Chapter 9

829 24 0
                                    

CHAPTER 09





Maaga akong nagising para maghanda. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako para magluto ng pagkain. Pumunta ako sa kitchen at nakita ko na si Nanay Rica na nagluluto. Maaga ata siyang nagising ngayon.

"Good morning, Nay." Bahagya itong tumingin sa gawi ko at ngumiti.

"Magandang umaga rin, Yna. Ang ganda ata ng gising mo ngayon ah."

"Normal lang naman po."

She laughed. "Nako, huwag ako, Yna. Kilala na kita. Alam ko na ang ngiti mo na 'yan."

Natawa ako sa sinabi ni Nanay. I won't deny it. Yes, I'm happy. Maganda ang tulog at gising ko ngayon and I don't know the exact reason why.

"Malapit na 'tong matapos ang niluluto ko. Maupo ka nalang muna diyan." Dagdag na ika ni Nanay.

Pagkaupo ko ay ang pagtunog din ng doorbell. Tumibok ng mabilis ang puso ko at bigla akong kinabahan. Si Kenzo agad ang pumasok sa isip kong nasa labas. Wala naman kasi akong inaasahan bukod sa kan'ya. Kenzo's here already? Ang aga naman ata.

"Teka muna, Yna. Tignan mo muna 'tong niluluto ko't titignan ko kung sino ang nasa labas." Ika Nanay Rica.

Napakurap ako. "Ako na, Nay!"

Kumunot ang noo nito sa reaksyon ko. "Bisita mo ba 'yang nasa labas?"

I nodded. "Opo."

"Ganoon ba? Puntahan mo na't papasokin."

I smiled as an answer. Binuksan ko agad ang gate at nakita ko ang nakangiting mukha ni Kenzo.

"Ang aga mo ata."

Napakamot ito sa batok niya. "Ang aga ko ba masyado?"

I laughed and nodded my head. "Yes, kumain ka na ba? Pasok ka muna."

Binuksan ko ng maluwag ang pintoan para makapasok siya. Ngumiti naman ito at sinundan ako papasok sa loob.

Pagdating namin sa kusina ay nakita ko ng nakahanda na si Nanay. May mga pagkain at plato na sa lamesa.

Napatingin si Nanay sa gawi namin. "Nandiyan na pala kayo, Yna. Kumain muna kayo."

"Salamat, Nay." Ani ko at tumingin kay Kenzo. "Did you eat your breakfast already?"

He shook his head. "Not yet."

Inaya ko itong kumain at naupo naman ito sa tabi ko. We started eating. Walang nagsasalita sa'min at tunog lang ng kutsara ang maririnig mo.

"Oo nga pala. Kenzo, si Nanay Rica. Siya 'yung kasama ko dito sa bahay." Pagpapakilala ko kay Nanay Rica.

Kenzo smiled. "Magandang umaga po."

Tinignan ko si Nanay at nakita ko na lumaki ang mata nito na parang nakakita ng multo.

"Kamukha n-niya si---"

My eyes widen when I remembered something.

"Kenzo, tapos ka na bang kumain? Bigla ko kasing naalala na marami pa pala akong gagawin." Putol ko sa sasabihin ni Nanay.

Tumayo agad ako at hinila si Kenzo paalis. Bakit ba hindi ko naisip na natutulog nga pala si Nathalia? Bahagya akong tumingin kay Nanay Rica na gulat parin.

"Nay, aalis na po kami. Salamat po."

Hinila ko na agad palabas si Kenzo bago pa ito may masabi. Nakahinga ako ng maluwag nang nakalabas na kami ng bahay.

Napamura nalang ako sa isip. Muntikan na. Mabuti nalang at hindi pa nagising si Nathalia. Ayoko pa munang makilala ni Kenzo ang anak ko. Kailangan ko munang makasigurado na hindi masasaktan si Lia kay Kenzo.

Ako na mismo ang nagbukas ng kotse at pinapasok do'n si Kenzo. Pumunta rin naman ako agad sa passenger seat.

"Yna, relax." Nag-aalalang wika ni Kenzo at hinawakan ang kamay ko. "Your hands are trembling. Damn! You look scared. Is there anything wrong?"

I look at my hands and he's right. Nanginginig nga ang mga kamay ko sa nerbyos.

I took a deep breath. "I'm fine. It just that I really need to do something at my work." I lied.

"Okay, I understand. Ihahatid na kita sa Rill Shine."

Binitawan nito ang kamay ko at nagsimula ng magmaneho. Napapansin ko ang pagnakaw ng tingin sa'kin ni Kenzo habang nasa biyahe pero hindi nalang ako nagsasalita at tinuon ang atensyon sa bintana.

"Yna, you don't need to stress yourself on your work." Biglang sambit niya.

"I know, Kenz. Hindi nam---"

"Baby, listen. You need to take care of yourself."

"Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko." Sagot ko.

Narinig ko ang malakas nitong paghinga.

"I know that, Yna. I just want you to be extra careful. Don't work too much."

I smiled at him as an answer. Alam ko naman 'yun. Kailangan ko talagang alagaan ang sarili ko para kay Nathalia.

Hindi ko naman tinatago si Nathalia kay Kenzo. Gusto ko lang makasiguradong hindi masasaktan ang anak ko. Besides, there is always a right time for everything.

"Yna, we're here."

Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Kenzo. Nandito na pala kami sa Rill Shine. Lumabas na ako ng kotse at gano'n din siya.

"Here's your key." Aniya at binigay ang susi ng sasakyan ko.

Kinuha ko naman 'yun. "Thank you, Ken."

"Anything for my baby." He smiled. "I forgot to tell you. I work at Hye Gloo Enterprises."

Sa Hye Gloo Enterprises pala ito nagtratrabaho. Kaya siguro madalas siyang nakakapunta sa Rill Shine. Hindi kasi masyadong malayo ang workplace nito sa Rill Shine. Walking distance lang.

"Diba known as the best Engineering Company 'yan?" I asked in disbelief.

He nodded. "Yes."

"I'm happy for you. You really achieve your goals, Ken. Nakapasok ka sa gusto mong Company."

His eyes widen in amusement. "You remembered?"

"Of course! Palagi mong kinukwento sa'kin 'yan dati. You told me that you wanted to work at that company."

Naalala ko kasi na palagi nitong sinasabi sa'kin na sa Hye Gloo Enterprises niya gustong magtrabaho. Sikat na kompanya ito for the Engineers and he just achieved one of his goals.

Maraming mga Engineers ang gustong makapasok sa HG Enterprises pero hindi lahat pinapalad. Medyo picky kasi sila pagdating sa pagtanggap ng mga empleyado. And I am happy for him because he did it.

"You really remembered." He said.

I laugh a bit because of his reaction. It's priceless. He looks really happy and shock at the same time.

"Yes Ken. I really remembered it."

Hindi ko inaasahan ang susunod nitong gagawin. Nanlaki nalang ang mata ko nang hinapit ako nito sa bewang at biglang niyakap. I could smell his perfume. Hindi matapang ang amoy niya. Sakto lang pero hindi nakakasawang amoyin.

"After 6 years, nayakap din ulit kita. I miss hugging you. I really miss you being close to me like this, baby."

I am thankful dahil hindi nito nakikita ang mukha ko ngayon. His words just made me blush. I smiled and hugged him back. I won't deny it, I also miss hugging this man.








Wanting Her BackWhere stories live. Discover now