Chapter 8

889 24 0
                                    

CHAPTER 08





Nandito ako sa labas nila Kenzo. Kasama ko sina Tita Eva. Magpapaalam na ako sa kanilang umuwi dahil baka nag-aalala na si Nathalia sa'kin. Hindi kasi 'yun sanay na wala ako kapag natutulog na siya.

"Yna, ayaw mo ba talagang dito magpalipas ng gabi?" Ani Tita Eva.

Kanina pa nito sinasabi sa'kin na dito na raw ako magpalipas ng gabi pero hindi talaga pwede. May anak akong kailangan alagaan.

"Huwag na po, Tita. Kailangan ko po talagang umuwi ngayon."

"Oh siya, basta ba ay bumalik ka dito." Tumigil ito at tumingin kay Kenzo. "Ikaw Kenzo, dalhin mo 'yan dito si Yna ulit." Dagdag na aniya.

"Ma, nakadepende 'yun kay Yna. Hindi naman pwedeng pilitin ko siya." Kenzo answered.

"Babalik po ako dito, Tita. Salamat po." Nakangiting sagot ko.

Ngumiti si Tita sa'kin at niyakap ako. "Namiss talaga kitang bata ka. Mag-ingat ka't gabi pa naman. Mauna muna ako sa loob." Ika Tita at bumalik na sa loob ng bahay nila.

"Where's your car? I'll drive you home." Ika ni Kenzo sa'kin.

"No need, Ken. Ayos lan---"

"I insist, baby. I need to drive you home." Putol niya sa sasabihin ko at naunang maglakad papuntang parke kung nasaan ang kotse.

Tinignan ko ang likod nito habang naglalakad. Pati likod nito ay maganda pagmasdan. Kenzo is a tall man na mas lalong dumadagdag sa appeal niya. Kung mag-aapply ito bilang isang modelo, sigurado akong tatanggapin siya.

"Yna, come on!" Rinig kong sigaw nito nang hindi niya ako napansing sumunod.

Napangiti nalang ako at naglakad palapit sa kan'ya. I really hope na tama ang desisyon na ginawa ko. Maybe next time, kapag nalaman kong hindi na ako sasaktan ni Kenzo ay ipapakilala ko na siya kay Nathalia.

Kenzo's driving my car. Siya ang nagmamaneho habang nasa passenger seat lang ako. Walang nagsasalita sa'min. Wala rin naman akong masabi sa kan'ya.

"Yna?" Malambing nitong banggit sa pangalan ko.

Napatingin ako dito at nakitang nakatingin lang ito sa daan. "Yes?"

"Why are you crying earlier?" Tanong nito.

"Uh, yun ba? Wala naman 'yun. May naisi---"

"Hindi 'yun wala lang, Yna. I know you. Alam kong hindi ka iiyak sa isang kaunting rason." Sagot nito at nagnakaw ng mabilis na tingin sa'kin.

He's right. Hindi kasi ako iyaking babae. Umiiyak lang ako kapag hindi ko na kayang tiisin ang sakit. Ganoon ako nakilala ni Kenzo.

"It just nothing."

"Baby, I understand if you do not want to tell it to me." He paused. "But I just want you to know that I am here for you. I am willing to listen and be on your side." He continued.

I smiled because of what he said. Bigla kong namiss 'yung ganitong side ni Kenzo. Palagi nitong sinasabi sa'kin dati na hindi ako nag-iisa at kasama ko siya. He never let me feel that I am alone.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Sinabi ko kasi sa kan'ya ang address at wala namang traffic dahil gabi na kaya madali kaming nakarating.

Bubuksan ko na sana ang passenger seat nang pinigilan ako nito.

"Wait. I'll open it for you." Ika nito at lumabas agad para pagbuksan ako.

"Thank you." I smiled.

"My pleasure, baby." He smiled back, showing his dimples. Tumingin siya sa bahay. "Is this your house?"

I nodded. "Yeah."

"Are you living alone? Sinong kasama mo?"

Natigilan ako sa tanong nito. Naisip ko si Nathalia. Siya ang kasama ko sa bahay at hindi pa pwedeng malaman 'yun ni Kenzo. Not this time.

"Baby, you're spacing out."

Napaigtad ako nang marinig ulit ang boses ni Kenzo. Nakita ko itong nakakunot ang noong nakatingin sa'kin.

"Ano, Ken. I need to go. Kailangan mo na ring umalis at gabi na masyado." Papasok na sana ako sa loob nang may naalala ako. "You can use my car. I'll just take a taxi tomorrow." Ika ko nang maalalang hindi niya pala dala ang sasakyan niya.

Madalang na rin kasing may dumadaan na taxi dito sa gabi kaya baka matagalan siya kapag naghintay pa.

"I'll fetch you tomorrow. Ihahatid kita sa trabaho mo."

"No need---"

"No more buts, Yna."

Tinaas ko ang dalawang kamay ko bilang pagsuko na ikinatawa nito. He's still the same Kenzo that I know.

"Get inside, saka na ako aalis kapag nakapasok ka na." Dagdag na aniya.

I nodded. "Bye, Ken."

Tumalikod na ako sa kan'ya at pumasok na sa loob ng bahay. Bago pa ako makapasok ay narinig ko ang malakas na sigaw nito.

"Good night, Yna!" He shouted that made me laugh a bit.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si Nathalia na nakatulog sa sofa. Bakit dito ito natutulog? Nilibot ko ang paningin ko at nakita si Nanay Rica na kakalabas lang ng kusina.

"Yna, andiyan ka na pala. Ayaw kasi ni Nathalia na matulog dahil gusto ka pa nitong hintayin na maka-uwi. Pasensiya ka na't nakatulog pa siya diyan sa sofa." Nanay explained.

I smiled at her. "Ayos lang, Nay. Matulog na rin po kayo. Ako na ang bahala kay Nathalia."

Lumapit ako sa anak ko at hinaplos ang mukha nito. She looks like an angel. She is really my angel. Nakakalungkot lang isipin na hindi siya kayang tanggapin ng magulang ko.

Kapag kaya nalaman na nilang nagkita na kami ni Kenzo, tatanggapin kaya nila si Lia? I really hope so.

I smiled when Nathalia opened her eyes. "Mommy, you're here already."

"Yes, Lia. You need to sleep in your room at baka sumakit pa ang likod mo." Ika ko na ikinatango niya.

Kinarga ko siya papunta sa kan'yang silid. Hindi naman kasi masyadong mabigat si Nathalia. Mahina ko itong inihiga sa kama at hinalikan ang noo nito.

"Good night, Lia."

"Good night, Mom." She replied before she closed her eyes.

Naglinis agad ako ng katawan pagkarating ko sa'king silid. Pinatuyo ko ang buhok ko bago humiga sa kama. Ang dami palang nangyari ngayong araw.

Naisip ko ang naging usapan namin ni Kenzo kanina. Somehow it made me happy. Bigla kong nalimutan ang problema ko kina Mommy dahil sa kan'ya. Pinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa tuloyan na akong lamonin ng antok.








Wanting Her BackWhere stories live. Discover now