Chapter 5

1.2K 31 2
                                    

CHAPTER 05






Today is Monday kaya gumising ako ng maaga para maghanda ng pagkain kay Lia at para pumasok ng trabaho.

Ayoko pa sanang bumangon and I want to stay on my bed for a long period of time but I just can't. Kailangan ko pang alagaan ang anak ko at magtrabaho para sa kan'ya.

Hindi ako humihingi sa magulang ko kahit piso sa pagpapalaki kay Lia. Ayokong manghingi sa kanila dahil alam kong magagalit lang sila kapag nalaman na para ito kay Lia.

"Mommy..."

Napatingin ako sa anak ko at nakitang kinukusot pa nito ang mga mata niya dahil kakagising lang. Nathalia looks exactly like Kenzo. Ang kutis at kilay ko lang ata ang namana ni Lia sa'kin. Kaya kapag nakita si Lia ng mga ka-workmate ko masasabi talaga nilang si Kenzo ang ama nito. She's like a carbon copy of her dad.

"Are you starving? I'm almost done cooking." Ika ko kay Lia kaya umupo na ito.

Mas nauuna kasi akong gumigising kay Nanay Rica at hindi ko nalang ito ginigising dahil alam kong pagod siya. Nagigising na rin naman ito kapag aalis na ako ng bahay.

Pagkatapos naming kumain ni Lia ay hinalikan ko ito sa pisngi. Napatingin ako sa orasan at nakitang malapit ng mag 8AM. Kailangan ko ng pumasok sa trabaho.

"Lia, I need to go. Stay here with Nanay Rica."

She nodded her head. "Okay, Mom. Take care."

Hinalikan ko ito sa pisngi saka lumabas na ng bahay at pumunta sa kotse. Pinaandar ko ito kaagad papunta sa Rill Shine. Mabuti nalang at hindi traffic kaya madali akong nakarating.

"Ynaaa!" Dinig kong sigaw agad ni Lea pagpasok ko.

Ngumiti ako dito. "Himala at hindi ka late ah."

"Kanina pa nga kita hinihintay. Totoo ba 'yung binalita tungkol sa'yo?" Sagot nito na ikinakunot ng noo ko.

Anong balita? Wala akong alam. Hindi ko naman ugaling manood ng balita sa umaga dahil wala na akong oras.

Sasagot na sana si Lea ng biglang sumingit si Jake sa usapan. "Congratulations, Yna! Ikakasal ka na pala."

Gulat ang mukha kong tumingin sa kanila. Kasal? Don't tell me, pinabalita nina Mommy ang gusto nila? Grabe naman kung ganoon. Hindi nga ako pumayag na mangyari 'yun tapos ipapabalita pa nila.

"Hindi ako ikakasal. Anong balita sinasabi mo, Lea?"

"Duh, gurl. Binalita kanina na ikakasal ka kay Nathan Rodney." Tumigil ito bago nagpatuloy. "Ang pogi pa naman no'n. Nakakainggit tuloy. Headline ka nga rin sa mga diyaryo ngayon!"

Hindi ako makapaniwala sa mga magulang ko. Pinilit talaga ni Daddy ang gusto niya. Siguro ay naisip nito na kapag binalita nila ang magiging kasal ko kuno ay wala na akong ibang choice kundi ang pumayag dahil mapapahiya ako kapag hindi.

How dare them!

Nilibot ko ang paningin ko sa office at nakita ko si Kenzo. Anong ginagawa nito dito?

He is looking intently at me. Bigla akong naawa sa mukha nito. Namumugto ang mga mata niya at makikita mo ang labis na kalungkotan sa mukha nito. Bigla ko tuloy naalala ang naging sagotan namin kagabi.

Nang magkatitigan kami ay pilit itong ngumiti at lumapit sa gawi namin. "Good morning, Yna."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng pagsisisi at awa sa kan'ya.

"Good morning din." Tanging sagot ko bago pumunta sa desk.

Nagsibalik na rin sa kaniya-kaniyang desk sina Lea at nagsimula na sa trabaho namin. Habang nagtratrabaho ay hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang palaging pagnakaw tingin sa'kin ni Kenzo. Hindi ko nalang ito pinapansin at pilit na tinutuon ang pansin ko sa trabaho.

Wanting Her BackWhere stories live. Discover now