Chapter 3: Bestfriend

127 5 2
                                    


Ken's POV

Sobrang tuwa ko nang makita ko ulit si Arra. Bestfriend ko siya for years, magkababata kasi kami. Pareho kaming lumaki sa Pampanga kasi magkaibigan ang mga pamilya namin at magkasosyo pa sa negosyo. Same batch kami nakapasa bilang doktor kahit na magkaiba na kami ng medical school. Kaso sobrang layo na ng mga mundo namin, naiwan kami ng pamilya ko sa ibaba. Kung hindi lang talaga dahil sa nangyari 10 years ago, malamang magkasosyo pa rin kami sa negosyo ng pamilya ni Arra.


"Arra? Arra ikaw nga? Kamusta na ang gangster kong bestfriend ha? sabay gulo ko sa buhok niya.


Ganito kami magharutan noon pa lang. Ginugulo ko yung buhok niya habang inaakbayan niya ako at sabay kami naglalakad sa hallway ng hospital. Pero simula nang nagmigrate sila sa US at doon na nagpractice ng medicine ay di na namin ito nagagawa.


"Arra, bakit andito sa Pinas ngayon? Bakasyon?" tanong ko dito.


Andito kami ngayon sa coffee shop sa 5th floor. Para lang ito sa mga kasalukuyan at naging doktor ng hospital na ito, at sa mga piling VVIP patients.


Arra's POV

"HAHAHAHA hindi! Welcome back to me?" patawa kong sagot sa bestfriend ko.


Hayy ilang taon na nga ba kaming nawala sa Pilipinas? Sampung taon? Oo sampung taon na nga pala. Sobra kong namiss si Kennie boy. Siya lang kasi ang tagapagtanggol ko noong mga bata pa kami. Sobra nga akong naexcite nang binalita sa akin ni Mommy last week na magstay na lang kami sa Pilipinas. Patay na rin naman kasi si Dad so wala na kaming reason to go back to States. And besides nandito rin sa Philippines ang iba ko pang kamag-anak.


"Talaga? So mag-aapply ka ba dito?" tanong sa akin ni Kennie. Bahagya ako ngumiti at ipinasok ang kamay ko sa bulsa.


"Hindi na eh" kunwari ay malungkot kong tugon dito.


"Ay sayang naman. Akala ko magkakasama tayo sa duty." ang cute talaga malungkot nitong bestfriend ko.


"Hindi na ako mag-apply...." binitin ko muna HAHAHA "...kasi tanggap na ako!" tawang-tawa ako sa reaksyon ni Ken.


"Huyyy ano nakatulala ka na lang ba diyan?" sabay pitik ng daliri ko sa harapan niya, dahilan para mabalik siya sa huwisyo.


"Talaga? Totoo ba? Di ka nagbibiro?"


"Oo nga. Same tayo ng department. Neuro!"


"Excited na akong makasama ka sa duty, Arra...I mean Doc Arra?"


Ken's POV

Sobrang saya ko nang marinig ko mula kay Arra na magiging magkatrabaho na kami


"Excited na akong makasama ka sa duty, Arra...I mean Doc Arra?"


Dito kasi sa hospital ay strikto sila. Gusto nila ang pagtawag namin sa bawat kapwa naming doktor ay may Doc sa unahan ng pangalan, hindi pwedeng first name basis. Sa labas lang ng hospital pwede ko siya tawaging Arra.


Hayyy looking forward na akong makatrabaho muli siya. For sure, magiging mas exciting ang bawat umagang duty ko dito.


Oo magkababata kami pero never sumagi sa isip ko na ligawan siya o never nahagip sa utak ko na makakasama ko siya sa habang buhay. Hanggang ngayon kasi, palagay ko, ang nagbigay ng bracelet na itong matagal nang nasa kamay ko ang siyang makakasama ko sa habangbuhay. Pero paano mangyayari yun kung kahit mukha o pangalan niya ay di ko matandaan man lang?


Bukas pa daw ang start ng duty ni Doc Arra kaya uuwi na muna siya.


"Bye Doc Ken! See you tomorrow!" pagpapaalam ni Doc Arra habang papasakay sa isang magarang sasakyang naghatid din sa kanya kanina. JAM 1509.


---------------------

Someone's POV

"Hello! Just arrived in Manila. Will be there in a bit" namiss ko siyang kausap. Every week na lang kami kung magvideocall but starting from today, di na lang kami mag-uusap sa phone.


Huminga ako ng malalim. Ang ganda pa rin ng Pilipinas, mas maganda kesa sa Canada. Kaso mas malungkot na ngayon.

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now