Chapter 2: Return

155 7 0
                                    


Someone's POV

"Good job naman diyan sa newbie mo. Instruct him to take good care of my granddaughter. I will give him a prize he'll never imagine to receive." sabi nito sa kausap niya sa phone.


Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang isang picture frame na may larawan ng isang pamilya. Isang masayang pamilya. May ama, may ina, at may isang lalaking anak na may kalong na batang babae.


"Malapit na anak. Malapit na apo."




Nagkita sa hallway ng hospital sina Doc Ken at Doc Bruno. Dahil di pa rin maalis sa isip ni Doc Ken kung bakit ganoon na lamang ang sinabi ni Doc Bruno ay hinila niya ito at harapang tinanong kung ano ang gusto niyang sabihin.


Kinwelyuhan niya si Doc Bruno


"Bitawan mo ako! Wala kang mahihita sa akin. Kung papayagan ka ng pagkakataon, malalaman at malalaman mo din. Baka sa oras na iyon ay ikaw na mismo ang magsusuko ng neurology department na hawak mo." sabay bitaw sa kanya ni Doc Ken.


"Wala akong ginagawang masama. Malinis ako sa responsibilidad ko bilang doktor. Sinasabi ko sayo hindi ko bibitawan ang neurology department ko." huling sabi ni Doc Ken bago niya tuluyang iniwan si Doc Bruno sa hallway na nakangisi



Habang naglalakad siya pabalik sa kanyang office ay naisipan niyang pumunta sa ER upang sana ay mahingi ang records ng inang namatay noong nakaraang linggo. Pero dahil sa confidentiality ng information ay wala siyang nakuhang anuman tungkol sa pamilyang iyon.


Habang nasa ER siya ay nakatanggap siya ng tawag mula sa 5th floor. Nagising na ang pasyenteng kanyang inasikaso last week sa COVID ward. Nagnegative naman siya sa PCR test kaya naman inilipat na siya ng private room. Hinahanap niya sa mga nurses kung sino ang doktor ang nag-asikaso sa kanya kaya naman ipinatawag si Doc Ken sa 5th floor.



"Finally got to meet you!" bungad ng isang matandang lalaking nakajacket ng black. Mukhang hindi kaaya-aya ang dating ng lalaking ito. Parang may masamang binabalak. Inilahad ng lalaki ang kanyang kamay kay Doc Ken para makipagkamay na siya namang tinugunan ni Doc Ken.


"Guardian ako ng pasyenteng iyan. Nabalitaan ko na ikaw pala ang nag-asikaso sa kanya. Salamat" pagpapatuloy ng lalaking ito nang mapansin niya na matagal nakatitig sa kanya si Doc Ken.


"Responsibilidad ko po iyon bilang doktor" sagot naman ni Doc Ken sa kanya. 


"Kamusta naman ang pakiramdam mo, Ms....?" pagbaling niya sa nakahigang pasyente.


"Ms. Joanna na lang. Nice of you, you took care of me. Thank you!" banggit nito habang nakangiti lang kay Doc Ken. Naging maganda ang pag-uusap nina Joanna at Doc Ken habang nasa gilid lang ang lalaking nakablack jacket.


Paglabas ng Room 3 na iyon ay pabalik na siya sa kanyang office nang biglang may humila sa kanya sa gilid ng hallway. Isang babaeng nakablack jacket din, ripped jeans, high heels, at disney t-shirt.



"Yow kamusta Kennie boy!" sabay akbay ng babae kay Doc Ken.


Sa gulat ni Doc Ken ay bahagya siyang natulala sa kanyang nakita. 


"Arra? Arra ikaw nga?  sabay gulo sa buhok ng babae.

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now