Chapter 10

892 26 4
                                    

CHAPTER 10





Madaling lumipas ang araw. Halos mag-iisang buwan na rin simula nung kumain si Kenzo sa bahay at muntikan na silang magkita ni Nathalia.

Madalas ay sinusundo at hinahatid ako ni Kenzo pero hindi ko na siya pinapapasok sa bahay. Pagdating niya dito ay nakahanda na ako. Sinabi ko na sa kan'yang hindi na ako kailangang sunduin at ihatid, pero ang loko, hindi pa rin pumapayag. Nararamdaman ko rin ang sinseridad ni Kenzo sa'kin. Nakikita kong ginagawa niya ang lahat para mapatawad ko siya.

And honestly speaking, it's going very smoothly. Minsan ay namimiss ko ito kapag nabubusy siya sa trabaho niya. Madalang na rin siyang pumunta sa Rill Shine dahil busy ang mga Engineers nitong mga nagdaang araw.

"Jake, kailan ba bibisita ulit si Kenzo dito?" Rinig kong usal ni Yena kay Jake.

Nasa Rill Shine kami ngayon and it's past 3pm already. Kapag pumupunta si Kenzo dito ay palagi itong nilalapitan ni Yena. Nakikita ko naman ang pag-iwas ni Kenzo pero si Yena 'tong lapit ng lapit sa kan'ya.

"I don't know. Busy kasi siya ngayon." Jake answered Yena.

"Nako, ikaw talaga Yena, alam mo namang hindi ka type ni Kenzo, lapit ka pa rin ng lapit." Singit ni Vivian sa usapan.

Si Vivian ay isa sa mga kasamahan namin. Magaling at masipag din si Vivian. She's a middle-aged woman.

"True, teh. Halata namang si Dayana ang gusto ni Kenzo." Pagsang-ayon ni Lea.

Bigla akong namula sa sinabi ni Lea. Loko talaga 'tong babaeng 'to.

"Hindi naman siguro." Pagtutol ko.

Lea rolled her eyes. "Huwag ako, Yna. Kung hindi ka nito gusto, bakit sinusundo ka? Bakit binibigyan ka ng bulaklak? Wala ka naman sigurong balak magtayo ng flower shop, diba? At si Kenzo ang supplier mo."

Natawa ang iba sa sinagot ni Lea, maski ako ay natawa rin. Lea's right. Palagi nga ako nitong binibigyan ng bulaklak. Ewan ko nga do'n kay Kenzo. Para siyang nanliligaw na ewan.

"Duh, as if naman magkakatuloyan sila. Ikakasal na 'yan si Dayana eh." Pagtaray ni Yena.

Napatigil ako sa pagtawa dahil sa kan'yang sinabi. Hindi ko na nabisita at nakausap pa ang magulang ko simula nung nangyaring sagotan namin. Hindi ko na rin nakikita si Nathan.

Wala naman siguro silang binabalak na masama, diba?

"Pero malapit na ata ang birthday ni Kenzo. Naalala kong sa August 09 ang birthday nito." Rinig naming usal ni Jake.

Oo nga pala. Muntik ko na ring makalimutan. August 09 nga pala ang kaarawan ni Kenzo. Dati ay kapag kaarawan nito, gumagala lang kami sa umaga at sa bahay naman nila sa gabi.

Hinahandaan kasi siya ni Tita Eva ng kaunting handa. Hindi masyadong engrande pero sobrang saya at solid.

"Sa susunod na araw na pala. August 07 na tayo ngayon ah." Ika Vivian.

Nakita ko kung paano kuminang ang mga mata ni Yena sa tuwa.

"Talaga? Birthday niya? Kailangan ko talagang maghanda sa araw na 'yan." Yena said while giggling.

Biglang dumaan si Sir Benjie kaya napatahimik kaming lahat. Tumayo kami at binati ito.

"Good afternoon, Sir."

He looked at us and smiled. "Good afternoon. Back to work." Ika niya na ikinatango namin. Bumalik na kami sa sarili naming desk at nagsimula ng magtrabaho.

Nagligpit ako pagsapit ng alas kuwatro ng hapon. Tapos na ang trabaho namin at kailangan ko ng umuwi.

"Yna, una nako sayo ha. May sakit kasi ang anak ko. Kailangan kong alagaan." Wika ni Lea sa'kin.

Wanting Her BackWhere stories live. Discover now