Chapter 7: Out

97 5 0
                                    



Mia's POV

Hay naku naman, ilang buwan na nga ba ako dito sa fifth floor. Nakakabagot naman pero kailangan ko pa daw magstay. Hinawi ko yung kurtina dito sa kwarto tsaka binuksan ang bintana. Tama na tama yung sikat ng araw dito pero malamig-lamig ang panahon. Ang sarap makalanghap ng sariwang hangin. Limang buwan. Limang buwan na rin ako sa kwartong 'to pero ngayon pa lang ulit ako nakalanghap ng sariwang hangin. Kung sa bagay naman kasi, nung isang linggo lang naman ako nagising uli. Actually, gulat na gulat nga ang mga doktor dito sa fifth floor ng Iringan Medical Center na mabilis daw ako nakarecover.


5 months ago nang dalhin ako dito ni Bruno after my severe headache. Dito sa fifth floor ay considered private floor, at pawang mga VIP lang ang nacoconfine dito. Dahil boyfriend ko nga ang isa sa top doctors ng hospital na ito ay nagkaroon ako ng benefit pass para maconfine dito. I was diagnosed with brain tumor, weeks after that severe headache episode. Dahil sobrang aggressive daw ng tumor ay need na maoperahan kaagad para di na kumalat. Kaya lang sabi ni Bruno, while they are operating on my brain, biglang naging bad yung vitals ko hanggang sa nacomatose ako after their attempt to revive me. That was my near-death experience. Pero without knowing it at that moment, feel ko ay may nagflashback sa akin. Same scenario but with a younger me. Nirerevive din ako while I was gasping for breath. And afterwards, everything went black.


"Kamusta ka na?" sambit ng lalaking pumasok sa kwarto ko.


Si Bruno. Namiss ko ito, siguro? Pero parang sanay na rin naman akong di siya kasama kasi kahit nung hindi pa ako naconfine dito, wala na talaga siyang time sa akin. Di ko nga alam kung talagang mahal ko pa talaga siya o tumatanaw na lang ako ng utang na loob dahil siya ang nakasama ko sa Canada?


Lumapit ako sa kanya at yumakap.


"Thank you for saving me" aniko.


"No, thank you that you saved yourself" may ngiti naman niyang sabi.


Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at lumapit sa bintana.


"Sabi ko naman sayo huwag mong bubuksan itong bintana. Kakagising mo lang sa pagkacomatose, baka naman malamigan ka niyan at mabinat" sabay sarado sa bintana.


"Namiss ko lang talaga yung sariwang hangin" sambit ko.


Matapos niya akong pakainin ay nagpaalam na siya na lalabas na daw siya at magrorounds pa daw sila. Nagpaalam naman ako kung pwede ba akong umalis ng ospital. Nag-alangan pa siya nung una pero pumayag din naman sa kondisyon na saglit lang ako. Umoo naman ako.


Pagkabihis ko ay nagmakeup muna ako. Grabe sa limang buwan na yun, ang laki ng pinayat ko. At least nagkasya na rin sa akin yung favorite dress ko. Bigay ito ni Mommy. Isang knee-length na sleeveless floral dress na may flower brooch sa may dibdib. Sa lahat ng mga dress ko ay ito ang pinakapaborito ko sa lahat, hindi lang dahil bigay ito ni Mommy kundi parang napakaespesyal ng flower brooch na ito sa akin.


"Mommy, I wore this dress on your special day" nagpaikot-ikot ako muna sa salamin.

Love You, SunsetOnde as histórias ganham vida. Descobre agora