Epilogue

1.4K 42 8
                                    

EPILOGUE






Naalimpungatan ako nang maramdaman ang mabigat ngunit mainit na kamay sa bewang ko. Tumingin ako dito at nakita ang nakayakap na kamay ni Kenzo. Mahimbing itong natutulog at malaya kong nakikita ang maamong mukha nito dahil sa binibigay na liwanag ng buwan at LED lights ng kwarto.

Katabi ni Kenzo si Lia na mahimbing ding natutulog habang nakatanday ang paa nito sa binti ng ama niya. Sa gitna sana ang pwesto ni Lia pero nagpumilit si Kenzo na sa gitna daw siya para makatabi kaming dalawa. Hindi na rin naman pumalag si Lia dahil palagi naman kaming magkatabi.

I look at the wall clock here in our room and I saw that it's past 2 in the morning. Hindi na rin ako inaantok dahil siguro mahaba ang naging tulog ko kanina kaya naisipan ko nalang magpahangin sa labas.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni Kenzo sa bewang ko at tumayo na. Kinumotan ko muna sila ng maayos bago tuloyang lumabas ng silid.

Pumunta ako sa kusina at nagtimpa ng kape bago naisipang magpahangin sa garden sa likod-bahay namin. Hindi naman madilim dito dahil palagi naman naming binubuksan ang ilaw dito tuwing gabi at idagdag mo pa ang liwanag ng buwan ngayong gabi.

Umupo ako sa upoan dito sa garden at inisip lahat ng nangyari. Kenzo is doing his best to be the best Dad for Lia. Ginagawa niya ang lahat para makabawi at napapansin ko 'yun.

He deserves to have a one more chance.

And I still love him.

Hindi tumigil ang pagmamahal ko sa kaniya. I was just denial with my feelings, dahil sa takot at galit.

But I think it's time for me to choose my heart again.

Biglang humangin ng malakas kaya napayakap ako sa sarili ko.

"Ang ginaw," mahina kong usal.

"Then why are you here? It's cold, Dayana. Sana nagsuot ka man lang ng jacket kung gusto mo palang lumabas." A voice booms behind me.

Napatingin ako dun at nakita ang nakakunot noong mukha ni Kenzo. Kinuha nito ang jacket na suot niya bago pumunta sa likod ko at sinuot sakin 'yun.

"There," usal nito. "Next time wear a jacket. You might catch a cold kung malalamigan ka ng matagal. Sakitin ka pa naman."

For some reasons, napangiti ako sa sinabi nito. He cared for me and he still remember small details about me. Alam pa din niyang madali lang akong tablan ng sakit.

Binalak ko sanang umusog nang umupo siya sa tabi ko pero hinawakan lang nito ang bewang ko para pigilan ako. Kinuha nito ang hawak kong baso at nilagay yun sa maliit na lamesa sa harap namin.

He then rested his head on my shoulder kaya napaayos ako ng upo. Nakahawak pa rin ito sa bewang ko kaya para kaming nasa isang romantic na scene sa posisyon namin ngayon.

Walang nagsasalita sa'min at minamasdan lang namin ang liwanag ng buwan at mga bituin sa langit.

"The moon is beautiful, isn't it?"

Biglang kumabog nang mabilis ang puso ko sa sinabi nito. I know the real meaning of that sentence. It's a low-key confession to someone you loved that you love them.

Nagkatitigan kami pareho at kusa nalang lumabas sa bibig ko ang sagot sa sinabi niya.

"It is. And I love you too."

Kita ko kung paano umuwang ang labi niya at ang pagkinang ng mga mata nito sa sinabi ko. Kumurap siya ng ilang beses bago umayos ng upo. Mahina nitong kinurot ang sarili niya sa pisngi at ang pagkusot ng mata niya.

"I'm not dreaming," masaya nitong ani bago muling tumingin sa'kin. "I'm not dreaming, right?"

Napangiti naman ako sa naging reaksyon nito. What a cutie.

I nod my head. "This is real, Ken."

Matamis itong ngumiti at hinawakan ang kamay ko bago unti-unting nilapit ang mukha nito sa'kin. I slowly close my eyes hanggang sa naramdaman ko na ang malambot nitong labi sa labi ko.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari after nun. Basta namalayan ko nalang ang sarili ko sa loob ng guest room na hingal na hingal at tanging kumot lang ang takip sa katawan habang si Kenzo naman ay nilalaro ang buhok ko.

We made love.

That's exactly what happened.

"Let's get married," ani Kenzo na ikinalaki ng mata ko.

"What?" Asik ko. "Married? Ang bilis naman ata, Ken. Hindi pa nga natin alam kung papayag ang mga magulang natin."

Umayos ito ng upo at sumandal sa headboard ng kama kaya sumunod din ako.

"We're not kids anymore. My parents would be really happy kapag nalaman nilang ikakasal tayo."

"How about my parents?" Mahina kong usal, sapat na marinig niya.

My parents are the problem here. Baka mauwi na naman sa pag-aaway kapag nalaman nila.

"Matatanggap din nila tayo. Let's just give them time. Sabay nating sasabihin sa kanila na magpapakasal tayo." Huminga ito ng malalim. "And if they disagree, we will fight for it. Let's fight our love together this time, baby."

I took a deep sigh before nodding. He's right. Kahit ganun ang mga magulang ko ay sila pa rin ang mga magulang ko at dadating pa rin ang panahon na tatanggapin nila ang naging desisyon ko sa buhay.

Kenzo planted soft kisses on my shoulders and to my neck which made me close my eyes. He then gave a smack kiss on my lips bago hinawakan ang kamay ko.

"No one can break us apart this time, baby. I love you so much and I will not let anyone ruin us," asik nito na ikinangiti ko.

Kaagad ding nawala ang ngiti ko nang maalala si Jessa. Ang babaeng 'yun. Napansin naman kaagad ni Kenzo ang pagbago ng aura ko kaya nagtanong ito.

"Why?"

"Bakit magkasama kayo ni Jessa last time?" Diresta kong tanong.

Napabitaw naman ito sa pagkakahawak ng kamay ko at sumeryoso ang mukha.

"You mean, 'yung sa restaurant?"

I nod.

"That's because she requested it," he paused. "Sinabi niyang huling request niya na 'yun sa'kin at hindi na siya kailanman mangingialam kapag pinagbigyan ko siya. All she wants is for me to have lunch with her for the last time. I agreed para hindi na ito mangialam."

"And you trust her? Naniwala ka sa sinabi niyang 'yun?"

"I did not pero sinubokan ko pa rin. And after we had our lunch, she said sorry for all the things that she did, baby."

Medyo kumalma naman ako nang hinawakan nito ulit ang kamay ko bago ako hinapit palapit pa sa kaniya.

"There's only you, Dayana. There's nothing for you to worry about. No one can ever replace your place in my heart." Malambing nitong ani at hinalikan ang noo ko.

"Thank you," I replied.

"No, thank you, baby. Thank you." He said. "Let's get married as soon as possible. Gusto kong gamitin niyo ni Lia ang apelyido ko."

Tumango ako sa naging sagot niya na ikinalawak ng ngiti nito.

"I love you, so much, Mrs. Fuentes."

Natawa nalang ako ng bahagya at sinabayan ang trip niya.

"I love you too, Engineer."

Our love story might be not the most romantic, but it taught me lot of lessons. It was not perfect but it was also not the worst. Life may fuck us hard but will give us lessons and memories that we will cherish forever. And finally, Kenzo wants me back and he won.









THE END.

Wanting Her BackWhere stories live. Discover now