Chapter 16: Mommy

75 5 0
                                    

Mia's POV


Kanina pa niya ko sinisilip dito sa front seat. Kanina pa kasi akong walang imik.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung malaman ni Ken na I have this condition na dadalhin ko throughout my lifetime. Hindi pa yata ako ready na sabihin sa kanya lalo na't bago pa lang kaming magjowa.



Sobra akong kinabahan nung pumasok si Doc Balti sa doctor's lounge kanina. He's my neuro doctor, after I turned down Bruno before. Si Doc Balti na humawak ng case ko kasi ayoko nang magkaroon ng any connections pa with Bruno.



Yes, I have this genetic disease neurofibromatosis type 2, an inherited disease which predisposes me to develop tumors in my nervous system. There is actually no cure for this condition mismo, according to my doctors. Whenever a new tumor develops, I have to undergo brain surgeries over and over again. And ito ang kinatatakutan ko. Not because I might die eventually after receiving enormous number of brain surgeries, but because of the people na maiiwan ko in case. And if not death, I may become disabled naman for life which is ayokong ipaexperience kay Ken.



Last year nga, I just developed a tumor, if naaalala niyo, yung bigla akong nahilo sa lobby. I was brought by Bruno to the VIP floor to receive my treatment through surgery. Five months rin ang tinagal ko because I was comatose that time, and I still had to undergo one-month post-recovery period bago ako makababa ng VIP floor. Since my family is in Canada, I do not have anyone to hold on to, just their photos, my dress from Mom, and this necklace.



Mahal ko na talaga si Ken and ayokong iwan siya. Kaya natatakot akong magmahal ulit after Bruno, yung tipong gagawin mo siyang mundo mo na wala nang mas mahalaga sayo kundi ang makasama sana siya sa habang buhay. Pero given this condition, medyo malabo mangyari yun lalo na dito sa Pilipinas, medyo rare ang kondisyon ko. Tanging Iringan hospital nga lang ang kumuha ng case ko, aside from dito nagtatrabaho ang ex-boyfriend ko.




Akala ni Ken ay nakatulog ako dito sa front seat while he's driving. I just keyed in our destination sa screen para may mag-guide sa kanya kung saan kami pupunta at sinabi ko na matutulog ako. But, ang totoo I was in this deep thought.


"Mahal?" naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan at pagtapik sa balikat ko ni Ken.


Kunwari ay hindi ko narinig kaya di pa ako nagmulat. Inulit niya ang pagtawag sa akin kaya't sa pagkakataong ito ay pakunwari akong gumalaw ng mahina at nag-unat. Isang halik naman mula kay Ken ang dumampi sa mga cheeks ko.


"Mahal. Grabe ka." natampal ko siya.


"Are you okay now?" nakatitig siya sa mga mata ko. Iwinala ko muna sa isipan ko yung lahat ng mga worries ko kanina para di niya mahalata na I'm still not okay.


"Yes mahal" umayos ako ng upo paharap sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya "Siguro napagod lang ako pero okay na ako."

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now