Chapter 21: Comeback

60 7 2
                                    

Someone's POV


"Hello, andito na siya. Pwedeng-pwede ka nang pumunta"


Binaba ko ang telepono at hinintay ko ang pagdating niya. Nang matanaw ko na ang sasakyan niya ay agad kong pinagbuksan ng pinto at ngumit nang bahagya. Itinuro ko rin kung nasaan si Mia.




Mia's POV


Mag-iisang oras nang late si Ken. Hindi naman yun nalelate, sa aming dalawa, ako yung laging nalelate pero today, first time yatang di siya nakarating nang maaga dito sa dinner date namin. Excited pa naman sa ako. Hmmpp matawagan na nga.


Ilang beses akong tumatawag sa kanya pero ring lang ng ring. Ni hindi niya man lang sinasagot. Nasaan ka na ba Mahal?


Dahil halos sampung beses ko na siyang tinatawagan, nagdecide na lang ako na itext siya.



Mahal. Nasaan ka na ba? Magtext ka man lang if natraffic ka or nagkaaberya ka sa daan.



Wala pa rin akong natanggap na sagot.



Mahal. Nag-aalala na ako. Kahit text ko di mo sinasagot. Sabi ko naman kasi sayo sabay na tayo dito kanina pero ayaw mo.



I was about to turn my phone face down nang biglang nagbukas ang mga makukulay na ilaw sa may balconahe ng second floor ng resto. Maraming mga balloons at mga flowers. Bakit hindi ko to napansin kanina nung pagtingala ko?


Si Mahal talaga, may nalalaman pang surprise surprise.


Natanaw ko sa malayo na may naglalakad na lalaking kuntodo outfit. Nakaformal attire. Tila papalapit sa akin.


"Mahal!" sigaw ko. Suot niya ang isa sa mga tuxedo na binili ko noon. Amoy na amoy ko rin ang pabangong inorder ko pa from the US.


His back is so sexy. "Mahal" I softly whispered sa ears niya nang hindi siya lumingon sa akin kanina.


Niyakap ko siya from behind. Nagulat ako dahil parang malaki naman ang built nitong lalaki, taliwas sa medyo mapayat at walang abs kong boyfriend.


He slowly turned his back and looked at me. I was surprised nang unti-unting nirereveal ng mga ilaw ang mukha nitong lalaki sa harapan ko.


"Bruno?" bigla akong napabitaw sa pagkakayakap sa kanya na bahagyang nagtataka kung bakit suot niya ang tuxedo at pabango ng mahal ko.


"Anong sinabi mo, Mahal? Sabi na mahal mo pa rin ako" he wanted to kiss me on the cheeks pero iniwasan ko.


Love You, SunsetWhere stories live. Discover now