."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito. Tumakbo na ako papasok sa loob at sinirado na ang gate. Ayoko na itong makita. Ayoko ng magpaloko pa sa pinapakita nito.










Wanting Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon