Chapter 21

1K 42 7
                                    

CHAPTER 21




Pagdating namin sa bahay ay lumabas agad ako sa kotse. Tinignan ko si Kenzo paglabas at nakitang halos matanggal na ang labi nito sa laki ng ngiti niya. Nang naramdaman niyang nakatingin ako ay kinagat nito ang ibabang labi niya para pigilan ang sariling mas ngumiti.

Tinaasan ko ito ng kilay. "You looked weird when you're smiling like that."

"Do I?" Hindi na niya napigilan ang sarili at natawa na. "I'm just happy."

Halata nga.

Napangiti nalang din ako at napailing. Naglakad na ako papasok sa loob at naramdaman ko namang sumusunod ito sa'kin.

Pagbukas ko sa pintoan ng bahay ay nakita ko kaagad si Lia na naglalaro mag-isa sa sala. Dumako ang tingin nito sa'kin at tumakbo palapit para yumakap.

"Mommy..."

"Lia, I am with someone."

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa binti ko at tinignan ako. Natawa ako nang makitang nakakunot ang mga noo niya.

"I am with your Dad." Dagdag ko na ikinalaki ng mata niya.

Tumingin siya sa aking likoran at nakita niya si Kenzo na nakatingin sa kaniya. Excitement and happiness are all written in Kenzo's eyes. They are very pure.

"Daddy..."

"Can I also h-hug my princess?" Halos matawa ako nang nautal pa si Kenzo habang sinasabi 'yun.

Nathalia suddenly nod her head before heading out to Kenzo. Lumuhod si Kenzo para magpantay sila ni Lia at niyakap niya ito kaagad paglapit.

Sobrang higpit ng yakap nila sa isa't-isa at halata talagang sabik silang magkita. Tears suddenly flow from my eyes. Hindi ko maiwasang maiyak din sa tuwa habang nakatingin sa kanila. A very touching scene, indeed. Alam kong sobrang saya ngayon si Lia dahil nayakap na rin nito ang ama niya.

Tinignan ni Kenzo si Lia at pinahid niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi nito.

Nathalia sniffed. "I missed you, Daddy."

Kenzo cried because of happiness. Hinalikan niya ito sa noo ng paulit-ulit.

"I miss you too, so much, princess."

"Don't l-leave us again, dad."

Humiwalay si Kenzo sa pagkakayakap sa kaniya at hinaplos ang pisngi nito. "I won't, princess."

"Promise po, Daddy?"

Kenzo gave her an assurance smile. "I promised." 

Ngumiti si Lia at tumingin sa gawi ko. "Mommy, come here po. Let's hug Daddy together." She said innocently.

Kahit ayoko man ay wala na akong magawa kundi ang lumapit sa kanila. Sumali ako sa yakapan nilang mag-ama at napangiti nalang nang makaramdam ako ng kapayapaan sa kanila.

Ang saya pala ng ganitong pakiramdam. Iyong nararamdaman mong masaya ang anak mo ng labis habang nakayakap sa magulang niya.

After dinner ay naglaro silang mag-ama. Sinabihan ko ngang huwag ng maglaro dahil gabi na masyado ngunit ang tigas ng ulo at hindi man lang nakinig kaya hinayaan ko na.

Nakangiti akong nanonood kina Kenzo at Lia. They are playing together at walang sawa silang naglalaro kanina pa. Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya si Lia. She's never been this happy before. Napunan na rin 'yung kulang na kasiyahan niya dati.

"Ngayon ko lang nakita na gan'yan kasaya si Nathalia, Yna." Napatingin ako sa gilid at nakita si Nanay Rica na masayang nagmamasid kina Kenzo.

"Kaya nga po, Nay."

Wanting Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon