Chapter 18

942 34 7
                                    

CHAPTER 18






"Mommy, are you going to your work already?"

Dumako ang tingin ko kay Nathalia at nakitang kinukusot pa niya ang kaniyang mata dahil bagong gising pa lang siya.

I nodded. "Yes, Lia. Makinig ka kay Nanay Rica. Huwag kang pasaway."

"Okay, Mommy. Take care po."

Lumapit ito sa'kin at binigyan ako ng halik sa pisngi. Late ng natulog si Nathalia kagabi dahil matagal umuwi si Nathan. Dito na rin siya kumain ng haponan sa bahay. Pagkatapos kumain ay naglaro sila ni Nathalia. Ayaw pa ngang pauwiin ni Lia si Nathan kagabi kaya pinatulog muna namin ito bago siya umuwi.

Lumabas ako ng bahay at nagulat nang makita si Nathan na nakasandal sa kotse niya. Ang astig nitong tignan. May iba pang dumadaan na napapatitig sa kaniya.

"Yna, ihahatid na kita." He suggested.

I shook my head.

"Nathan, hindi na kailangan. Baka nakakaabala lang ako---"

"I insist, Yna. Come on, wala rin naman akong gagawin ngayon." Putol nito sa sasabihin ko.

Binuksan nito ang front seat kaya pumasok na ako do'n. Pumunta rin naman siya agad sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan.

"Gising na ba si Nathalia?"

"Oum, kakagising lang din niya." I replied.

"Ganon ba? Dapat pala pumasok muna ako sa loob."

"Teka..." Ika ko. "Don't tell me, kanina ka pa sa labas?" 

Narinig ko ang mahinang tawa nito. "No, not really."

Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya. Akala ko kasi kanina pa ito naghintay. Nakakahiya naman kung ganoon.

"Totoo palang pumunta ka sa Italy?" I asked him.

"Yes, may pinagawa lang si Daddy na business dun. Nung niyaya kita mag lunch tas dumating si Kenzo. Remember that day?" Tumigil ito bago nagpatuloy. "Iyon din ang araw ng flight ko. Niyaya kita dahil baka matagal pa akong makakauwi. Sasabihin ko sana sa'yo at magpapaalam but hinila ka ni Kenzo." Natatawang aniya.

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa Rill Shine dahil masyado itong maraming kinuwento. Masayang kasama si Nathan. Kinuwento nito sa'kin ang ginawa niya sa Italy kahit hindi ko naman tinanong.

"Susundiin ulit kita mamaya, Yna." Aniya pagbaba ko ng kotse.

"Hindi na, Nath. Magtataxi nalang siguro ako."

Ayoko ng abalahin pa ito. Alam kong busy siya sa company nila.

He laughed. "Pupuntahan pa rin kita mamaya, Yna."

"Nathan, hindi na tal---"

"I need to go. See you later, Yna." Bago pa ako makasagot ay pumunta na ito papasok sa kotse niya at natawa nalang ako sa inakto nito.

Natapos ang araw and it was all the same set-up. Work, break, then work again.

Walang Kenzo na nagparamdam ngayon. Hindi ko naman ito hinahanap, napapansin ko lang.

"Yna, una na ako sayo ha." Ani Lea kaya tumango ako dito.

4pm na kasi kaya tapos na kami sa trabaho. Marami na ring mga kasama namin ang umuwi na kaya naglakad na rin ako palabas pagkatapos kong magligpit ng gamit.

Hindi ko alam kung susundiin ba ako ni Nathan. Nakalimutan ko rin palang kunin ang number niya para e-text siya na magtataxi nalang ako.

No choice. Kailangan ko itong hintayin dahil baka pupunta talaga siya dito. Ang pangit din naman kapag pumunta siya tas wala na pala ako.

"Yna..." Bigla akong kinabahan nang may narinig akong boses sa likod ko.

Hindi ko na kailangan pang humarap dahil kilala ko na ang boses nito.

"Talk to me, Yna, please..."

"I told you---"

"Just 5 minutes. Please..."

I sighed. "Fine. Sundan mo'ko."

Kakausapin ko nalang siguro ito para matapos na. Pumunta ako sa tagong parte ng parking lot at naramdaman ko namang sumusunod ito sa'kin.

Ayoko rin namang sa gitna ng daan kami mag-usap at makaabala pa kami sa taong dumadaan.

"Spill the tea, Kenzo." Diretsa kong ani paghinto namin.

"I want to see her. I want to see my daughter."

"Wait. What? You want to see Nathalia?"

I saw him nod. "Yes, baby. I want to see our daughter."

Tumayo ang balahibo ko sa sinabi nito. Alam ko namang anak namin si Nathalia pero kailangan ba talagang banggitin sa pagmumukha ko?

"Huwag muna, Ken. Give Nathalia a space. Sariwa pa sa kaniya ang nangyari." I explained.

"I want to see her, Yna. I want to hug her."

I can feel his longing voice. Naramdaman kong gusto talaga nitong makausap si Nathalia pero hindi pa handa si Lia. Alam kong hindi niya pa nakakalimutan ang nakita namin sa office ni Kenzo.

"Ken, please understand. Hindi mo muna---"

"The fuck, Yna! Gusto ko siyang makita! Huwag mo namang ipagkait sa'kin ang makita siya!"

"Ang kapal naman ng mukha mo, Kenzo. Palagi nalang sarili mo ang iniisip mo! Hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ni Lia?!" I shouted back.

Napahilamos ito sa mukha niya.

"That is why I want to see her! Gusto kong bumawi sa kaniya! Hindi mo rin ba naiisip ang nararamdam ko, Yna? 6 years. Hindi ko siya nakasama sa loob ng anim na taon. You can't blame me for wanting to see her!"

Napaatras ako dahil sa malakas nitong sigaw. Ngayon lang ako nasigawan nito ng ganito kalakas. He's mad. Really mad.

"Ayokong makipag-usap sa taong sirado ang utak. Aalis na ako." Wika ko at nagsimula nang maglakad paalis.

Can't he understand? Kailangan niyang bigyan muna ng oras si Nathalia. Ang kitid naman ng utak.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang marinig ko itong nagsalita.

"I can sue you, Yna."

Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. Hinarap ko ito at nakita ko itong nakangisi sa'kin.

"What... What did you say?"

He smirked. "Pwede kitang kasohan sa ginagawa mo. Tinatago mo ang anak ko sa'kin. I am Nathalia's father so I have the rights for her."

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Kasohan? Tama ba ang narinig ko mula sa kaniya?

"You can't.. can't do that."

Bigla itong lumapit sa'kin hanggang sa magkaharap na kami. Masyadong malapit ang katawan niya kaya naamoy ko ang pabango nito.

"I can, baby. I can do that kung 'yan lang ang paraan para makasama ko kayo." Nakangising aniya. "Isipin mong mabuti, Yna. All I want is to see my daughter, but kung ayaw mo talaga. Then, let's see each other at the court."

Nayukom ko ang kamao ko sa galit. "How could you, Kenzo."

"Alam kong hindi ako mananalo sayo sa korte dahil ikaw ang nagpalaki sa kaniya. Ikaw lang lumuwal at sa'yo siya nanggaling. But I know it will ruin the Guiterez. It will ruin your parent's reputation lalo na kapag nilaman ng media na tinago mo sa kanila ang naging anak natin." Mahabang alintana nito.

Bigla ako nitong niyakap ng mahigpit pagkatapos. Hindi ko ito magawang itulak dahil wala akong lakas para gawin pa 'yun.

Humiwalay ito at hinalikan ang noo ko bago siya naglakad paalis. "Hihintayin ko ang sagot mo bukas, Yna." Narinig ko pang anito bago ako tuloyang maiwan mag-isa.









Wanting Her BackWhere stories live. Discover now