Chapter 26

1K 41 11
                                    

CHAPTER 26





Gabi na rin nang makarating kami sa bahay ni Nathan. Medyo naabotan kasi kami ng traffic sa daan.

"Tito Nathan!" Masiglang sigaw ni Lia pagkita niya kay Nathan.

"Lia..." Banggit ni Nathan at lumapit kay Lia para yakapin ito.

Napatingin sa gawi ko si Lia kaya humiwalay ito sa pagkakayakap kay Nathan.

"Mommy." Aniya at niyakap ako.

I hugged her back and kissed her forehead. "Nasaan si Nanay Rica?" I asked.

"She's cooking dinner, Mom." Nakangiting sagot niya.

I nod and looked at Nathan. "Kwarto lang ako, Nath. Magbibihis muna ako."

He smiled. "Sige, Yna."

Naglakad na ako papunta sa aking silid para magbihis. Naririnig ko pa ang masayang boses nila Nathan habang paakyat sa hagdan.

Hindi na ako pumunta sa mansyon. Pagod kasi ako ngayong araw kaya baka bukas nalang ako makakabisita. Nagtext na rin naman ako kina Mommy and they said it's okay. Magpahinga nalang daw ako.

Hindi nila ako pinilit at pinagalitan this time. It's weird but heart warming as well.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba rin ako kaagad. Nakita ko si Nathan at Nathalia na masayang naglalaro pagbaba ko. Lia is happy with Nathan, and so is Nathan. Ilang beses pa lang silang nagkita pero sobrang close na nila sa isa't-isa. Nathan is friendly at makikita mo sa kaniyang mahilig siya sa mga bata. No wonder why he and Nathalia gets close easily.

Dumako ang tingin ni Nathalia sa'kin kaya tinawag ako nito. "Mommy, let's eat na daw po sabi ni Nanay. Hinintay ka lang po naming bumaba."

Tumango ako at lumapit sa kanila. Nauna ng pumunta si Lia sa kusina at iniwan kami ni Nathan dito sa sala.

"She's clever, Yna. It's fun being with her." Nathan suddenly uttered.

Tinignan ko siya at nakita ko ang nakangiting mukha nito. His smile is genuine. Makikita mong totoo ang lahat ng sinasabi nito.

"She really is," I replied back. "Dito ka na mag dinner, Nath."

"If you insist," he replied that makes me laugh a bit.

Sabay kaming pumunta ni Nathan sa kusina at kumain din agad. Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin habang kumakain. Lia throws lot of questions to Nathan, sinasagot lang din naman ito ni Nathan.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami. Nanood ng movie together at nagkwentohan. Nakatulog si Lia habang nanonood kaya nagpaalam muna ako kay Nathan na dalhin si Lia sa silid niya upang makatulog ng mahimbing. Bumaba rin ako kaagad paglipat ko kay Lia.

"Yna, mauna na rin ako. Susubukan ko nalang na bumisita ulit bukas," paalam ni Nathan pagbaba ko.

Ngumiti ako dito. "Sige. Ihahatid na kita sa labas."

Tumango siya at sabay na kaming lumabas. Nasa pintoan palang kami ay biglang hinawakan ni Nathan ang kamay ko at pinatingin ako sa kaniya.

"Yna, I like you..."

Natameme ako sa kaniyang sinabi.

"I really like you, Yna. A lot." Dagdag na aniya.

Napapikit ako ng mariin. Eto na naman siya, he's confessing his feelings again and I still don't know what to respond.

"Nathan," I simply replied.

Hindi pa rin nito inalis ang tingin niya hanggang sa namalayan ko nalang ang malambot nitong labi sa labi ko.

Wanting Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon