Chapter 4

1.2K 30 1
                                    

CHAPTER 04






"Kanina ka pa ba?" Tanong ko kay Kenzo nang medyo kumalma na ako.

"Kakarating ko lang then I saw you crying." Ika nito habang nakahawak pa rin sa balikat ko. "What happened?"

"Get off your hands, Kenz." Utos ko imbes na sagotin ang tanong niya.

"Dayana..."

"Get off." Ulit ko pa.

Hindi ko ito magets. Kung makaasta at kumilos siya ay para siyang may pake sa'kin. Nakalimutan na ba nito ang ginawa niya 6 years ago? Kasi ako, hindi pa.

Narinig ko ang malakas nitong pagbuntong hininga bago niya inalis ang pagkakahawak sa balikat ko. Tumayo ako ng tuwid at aalis na sana sa harapan niya nang pigilan ako nito.

Blanko akong tumingin sa kan'ya. "Ano na naman?"

"Baby, please..."

"Please what Ken?"

Ayoko ng magpaloko sa kan'ya. Ganito din ang pag-arte nito sa'kin dati habang nililigawan ako. Kunwari ay nag-aalala siya at malungkot kapag umiiyak ako pero sa huli, nagloko lang din.

"6 years ago, your parents. They know about---"

"Huwag mong idamay ang magulang ko 6 years ago, Ken. They know nothing!" Putol ko.

Nakita ko ang namumuong mga luha sa mata niya dahil sa sinabi ko. Paulit-ulit din itong lumunok na parang pinipigilan ang sariling umiyak.

"Baby, no." Umiling siya. "They know about us. Alam nila ang lahat tungkol sa'tin at sa buhay ko."

"Pwede ba, Ken! Huwag kang mandamay ng ibang tao para lang malusotan ang kahayopang ginawa mo!"

"Yna, believe me." Hinawakan nito ang kamay ko. "Hindi ako nagsisinungaling sa'yo."

Umismid ako sa sinabi niya.

"Hindi nagsisinungaling? At sa tingin mo ba, maniniwala pa ako sa'yo? Hindi na. Hinding-hindi na, Ken. Wala na akong natira pang tiwala sa'yo."

Napalunok ako nang makita ang isang butil na luhang tumulo sa mata niya. He's cyring.

"Just l-listen to me, Yna. Just please. Hear me out. Give me a chance to explain myself, baby. Please."

"Para ano, Ken? Para saktan mo ulit ako? I will never give you a chance to hurt me again. Once is enough. Kaya tumigil ka na at bitawan ang kamay ko."

Umiling ito at hinawakan lang ng mahigpit ang kamay ko. "Please, baby. I miss you. You have no idea how much I missed you for the past years, so please, just listen to me."

"Hindi mo alam kung ilang beses kitang hinintay dati na humingi ng pasensya, Ken. Halos araw-araw akong nagbabasakaling magpakita ka sa harapan ko at hihingi ng paumanhin sa ginawa mo." Lumunok ako. "Pero wala, Ken. Kahit anino mo hindi ko nakita! Tapos ngayon babalik ka? Sasabihin sa'kin na pakinggan kita? Ang kapal naman ng pagmumukha mo." Dagdag ko pa.

Nabitawan nito ang kamay ko sa sinabi ko. Hahakbang na sana ako paalis nang magsalita siya ulit.

"Gusto kitang balikan no'n, Yna. I want to hug you and tell you how much I love you." Naiiyak na ani nito. "Pero natatakot ako sa maaaring gawin ng parents mo. Natatakot ako sa pwedeng gawin nila sa'yo at sa magulang ko."

"My parents are a killer. Is that what you're trying to say?" I hissed.

Kaagad siyang umiling. "No, baby. It's not like that."

"Ken, hindi magagawa ng parents ko lahat ng iniisip mo. Wala silang alam sa'tin dati kaya huwag na huwag mo silang idamay. I cannot believe you! Ginagamit mo ang magulang ko para lang mapatawad kita!"

Nakita kong tumulo ang mga luha nito nang sinabi ko 'yun sa kan'ya but I don't care. He can cry how much he wants at wala akong pakialam. Kulang pa lahat ng iyak niya sa mga iniyak ko dati.

Lalapit na sana ito sa'kin at hahawakan ang kamay ko nang tinaboy ko siya. "I want to be alone." Ika ko at hindi na hinintay pa ang maging sagot nito.

Pumunta ako dito sa garden pagkatapos naming magkasagotan ni Kenzo. Mayroon naman kasing garden dito sa hotel. This hotel is not just an ordinary hotel, meron din itong restaurant and a mini-store. Well, it's one of the Guiterez properties kaya hindi na nakakagulat.

Natawa nalang ako ng mapakla nang maalala ang lahat ng sinabi ni Kenzo. I hate him. Kung ano-ano ang sinasabi niya sa'kin. Walang alam ang magulang ko sa'min dati kaya impossibleng totoo ang mga sinasabi niya. Isa pa, kahit alam kong masama ang magulang ko ay hindi nila kayang manakot ng ibang tao.

"Here." Usal ng isang boses at nilahad ang panyo nito sa harap ko.

Tinignan ko ang may-ari nito at nakita ang isang hindi pamilya na mukha. Magara ang suot niya kaya alam kong mayaman siya. Besides, halata din sa mukha niyang mayaman siya.

Hinawakan ko ang aking mukha dahil sa pag-abot nito sa'kin ng panyo. Naramdaman ko ang parang tubig sa mata ko. Naiyak pala ako. Hindi ko man lang namalayan.

"Get it, Dayana. Wipe your tears." Ika nito na ikakunot ng noo ko.

"Bakit mo ako kilala?" Tanong ko sa kan'ya bago kinuha ang panyo niya.

"You're just the one and only daughter of the Guiterez. Bakit naman kita hindi makikilala?" Tumigil ito sa pagsasalita at ngumisi sa'kin. "At paano ko naman hindi makikilala ang future wife ko, diba?" Dagdag na ika niya.

I stunned. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Future wife? Don't tell me, siya ang anak no'ng kasama nina Daddy kanina?

"Are you Mr. Rodney's son?"

Ngumiti ito at tumango. "Yes. I am. My name is Nathan. Nice to meet you."

Nilahad nito ang kamay niya at tinanggap ko rin naman.

"I'm Dayana but I'm not your future wife."

Tumawa ito sa naging sagot ko bago tumabi sa'kin. "You can't do anything, Dayana. I know your parents and I also know mine. Alam kong gagawin nila lahat magawa lang ang gusto nila."

I looked at him and I saw him looking at the view infront of us. He's right. Gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang magulang ko para masunod ang gusto nila. But what about Nathalia? Hindi pwedeng itago ko siya. Ayokong tinatago ang anak ko.

"Ayaw mo bang tumutol? You can back out." Ika ko dito.

Napansin ko itong tumingin sa gawi ko. "No. I have no plans to do that. I like you, Dayana. I like you since we were on our College."

Nanlaki ang mata kong tumingin sa kaniya. He likes me since College? Sa Palley University din siya nag-aaral?

"What do you mean?"

"I like you since College. Alam ko lahat ng nangyari sa buhay mo when we were on our College." Tumigil siya. "Gusto kitang lapitan tuwing nakikita kita pero hindi ko magawa dahil kayo pa no'n ni Kenzo. Ang sama ko nga ata no'ng sumaya ako dahil nalaman kong break na kayo."

Hindi ko siya napapansin no'ng College dahil bukod kay Kenzo ay wala na akong ibang pinapansin na lalaki.

Napatayo ako nang bigla kong maalala ang dahilan kong bakit ako nandito. Baka magalit pa ang magulang ko sa'kin dahil wala ako sa venue.

"I need to go, Nathan. I think the event just started." Ika ko kay Nathan at akmang aalis nang sumagot siya.

"They cancelled the event. They moved it but I didn't know when." Hinawakan nito ang kamay ko at pinaupo ulit sa tabi niya. "Give me a chance to prove myself, Yna. I want to prove myself that I am deserving of your love."








Wanting Her BackWhere stories live. Discover now