Chapter 23

933 35 8
                                    

CHAPTER 23




"Mommy! Daddy promised that he will introduce me to his family." Masayang ika ni Lia habang karga siya ni Kenzo.

Maayos natapos ang usapan namin ni Kenzo kagabi. Hindi ko masasabing sobrang ayos na talaga to the point na babalik sa dati ang pagsasama namin, but we are okay.

And I think, we will be more okay sa pagdating ng mga araw.

Bumaba si Lia sa pagkakarga ni Kenzo at tumakbo papunta sa sala. Kami nalang ni Kenzo ang nandito ngayon sa kusina. Kakatapos lang din kasi namin kumain ng agahan.

Bigla nalang may mga braso na pumulupot sa bewang ko pag-alis ni Lia. Tinignan ko si Kenzo at nakita kong nakatitig ito sa'kin.

"Why?" I asked.

"Are you mad?"

I shook my head. "I'm not. Why would I?"

He genuinely smiled at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa'kin. "I just thought. Gusto ko lang kasing makilala nila Mama si Nathalia. I know they will be happy."

I smiled on that thought. I know that too. Alam kong matatanggap ng pamilya ni Kenzo si Nathalia. His parents are kind. Super kind.

"Ayos lang. Karapatan din naman nilang makilala si Lia." I replied.

"Thank you, baby, so much."

Ngumiti lang ako sa kaniya at tinanggal ang kamay nito sa bewang ko.

Nasa sasakyan kami ngayon at papunta sa bahay nila Kenzo. Hindi muna ako pumasok sa trabaho, gano'n din si Kenzo.

Nasa front seat ako habang nasa backseat naman si Lia. Nakikita ko ang minsang pagtingin ni Kenzo sa'kin at minsan naman ay kay Lia.

Tahimik lang naman kami sa biyahe. Kanina ay maingay si Nathalia at kung ano-ano ang tinatanong kay Kenzo. Napagod siguro kaya tahimik lang ito ngayon.

"We're here." Biglang saad ni Kenzo at tinigil ang sasakyan.

Tumingin ako sa labas at nakitang nasa harapan na nga kami ng bahay nila Kenzo. Mas maganda pala tignan ang bahay nila sa umaga. Makikita mo kasi ang mga kulay.

Bumaba agad si Kenzo at pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiti ako sa kaniya bago niya kinuha si Lia sa backseat. Kinarga ni Kenzo si Lia habang nakasunod lang ako sa kanila.

"Daddy..."

Napatigil kami sa paglalakad nang magsalita si Lia.

Kenzo looked at Lia and caressed her hair. "Yes, princess?"

Nakita kong humigpit ang pagkakahawak ni Lia sa damit ni Kenzo.

"Do you think they will like me?"

Para akong naiyak nang marinig ang boses ni Lia. Pumasok sa isip ko na baka iniisip niya ang nangyari nung pinakilala ko siya sa magulang ko.

"They will. They will surely like you." Kenzo assured before kissing Lia's forehead.

Lia smiled kaya nagpatuloy na si Kenzo sa paglalakad.

Kumatok si Kenzo sa pintoan at tinawag si Tita Eva. Wala pang ilang minuto ay bumukas din kaagad ang pintoan pero hindi si Tita ang nagbukas.

"Pasok ka. Mabuti naman at naisipang mong umuwi." Bulyaw agad ni Ate Kim pagbukas niya ng pintoan bago dumako ang tingin kay Lia. "Goodness! Bakit kamukha mo ang batang 'yan?"

Natawa ako sa naging reaksyon ni Ate kaya nadako ang tingin nito sa gawi ko.

"Yna. Omo! Ikaw ba 'yan?" Aniya at lumapit sa'kin para hawakan ang mukha ko.

Wanting Her BackWhere stories live. Discover now