Chapter 17

870 27 4
                                    

CHAPTER 17





Kumunot ang noo ko pagdating sa labas ng bahay. May nakikita akong isang kotse sa labas at hindi ito kotse ng mga magulang ko. Bumili na naman ba sila ng bagong kotse? At saka, kung sa kanila man 'yan ay first time nilang bibisita dito. Hindi pa kasi sila nakapunta dahil wala naman silang pakialam but they know my address.

Wala rin akong inaasahang bisita kaya inisip ko nalang na baka kotse lang ito ng kabitbahay at dito lang napwesto.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Nanay Rica na nagdidilig ng mga halaman. Tinawag ko ito kaya napatingin siya sa gawi ko.

"Yna, nandito ka na pala. May bisita ka sa loob." Nakangiting aniya.

Kumunot ang noo ko. "Sino raw po?"

"Hindi ko na tinanong ang pangalan. Ang sabi eh fiance mo raw." 

Fiance? You mean si Nathan? Siya lang ang taong pumasok sa utak ko dahil sa sinabi ni Nanay.

"Sige po, Nay." Wika ko at naglakad na papasok sa loob.

Nang malapit na ako sa pintoan ay may naririnig na akong mga ingay. Binuksan ko ito at nakita ang anak kong masayang kausap si Nathan.

"Mommy! You're here na." Ika Nathalia at tumakbo palapit sa'kin.

Tumingin sa gawi ko si Nathan at ngumiti ng matamis nang makita ako. Anong ginagawa nito dito?

"Mom, look po. Tito Nathan is here. We played games po." Masayang kwento ng anak ko.

Tinignan ko ito at hinalikan sa noo. "Can you go to your room, Lia? I'll just talk to your Tito Nathan."

Lia nodded. "Okay, Mommy." Tumingin ito sa gawi ni Nathan. "I'll just go to my room, Tito Nathan."

Tumango si Nathan kaya umalis na si Nathalia. Nang makasigurado akong wala na si Lia ay lumapit na ako sa gawi ni Nathan.

"What are you doing here?" I asked.

I know I sounded rude but I wanted to be direct. Hindi ko alam ang pakay nito kung bakit siya nandito kaya mabuti ng tanongin ito ng diretso.

"You should at least greet me first, Yna? Dito pa naman ako unang pumunta sa'yo." Parang nagtatampong aniya.

Tama nga ang sinabi ni Lea kanina. Galing nga siguro ito sa Italy.

"Paano mo nalamang dito ako nakatira?" I asked instead of greeting him.

"Hindi talaga ako binati. Hindi naman masakit, Yna. Hindi talaga. Parang kagat lang ng dinosaur." Anito at umarte pang nasasaktan.

Napangiti ako.

"Mas lalo kang gumaganda kapag ngumingiti, Yna, especially if I am the reason behind it." Aniya na ikinatigil ko sa pagtawa.

Tumikhim siya bago nagsalita ulit.

"And I asked your Dad about your address. Binigay naman niya so I went here."

Kaya pala.

I took a deep breath nang maalala ko si Nathalia.

"Nathan, about Nathalia---"

"You don't need to worry anything about her, Yna. Your child is cute and she's easy to be with." He cut me off. "And I think her name came from my name. Nathalia and Nathan. It looks really cute." He added.

Tinignan ko ang mukha nito at wala akong makitang ibang emosyon kundi kasiyahan. He's smiling with his eyes while saying that. Wala akong nakitang pandidiri sa kaniya dahil may anak na ako.

"This is the reason why we should cancel our engagement, Nath. May anak na ako." I explained.

Pumunta ako sa sofa at umupo do'n. Naramdaman ko naman ang pag-upo nito sa tabi ko at ang mga titig nito.

"What's wrong with having a child, Yna? There's nothing wrong with that." I heard him say.

Napatingin ako sa kaniya dahilan upang magkatitigan kami.

"Aren't you disgusted? Meron ng anak ang magiging fiance mo, Nathan. Alam kong hindi ka pa aware dati dahil sigurado akong hindi sinabi ng mga magulang ko."

"Well, yes. Hindi ko nga alam dati kaya't nagulat ako kanina nang makita ang anak mo. Unang kita ko palang sa kaniya, I know she is Kenzo's daugher. She is really a resemblance of Kenzo, Yna." He paused. "And about being disgusted? I am not! Mas lalo lang lumalim ang pagkagusto ko sa'yo. I am not that dumb na hindi malamang binuhay mo siya ng mag-isa."

I am speechless. Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Nakatingin lang ako sa mga mata nito at puro sinseridad ang nakikita ko dito.

Napaigtad ako nang hinawakan nito ang kamay ko. "Nathan..."

"Yna, I will not cancel our engagement. I can accept your child. I can be a good father for her. I will not let her feel that she's not my real daughter."

"I don't... know what to say." I honestly answered.

He chuckled. "I am not expecting you to say something about my little confession, Yna. Just like what I've told you before, I will prove myself that I am deserving of your love, Yna."

"Nathan, I can't assure you anything. Hindi ko masasabing ka---"

He put his hand on my lips to shut me up. "Sshh. I don't want to hear that, Yna. I am not expecting you to like me back, but I hope you really will." He laughed. "Just let me prove my love. Ayokong mangyari ulit 'yung nasa College pa tayo na hanggang tingin lang ako sa'yo. Gusto kong lumaban para wala akong pagsisihan sa huli, Yna."

I sighed. Wala naman sigurong masama kung hahayaan ko siya. After all, he accepts Nathalia. I can also feel his sincerity.

"Nathan, can you keep Nathalia a secret? Ayoko kasing malaman ng media ang tungkol sa kaniya. I know they will gossip bad things about Nathalia if ever malaman nilang hindi namin kasama ang tunay na ama niya." Mahaba kong paliwanag.

Nathand immediately nodded. "I understand, Yna. You don't need to worry about that."

Para akong nabunotan ng tinik sa naging sagot niya. I smiled. Tama nga ang sinabi ni Lea kanina. Nathan is a good person. Walang halong kaplastikan nga ang pinapakita nito.

Hindi ko rin naman intensyon na itago si Lia. It's just that, kailangan ko munang ayosin ang lahat.

"Mommy! Are you done talking with Tito Nathan?" Sabay kaming napatingin ni Nathan kay Lia nang magsalita siya.

Nakita ko itong nasa hagdan at nakatingin sa'min. I smiled when I saw my daughter's face. She's smiling again and I want to thanks Nathan for that.

"Come here, little girl." Utos ni Nathan kay Lia na agad naman nitong sinunod.

Nakangiti namang lumapit ang anak ko sa kaniya. Nakita kong kinarga niya si Lia at pinaupo sa binti nito.

"Mommy, can we keep Tito Nathan here?" Lia suddenly asked.

"Lia, your Tito Nathan is busy. Marami siyang kailangang gawin."

Nathan pinched her nose. "Don't worry, cutie. I will visit you again."

I sighed. "Nathan, you don't need---"

"I want to, Yna."









Wanting Her BackWhere stories live. Discover now