Chapter 12

783 25 3
                                    

CHAPTER 12





Kaagad naman kaming nakarating ni Lia sa Hye Gloo Enterprises. Mabuti nalang at walang traffic kaya hindi kami natagalan.

Hawak ko ang kamay ni Nathalia habang tinatahak ang loob ng HG Enterprises. Wala akong nakikitang masyadong tao dahil baka nasa loob sila ng kanilang mga office. 

"Mom, does daddy works here?" Tanong ni Nathalia habang nililibot ang kaniyang paningin.

"Yes, Lia. He is an engineer so he works here."

"Really po? I am so proud of my him, mom." Sagot nito na ikinangiti ko.

Bigla ko tuloy naisip kung ano ang magiging reaksyon ni Kenzo pagkita namin. Wala kasi talaga siyang alam na pupunta kami ngayon para batiin siya.

May nakita akong babae kaya tinawag ko ito at tinanong.

"Excuse me, Miss. Alam mo ba kung saan ang office ni Kenzo Fuentes?" Tanong ko dito.

Hindi ko kasi alam kong saan ang office ni Kenzo since ito ang unang pagkakataon na pumasok ako dito. Ang alam ko lang ay lahat ng empleyado dito sa HG Enterprises ay may sariling office. Mas malaki kasi ang kompanya na 'to kaysa sa Rill Shine.

Ngumiti ito sa'kin. "Si Kenzo ba? Nasa office niya. May bisita rin ata siya. Pumunta lang kayo sa 3rd floor at 'yung makikita niyong pinakahuling silid ay ang office niya."

"Sige, Miss. Salamat." Ani ko at ngumiti naman ito.

Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. May bisita rin si Kenzo? Sino naman? Ah. Baka sina Tita Eva lang o kakilala niyang gustong bumati sa kaniya. Ayokong mag-isip ng masama't kasama ko pa naman si Lia. Wala naman sigurong masamang ginagawa si Kenzo.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Lia habang tinatahak namin ang daan papunta sa office ni Kenzo. Nanlalamig ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit.

"Mom, are you nervous? You're shaking." Napatingin ako kay Nathalia sa sinabi niya.

Nakita kong nag-aalala itong nakatingin sa'kin kaya ngumiti ako. Hindi pwedeng hindi makita ni Nathalia si Kenzo ngayon. Alam kong umaasa na ito at ayokong maging malungkot siya.

"No, I'm fine. Don't mind Mommy."

She smiled and nod. "Okay po, Mom."

Iniwaksi ko nalang ang mga masasamang naiisip ko. Hindi dapat ako mag-isip ng masama at sobrang importante ang araw na 'to kay Nathalia.

Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na kami ng office ni Kenzo. This is it. Wala ng atrasan 'to.

Balak ko sanang kumatok pero may nag-uudlot sa'kin na huwag nalang. Hindi naman siguro magagalit si Kenzo kapag hindi na ako kumatok.

I looked at Nathalia. "Pagbukas ko ng pinto, sabay tayong sisigaw ng happy birthday, okay?"

She immediately nod. "Copy, Mom."

Dahan-dahan kong binuksan ang pintoan at sabay naming binati si Kenzo. "Happy birth---"

Agad kong tinakpan ang mga mata ni Lia para hindi makita kung ano ang nangyayari. Nandidilim ang paningin ko sa nakita ko.

Tumingin sila sa gawi namin at nakita ko ang gulat na mukha ni Kenzo bago tinulak palayo si Jessa. Anim na taon na ang lumipas pero hindi ko parin makakalimotan ang mukha nito. Wala pa rin siyang pagbabago. Ang landi pa rin talaga.

"What the fvck! Yna, It's not what you think." Tarantang ika ni Kenzo at lumapit sa'min.

Napangiwi ako sa sinabi niya. It's not what I think? Eh, kitang-kita ko nga ang paghahalikan nilang dalawa habang nakapatong si Jessa sa kan'ya tapos it's not what I think?

"Nahuli ko na nga kayo tapos it's not what I think?" Pilit kong pinakalma ang boses ko.

Nandito si Nathalia kaya kahit gusto kong sigawan ito ay hindi ko magawa. Ayokong may matutunan na mali ang anak ko.

Agad kong hinila palabas si Nathalia sa lugar na 'yun. Napatawa nalang ako ng mapakla. Imbes na si Kenzo ang e-surprisa namin, kami pa ata ang nasurprise.

"Yna!" Rinig kong sigaw ni Kenzo pero hindi ko 'yun pinansin.

Patuloy lang ako sa paghila kay Nathalia. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Hindi pa man kami nakakalayo ay may biglang humawak sa braso ko at pinaharap ako.

"Baby, please..." Pang-aamo niya habang nakahawak sa kamay ko. Dumako ang tingin niya kay Nathalia at lumaki ang mata nito sa gulat. "She looks like me. Is she my d-daughter?"

"No." Agad kong tanggi.

Hindi niya anak si Nathalia. Walang ama si Nathalia na manloloko.

"Mommy..."

Nadako ang tingin ko kay Nathalia at nalungkot ako nang makitang umiiyak ito. My daughter is crying. Ang sakit makitang umiiyak ang anak ko.

"Is he my dad? I really look like him po." Pinahid nito ang luha niya. "But why is he kissing another girl, Mom? Does daddy h-hates us?" 

Tumulo ang luha ko sa sinabi nito. Nakita niya ang kahayopang ginawa nila.

Magsasalita na sana ako nang biglang lumuhod si Kenzo para magpantay sila. Tinignan niya ng naluluha si Nathalia at akmang hahawakan nang umiwas si Nathalia.

"Do you h-hate us po? Kaya niyo po ba kami i-iniwan kasi ayaw niyo po sa'kin?" Umiiyak na tanong nito kay Kenzo.

Nakita ko ang pamumula ng mata ni Kenzo at ang ilang beses niyang pag-iling.

"No. I don't hate you." Pangsusuamo niya. "Come here, princess. Let me hug you."

Tumingin si Lia sa'kin at halos madurog ang puso ko nang makita ang mga luha na umaagos sa mata niya.

Umiling siya. "But you k-kissed another girl po."

"You saw it wrong, princess. I didn't kiss a-another girl."

"Stop lying, Dad! I saw it with my own eyes."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nasasaktan ako for Nathalia. I can feel her pain. Ang saya nito kanina pero umiiyak ito ngayon.

"I was very excited earlier because Mommy told m-me that I can finally meet you but this is what happened. You hate us, dad. You don't l-love us." Dagdag na ani Lia.

Nakita kong natuod si Kenzo sa kinatatayoan niya. Tumataas-baba ang mga braso nito sa kakaiyak. Pilit niyang hinahawakan si Nathalia pero lang umiiwas ito.

"It's not what y-you really think." Tanging nasambit ni Kenzo.

Lumuhod ako para mapantay si Nathalia at pinunasan ang luha nito.

"Mommy, I want to leave here na po. I hate this place, Mom." Aniya at niyakap ako.

Tumango naman ako at kinarga siya kahit nanghihina ang tuhod ko. Tumayo ako at tumalikod na kay Kenzo.

"Yna. Let me t-talk. Please..." Narinig kong banggit niya nang hindi pa kami nakakalayo pero umiling ako.

"For the second time, you just broke my trust, Ken." Saad ko bago tuloyang naglakad paalis.











Wanting Her BackOù les histoires vivent. Découvrez maintenant