Chapter 2

1.3K 40 1
                                    

Chapter 2






"Mommyy!" Napangiti ako dahil sa sigaw ng anak ko.

Umuwi agad ako pagkatapos ng trabaho at ayokong makita ang pagmumukha ni Kenzo. Nagpumilit ito kaninang ihatid ako, but I refused. May sarili naman akong sasakyan at saka hindi na ako nito kailangan pang ihatid.

"Lia, slow down!" Saway ko dito ng tumatakbo ito sa gawi ko.

Agad itong yumakap sa mga binti ko paglapit sa'kin. Napangiti naman ako dahil sa ginawa nito.

Nathalia Guiterez is my daughter. She is 5 years old already. Pagkatapos ng nangyari 6 years ago ay pinalipat kaagad ako ng school ni Daddy. I don't know the exact reason pero pumayag rin ako. Desperada akong hindi makita si Jessa at Kenzo sa mga panahon na 'yun dahil sa ginawa nila.

Days after the accident, I found out that I am pregnant. I was bearing the child of Kenzo. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'yun. Ayokong lumaki ang anak ko ng walang ama but I realized na hindi rin kailangan ng anak ko ang isang manlolokong ama. That's why, sinilang at binuhay ko siya sa sarili ko.

"Where's Nanay Rica?" Tanong ko dito.

Si Nanay Rica ang nagsilbing pangalawang nanay ni Nathalia. Si Nanay Rica ang tumulong sa'kin sa pag-alaga sa kan'ya.

"She's cooking, Mom." Malambing nitong sagot.

Pumasok kami sa loob ng bahay at pumunta muna ako sa silid para magbihis. Our house is normal. Hindi ito masyadong malaki pero katas ito ng sarili kong pera bilang isang Accountant.

My parents hate Nathalia. Ayaw nila dito sa kadahilanang wala itong ama. Excited ako dating sabihin sa kanila na buntis ako pero hindi sila naging masaya. Sinabi nilang ipalaglag ko ito at masisira ang mga Guiterez kapag nalaman na walang ama si Nathalia.

It made me cry. Apo nila si Nathalia pero hindi nila ito kayang tanggapin. That's why nagsumikap ako ng doble para sa kan'ya. I want to prove my parents that I can sustain her needs without their help.

"Ma'am, kain na po kayo." Usal agad ni Nanay Rica pagdating ko sa kusina.

Sumimangot ako dahil sa tinawag nito sa'kin. "Si Nanay talaga. Sabing Yna nalang itawag sa'kin eh."

Natawa ito sa sinabi ko. Para ko na ring ina si Nanay. Mas marami pa nga itong naitulong sa'kin kaysa sa tunay kong ina.

"Nasanay lang kasi ako, Iha." Natatawang saad nito sa'kin na ikinatawa ko rin.

Nadako ang tingin ko kay Nathalia. Para itong wala sa sariling nakatingin sa pagkain niya.

"Lia..." Banggit ko sa pangalan nito.

Tumingin ito sa gawi ko at nasaktan ako ng makita ang malungkot na mukha nito. Lumapit ako palapit sa kan'ya at hinawakan ang mukha niya. "What's wrong, baby?"

"Mom, I want to see my Dad. Is he still working?" Napatulala ako sa sinabi ni Nathalia.

It is my weakness. Nanghihina ako tuwing tinatanong nito sa'kin ang tungkol sa ama niya. Ang sinabi ko dito ay nagtratrabaho sa malayo ang Daddy niya kaya hindi namin ito pwedeng makita.

"Lia, we already talk about---"

"I know, Mom. I was just hoping." Putol nito sa sasabihin ko.

I hugged her and she hugged me back. I am trying my best to be a best mother and at the same time a father for her, pero hindi parin maiiwasan na nangungulila siya sa kan'yang tunay na ama.

Pagkatapos kong patulogin si Nathalia ay pumasok na rin ako sa kwarto ko para matulog. Hindi ko na tinatabi si Lia dahil gusto kong habang bata pa ito ay masanay na siya.

Kahit busy ako, naglalaan pa rin ako ng oras for her. Ayokong gayahin ang mga magulang ko na puro trabaho lang ang ginagawa at hindi man lang ako inatupag nong bata pa lamang ako.

I was about to lay down on my bed nang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller at nakitang si Mommy ito.

"Hello, Mom? How are y---"

"Go to Guiterez Hotel tomorrow, 8pm. Wear a formal dress."

Putol nito sa sasabihin ko. Napahilamos nalang ako sa mukha sa narinig ko dito. Ano pa bang aasahan ko? Tumatawag lang naman sila kapag may kailangan.

"Mom, hindi ako pwede. Tomorrow's Sunday, bonding time namin ni Lia." Pag-tangi ko dito.

Every Sunday kasi ay wala kaming trabaho sa Rill Shine kaya binibigay ko ang buong araw ko kay Lia. Pumunta kaming mall o di kaya ay nanonood kami ng movies.

"You need to be there, Dayana!"

I sighed. "Fine but I'll go with Nathalia tomorrow."

"Don't you dare, Yna. Don't you dare bring that child!"

"Mom, she's your granddaughter!"

"Wala akong apo na walang ama. She will disgrace our family's name if ever malaman nilang nabuntis at tinakbohan ka!"

Hindi ako makasagot sa sinabi nito. I want to shout at my mother pero hindi ko magawa dahil nagmumukha akong walang respeto. They are always like that. Ang pangalan lang nila ang palagi nilang inaalagaan and I hate it.

"I need to hang up. Be there tomorrow, Yna. Without your child!"

Hindi na ako makasagot nang binaba na nito ang tawag. Damn! I hate being a Dayana Guiterez. I feel sorry for Nathalia. Alam kong gusto niyang matanggap siya ng mga magulang ko.

Nakita ko kung paano ito nasaktan no'ng sinubukan ko siyang ipakilala at pinalabas lang ito ng mansyon namin. Naaawa ako sa anak ko. Hindi niya dapat maramdaman ang ganito.

Ang alam ng magulang ko ay tinakbohan ako ni Kenzo kaya walang ama si Nathalia ngayon. Ayokong itago ang anak ko sa media but I have no other choice. Alam kong pagsasalitaan nila ng masama si Nathalia kapag nalaman nilang wala itong ama at ayokong mangyari 'yun.

Naisipan kong pumunta sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Nakita kong nasa kusina pa rin si Nanay Rica at naglilinis.

Siya lang kasi ang katulong dito sa bahay but I am helping her sometimes. May pinapapunta lang ako dito every Sunday para maglaba ng mga damit namin.

"Nay, bakit di pa po kayo natutulog?"

Gulat ang mukha nitong tumingin sa'kin. "Ikaw pala, Yna. Matutulog din ako pagkatapos ko dito."

Napangiti ako dahil tinawag din ako nito sa pangalan ko. Tumango ako sa kan'ya at pumunta sa ref upang kumuha ng tubig.

"Natutulog na ba si Nathalia?" Tanong ni Nanay Rica.

Tumango ako dito bilang sagot.

"May problema ka na naman ba? Tumawag na naman siguro ang mga magulang mo."

Natawa ako sa sinabi ni Nanay. Kilala na talaga ako nito. Alam na nito kung may problema man ako o wala.

"Hindi ko kasi sila maintindihan, Nay. Apo nila si Nathalia pero hindi nila ito kayang tanggapin."

"Manalangin ka lang sa Panginoon, Yna. Alam kong matatanggap din nila si Nathalia sa tamang panahon." Tanging sagot ni Nanay Rica sa'kin.

She's right. Dadating din ang panahon na 'yan at kailangan ko munang maghintay pero sana ay hindi tumagal dahil hindi deserve ni Nathalia ang treatment na pinapakita nila.








Wanting Her BackWhere stories live. Discover now