Chapter 24

1K 37 13
                                    

CHAPTER 24





"Hali na kayo at kakain na tayo ng tanghalian." Pag-aya sa'min ni Tita Eva. 

Tumayo na kami at sabay na pumunta sa kusina. Kumunot ang noo ko nang makita ang pagkain na nasa hapag. Ang dami naman ata ng niluto ni Tita.

Mauubos ba namin lahat ng 'to?

"Ma! Ang dami niyo namang niluto. Para naman tayong may birthday." Wika ni Ate Kim.

"Aba, huwag ako ang sisihin mo Kim. Si Kenzo ang sisihin mo. Siya ang may pakana ng lahat ng 'to." Tita replied.

Napatingin kaming lahat kay Kenzo. Nagkamot ito sa batok niya na para bang meron siyang nagawang kasalanan.

Tumawa si Tita sa naging reaksyon ng anak niya. "Ewan ko ba diyan at ano ang naisip. Nagtext kasi 'yan sa'kin kagabi na magluto raw ako ng marami at late birthday party daw niya ngayon."

Pati si Ate Kim at Tito ay natawa rin. "Kaya pala parang may birthday." Ani Ate.

"Alam mo kasi Yna, nong birthday ni Kenzo, umuwi 'yan dito na namumugto ang mata. Nagkulong sa kwarto at hindi man lang kami pinapasok. Mismo sa kaarawan niya, malungkot siya. Hindi ko nga alam kung ano ang nang---"

"Ma!"

Hindi natuloy ni Tita ang sinasabi niya ng magsalita si Kenzo.

"Oh, bakit? Eh sa totoo naman ang sinasabi ko."

"Kakain na po tayo. Mamaya na kayo mag story telling." Ani Kenzo at nauna ng umupo.

"We went on Daddy's office during his birthday, lola." Biglang ani Nathalia na ikinatigil ko. Maski si Kenzo ay parang nanigas din sa pwesto niya.

"Pinuntahan niyo si Kenzo, Lia?" Ate Kim asked.

Lia nodded her head. "Opo, then we saw him kissing another girl, Tita Ganda." Nathalia replied innocently.

Para akong natuod sa kinatatayoan ko sa sinabi ni Lia. Maski sina Tita ay hindi rin makapaniwala sa narinig nila.

"Iyong Jessa na naman ba na 'yun ang humalik sa'yo, Kenzo?" Malamig na ika ni Tita.

Nagulat ako nang binanggit ni Tita ang pangalan ni Jessa pero hindi ko lang pinahalata. Paano nila nakilala si Jesssa? Impossibleng pinakilala siya ni Kenzo.

"Ma..."

"Sinabi ko na naman kasi sayong layoan mo ang babaeng 'yun!" Dagdag Tita.

"Kumain na tayo at lalamig na ang pagkain." Singit ni Tito sa usapan.

Wala rin namang tumutol sa sinabi ni Tito at nagsi-upo na para magsimula ng kumain. Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin para hindi masyadong awkward habang kumakain. Madalas ay si Nathalia ang tinatanong nila at masaya naman silang sinasagot nito.

Mabilis lumipas ang oras. Gabi na kaya kailangan na naming umuwi at mag-isa lang si Nanay Rica sa bahay.

"Hindi ba talaga kayo magpapalipas ng gabi dito, Yna?" Tanong ni Tita.

Tumango ako sa kaniya. "Hindi po talaga, Tita. Bibisita nalang po kami dito sa susunod."

Malungkot itong tumango. "Oh siya, mag ingat kayo," bumaling ito kay Lia. "Bye, Lia." Aniya at hinalikan ito sa pisngi.

"Bye, lola." Nathalia giggled. Tumingin ito kay Tito Cedric at Ate Kim. "Babye rin po, lolo, at Ate Ganda. I was happy being with you po." Dagdag ani Lia na ikinangiti namin.

Nagpaalam ulit kami at nagpasalamat bago pumunta sa sasakyan. As usual, si Kenzo na naman ang nagmamaneho.

Walang nagsasalita sa'min sa buong biyahe. Nang tignan ko si Lia sa backseat ay nakatulog na ito dahil sa pagod.

Wanting Her BackWhere stories live. Discover now