Chapter 30

1.2K 30 8
                                    

CHAPTER 30






Pasado alas-siyete na ng hapon nang magising ako. Masyado atang napasarap ang tulog ko at gabi na nang magising. Sobrang napagod din ng katawan ko kaya rin siguro gano'n. Nagtaka pa ako dahil nakadamit na ako. Hindi naman ako nagbihis kanina kaya possibleng si Kenzo ang nagbihis sa'kin.

Naligo muna ako dahil sa sobrang lagkit ng katawan ko. Mahina pa akong napamura nang makaramdam ng pangangalay sa magkabilang binti. Pagpasok ko sa banyo ay tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin.

"What the! What did he do to my body?" Wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa mapupulang marka na nasa buong katawan ko.

From my neck, my chest, my stomach, and even on my legs. All of them have hickeys. Not one, but more than one. My goodness! Nasapo ko nalang ang noo ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na rin ako ng guest room. Nagsuot ako ng pajama at turtleneck shirt para itago ang marka sa katawan ko. I look weird but I have no other choice but to wear this. Magtatanong ang anak ko sa'kin kapag nakita ang pulang marka sa katawan ko.

Nadatnan ko sila Kenzo at Lia na nanonood ng palabas sa sala. I smiled when I noticed their position. Nasa gilid ni Kenzo si Lia habang nakasandal sa mga braso ng ama nito. Nanonood sila ng We Bare Bears which is favorite cartoon movie ni Lia. It's cute to see na nanonood din si Kenzo ng ganiyan para lang masamahan ang anak niya.

"Kanina pa 'yan sila magkasama, Yna. Para ngang hindi mahiwalay sa isa't-isa. Alagang-alaga ni Kenzo si Lia kanina. Siya na rin ang nagpaligo at nagpakain sa anak niyo." Biglang usal ni Nanay sa gilid ko.

Anak niyo. Bakit naman ang ganda pakinggan ng sinabi ni Nanay?

"Kumain na ba sila ng haponan, Nay?" Tanong ko.

"Hindi pa at hinihintay ka ata nilang magising. Gigisingin ka nga sana ni Lia kanina pero pinigilan siya ni Kenzo. Pagod ka raw kaya hayaan ka nalang daw muna." Nakita ko pa ang kakaibang ngisi at tingin ni Nanay dahilan para mangunot ang noo ko.

"Anong klaseng tingin 'yan, Nay?" I asked.

"Ang ingay niyo kagabi..."

Halos mahigit ko ang hininga ko nang mapagtanto ang gustong sabihin ni Nanay. Bakit hindi ko naisip na kasunod lang pala ng guest room ang kwarto nito? Don't tell me narinig niya? Nakakahiya!

Mas lalo akong nakaramdam ng pagkahiya nang marinig ang mahinang pagtawa ni Nanay sa gilid nang makita ang reaksyon ko.

"Hindi na rin ako nagtaka kung bakit tulog ka buong araw. Sa lakas ba naman ng halinghing niyo at sa tagal niyong natapos---"

"Nay!" Diing putol ko sa sasabihin nito.

Tumawa ito. "Oh siya, wala na akong sasabihin. Normal lang din naman na gawin niyo 'yun, Iha. May trabaho at nasa tamang edad na kayo. Alam niyo na ang ginagawa niyo."

Hindi na ako magawang makasagot nang marinig ko ang tawanan nila Lia at Kenzo. Sabay kaming napatingin do'n ni Nanay at nakitang natawa sila sa pinapanood nitong palabas.

Ngumiti muna ako kay Nanay bago lumapit sa gawi nila Kenzo. Hindi nila ako nakikita dahil nakatalikod sila sa'kin at nakafocus din sa pinapanood.

"Daddy?" I heard Lia called her dad while I was at their back.

"Yes, princess?" Malambing na sagot ni Kenzo at hinaplos ang ulo ng anak ko.

"Can we buy strawberry ice cream again po?" Lia answered.

Strawberry ice cream is Lia's favorite. Hindi na rin ako nagtaka dahil naglilihi ako sa strawberry dati habang binubuntis siya. Hindi ko lang siya masyadong binibigyan dahil baka masira ang ngipin niya. May time pa nga dati na nagkatonsil siya dahil sa pagkain ng ice cream.

Wanting Her BackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora