Chapter 3

1.2K 32 4
                                    

CHAPTER 03





"Mom, where are you going?" Dumako ang tingin ko kay Lia nang tinignan ako nito pagkababa ko ng hagdan.

It's 7:30 in the evening already at nakapag-ayos na ako para pumunta sa Guiterez Hotel. Wala akong alam kung ano ang mangyayari do'n pero alam kong importante 'yun para sa mga magulang ko.

Lumapit ako palapit kay Lia at hinawakan ang pisngi nito. "I'm going somewhere. Be good, okay? Makinig ka sa sinasabi ni Nanay Rica sa'yo." Sagot ko dito.

Nakapagbonding na kami ni Lia kaninang umaga. We watched Netflix in her room.

"Okay po, Mommy. Take care po." Ika nito at hinalikan ang pisngi ko.

I am so lucky to have Nathalia. Masaya ako dahil napalaki ko ito ng maayos. Nathalia is a loving child. She's understanding and jolly kaya mahal na mahal ko ang anak ko.

Binilin ko na kay Nanay Rica si Nathalia at nagmaneho na ako papunta sa Guiterez Hotel. Alam na naman ni Nanay Rica ang gagawin niya kay Nathalia. Simula bata palang ang anak ko ay tinutulongan na ako nitong palakihin ng maayos si Nathalia.

Pagdating ko sa Gutierez Hotel ay nangunot ang noo ko nang makita ang maraming mga reporters sa entrance.

Lumabas ako ng sasakyan at naglakad na papasok. Paglabas ko ay siya ring pagtingin ng mga reporters sa'kin. Naririnig ko ang pagkuha nila ng litrato kaya ngumingiti nalang ako ng pilit.

"Ma'am Dayana, ano pong masasabi niyo sa magiging engagement party niyo ngayon?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ng isang reporter.

Engagement party? Ito ba ang dahilan kaya kailangan kong pumunta ngayon dito? Napamura nalang ako sa isip at ngumiti sa reporter bilang sagot.

Dali-dali akong naglakad papasok sa venue at hinanap ang magulang ko para tanongin kung ano ang nangyayari. Habang hinahanap ko sila ay biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Kenzo..." Gulat kong tawag nang makita siya.

"Baby," he looked at me from head to toe before speaking again. "You looked so gorgeous."

I am wearing a red bodycon dress today. Messy bon lang din ang ginawa ko sa buhok ko. I also put light make-up para kahit paano ay lumiwanag ang mukha ko.

"What are you doing here?" Tanong ko nalang dito.

As far as I know, hindi basta-basta nagpapapasok ang parents ko ng bisita kung malaking event ang magaganap. Kaya nakakapagtaka lang at nandito ito ngayon.

"My friend is an event organizer here. Tinulongan ko lang siya since wala rin naman akong trabaho ngayon." Nakangiting sagot nito sa'kin.

Halata sa mukha nito ang saya. Tunay din na ngiti ang nakikita ko sa kan'ya. Iyan ang ngiti nito sa'kin dati when we were still together.

Tumango ako sa kan'ya bilang sagot. Tatangkain ko na sanang umalis nang hinawakan nito ang pulsohan ko para pigilan ako.

"Uh... Have you eaten?" Parang nahihiyang aniya

Tumingin ako sa kamay nitong nakahawak sa kamay ko. Nagets naman niya ang ibig kong sabihin kaya binitawan niya ito. "Sorry. Baka kasi hindi ka pa kumakain."

"It's not your problem anymore kung kumain na ba ako o wala pa, Ken."

Nakita ko kung paano lumungkot ang mukha nito sa sinabi ko. "I'm just worried, Yna. Naisip ko lang kasi na baka hindi ka pa kumain pagpunt---"

"You don't need to worry anything. I can handle myself." Putol ko sa sasabihin nito. "And please Ken, stop acting. Excuse me." Dagdag ko pa at iniwan ito.

Hinanap agad ng mga mata ko si Mommy o Daddy pag-alis ko sa harapan ni Kenzo. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang magulang ko na may kausap na lalaki. The man looks the same age as my Dad. Halata ring mamahalin ang suot niya kaya alam kong isa ito sa business partner ng mga Guiterez.

Napatingin si Daddy sa gawi ko kaya nakita ako nito. "Here's my daugther. Dayana, come here."

Sinunod ko ang sinabi niya at lumapit sa kanila. Nagmano ako sa magulang ko at bumati naman sa lalaking kasama nila. "Good evening, Sir."

"Don't call me Sir, Iha." Natatawang aniya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "She's beautiful. Alam kong magugustohan siya ng anak ko."

Wait. What? Magugustohan ako ng anak niya? Dumako ang tingin ko kay Daddy at nakitang nakatitig ito sa'kin na para bang sinasabing sumabay nalang ako sa nangyayari.

I faked a laugh before looking at the man. "Excuse me, Sir, but may I ask what do you mean by your words earlier?"

Tumingin ito sa'kin at akmang magsasalita na nang inunahan siya ni Daddy.

"Excuse me, Mr. Rodney. I will just talk to my daughter." Ika nito at bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako.

"What the hell, Dayana! Anong klaseng tanong 'yun?!" Agaran nitong sigaw sa'kin nang makalabas kami sa venue.

"Wala akong nakitang masama sa sinabi ko, Dad! I am asking him politely, dahil wala akong magets sa sinasab---"

"You're getting married." Putol niya sa sasabihin ko na ikinalaki ng mata ko.

"Married?"

"You're getting married, Dayana! You will marry Mr. Rodney's son!"

"What the hell, Dad! I am not going to marry his child! I already have a child, Dad. May anak na akong si Nathalia. I can't marry anyone." Pagpapaliwanag ko sa kan'ya.

"You're my child. And you should do whatever I want."

I tsked. Hindi na ako si Dayana dati na gagawin ang gusto nila. Sawa na akong sundin ang mga sinasabi nila para lang mapansin nila ako. "Dad. I didn't become your child to please you."

"You will marry their son, Dayana. That's it! I don't care if you hate it." Pagpipilit nito sa gusto niya.

"Dad, I told you, I can't! I am already a mother and I love my daugh---"

Pak!

"Don't you dare shout at me, Dayana. Sinabihan na kita dati palang na ipalaglag ang magiging anak niyo ng lalaki mo! I have no grandchild. Wala akong kilalang Nathalia na anak mo!" Sigaw nito at iniwan ako.

Napahawak ako sa pader dahil sa ginawa niya. Did he just slapped me? My father just slapped me on my face. Napatawa nalang ako ng mapakla sa ginawa nito. What am I expecting? Kahit kailan naman hindi sila umakto bilang isang magulang ko.

"Yna..."

Napatingin ako sa gilid nang marinig ang boses na 'yun. Nakita ko ang nag-aalalang mukha nitong nakatingin sa'kin. Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko para hindi ako matumba.

It's Kenzo.










Wanting Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon