Chapter 22

982 37 6
                                    

CHAPTER 22





Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama. Hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Kenzo kanina.

What really happened 6 years ago?

Maski ako hindi na alam. Marami ng pumapasok na kung ano sa isipan ko. Kung kasalanan man ng magulang ko, hindi pa rin makatarungan kung paano nakipaghiwalay si Kenzo. What he did is unforgettable. Bakit kailangan pa gano'n? Bakit kailangan pang masali si Jessa?

Goddamn it! Ginulo ko ang buhok ko at tumayo. I need to drink some cold water. Kailangan kong mahimasmasan. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. I then sat in the dinning chair at nilalaro ang baso gamit ang mga daliri ko.

"You can't sleep?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likoran ko. Hindi ko ito sinagot at nagmasid lang kung ano ang gagawin niya. Kumuha rin siya ng tubig sa ref at umupo sa upuang nasa harapan ko.

Walang nagsasalita sa'min. Inaamin ko, hindi ako comfortable na nandito siya ngayon. Ala-una na ng umaga kaya akala ko natutulog na siya.

I heard him sighed. "I'm sorry. I'm sorry, Yna."

"For what?"

He looked at me. "For what I said earlier."

Mas lalo akong nagulohan sa sinabi nito.

"Kenzo..."

"I'm sorry for saying you're selfish. Forget it. You're not like that. I should understand you. Alam kong nasaktan ka sa ginawa ko." Bahagya itong tumingin sa'kin kaya nasuri ko ang mukha niya at nakitang namumula na naman ang mga mata nito. "But believe me, baby, nasaktan din ako."

Biglang may kirot akong naramdaman nang marinig ang boses niya. I don't understand myself. Gusto kong malaman ang totoo pero may pumipigil sa'kin. I don't know what to answer. Wala akong masagot sa sinabi nito. All I did is to look at him.

"I don't want you to hate your parents, Yna. I don't really want what I did 6 years ago, but I have no other choice. We need your parent's money that day, Yna." Wika niya.

Akala ko ay magpapatuloy ito sa pagsasalita ngunit wala akong narinig pa mula sa kaniya. Nakatungo lang ang ulo nito at nakipagtitigan sa baso na nasa harapan niya.

I sighed. "Continue. I want to hear it."

Gulat itong napatingin sa'kin at pinahid ang luhang tumulo sa mata niya. "Oh, damn! You'll hear me out?"

Maybe this is what I need. Kailangan kong malaman kung ano ang sasabihin niya para sa ikakatahimik ng utak ko. Besides, wala naman sigurong mawawala sa'kin.

I nodded. "Yes, but I can't promise you anything, Kenzo. Hindi ko masasabing mawawala ang galit ko sa'yo agad."

"Hearing me out is enough for me, Yna. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan para mawala ang galit na meron ka sa'kin."

Parang natunaw ang puso ko sa sinabi nito. Uminom siya ng tubig at huminga ng malalim saka nagsimulang nagkwento.

"6 years ago, umuwi akong nakita sila Mama na umiiyak. Alam mong may sakit si Papa diba?" He asked.

Tumango ako sa kaniya. May sakit ang Papa niya kaya hindi nila ito masyadong nakakasama. Noong pinakilala niya ako sa Papa nito ay nasa hospital kami nun dahil sa sakit nito.

"Tinanong ko si Mama at sinabi niyang lumalala na ang sakit ni Papa kaya kailangan ng operahan. Wala kaming pera, Yna. Wala kaming sapat na pera para ipagamot si Papa. Pumasok ako nun kinabukasan sa University na wala sa sarili. Habang nasa klase ay bigla nalang may dumating sa room at sinabing may naghahanap sa'kin at pinapunta ako sa principal office. Pagpunta ko dun ay nakita ko ang magulang mo."

Wanting Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon