Chapter 25

962 28 2
                                    

CHAPTER 25






"Yna, how are you?" Masayang bati ni Nathan.

"Anong ginagawa mo dito, Nath?" I asked.

Lunch break kasi namin ngayon at bigla nalang siyang sumulpot dito sa Rill Shine.

"I just wanna take you out for lunch." Nakangiting aniya.

I smiled back. "Sure. Magliligpit lang ako." Tumango ito sa'kin kaya nagligpit na ako.

It's almost 2 weeks ng pinakilala namin ni Kenzo si Nathalia sa pamilya niya. Wala naman masyadong nangyari pagkatapos non.

Kenzo visits Nathalia every weekends and during weekdays kapag may free time siya, but this week madalang ko nalang siyang nakikita. Hindi na rin siya pumupunta dito sa Rill Shine and I don't know why.

Iniisip ko nalang na busy siya sa trabaho since napag-alaman kong nagiging busy ang HG Enterprises ngayon.

Pagkatapos kong magligpit ay pumunta rin kami agad ni Nathan sa parking lot. We will use his car since dala naman niya ang kotse niya.

Pinagbuksan niya ako ng pintoan bago siya pumasok sa driver seat at pinaandar ang kotse.

"Where do you want to eat?" Nathan asked.

"Hmm, kahit saan. Ayos lang naman sa'kin."

Kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin ni Nathan habang nagmamaneho siya.

"We're here." Aniya pagtigil ng sasakyan.

Tinignan ko ang nasa labas at nakita ko ang isang magandang restaurant. Medyo malayo ata ito sa Rill Shine since it is my first time here.

Unang bumaba si Nathan sa kotse upang pagbuksan ako ng pinto. Lumabas din ako agad at sumunod sa kaniya papasok.

"Good afternoon, Sir Nathan and Ma'am." Masayang bati sa'min ng guard.

Ngumiti lang ako at gano'n din si Nathan.

"He knows you. Madalas ka ba dito?" I asked Nathan.

He chuckles. "We owned this place, Yna."

"Pag-aari niyo 'to?" Gulat kong tanong.

He nod. "Yes. Binigay ng magulang ko sa'kin nong naka graduate ako ng college. This was their graduation gift."

"Ang yaman niyo pala talaga, Nath. No wonder why my parents wants your family." I honestly said.

Nathan laughed then looked at me. "Honestly, ayoko talaga sa ganitong buhay, Yna. Iyong palagi nalang mataas ang tingin sa'yo ng ibang tao dahil mayaman ka."

Tumigil kami sa isang mesa at pinaupo ako sa upuan na nandoon bago siya umupo sa upuang nasa harapan ko.

Tinawag niya ang waiter pag-upo namin. "What do you want to eat?"

"Kung ano nalang din 'yung sa'yo." I replied.

He nod his head bago kinausap ang waiter at sinabi ang order namin.

"When my parents told me I'm getting married, I was mad. Nagalit ako sa kanila dahil all my life, sinunod ko sila sa gusto nila tapos ipapakasal lang ako sa babaeng hindi ko gusto." Pagkwekwento niya. "But I was shocked when they mention your name. And without second thoughts, I agreed."

"Sa tingin mo ba hindi ka magsisisi?" I asked.

"No." Umiling siya. "I told you, Yna, I like you since college. Pagkatapos mong lumipat ng school, I dated tons of girls but it didn't work. You have no idea how much I wished na sana ako nalang 'yung nasa posisyon ni Kenzo. Na sana ako nalang ang kasama mo." Pag-aamin nito.

Wanting Her BackWhere stories live. Discover now