Chapter 24: Together

64 2 2
                                    

Mia's POV


Pagmulat ko ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa malambot na kama sa loob ng isang magarang....hotel room?


Nilibot ko ang paningin ko and there I found Ken, sleeping on the couch. I moved and was about to stand up nang biglang nahilo na naman ako nang slight.


"This can't be. Not now please, Lord. Pasayahin niyo naman yung isang linggo kong quality time with Mahal."


Nang feeling ko nang nakarecover ako mula sa pagkahilo ko ay dahan-dahan akong tumayo upang tumungo sa kusina para kumuha ng tubig.


Napagmasdan ko ang magandang view from our balcony. "Teka, ilang oras ba akong tulog? Parang tanghali pa lang kanina tapos pasunset na naman na."


Gustong-gusto kong pagmasdan ang pag-aagaw ng mga kulay kahel at dilaw, na may pagkapula o rosas pa minsan. Halos puti lang ang pintura sa dingding ng sala namin dito kaya tamang-tama ang repleksyon ng sunset na pumapasok sa bintanang hinawian ko ng kurtina.



Pagbalik ko sa kwarto ay mahimbing pa rin ang tulog ng Mahal ko. Maingat ko siyang dinampian ng halik at ipinatong ang kumot ko kanina.


Paglingon ko sa may cabinet ay naroroon pa rin ang aming mga bagahe, hindi pa nakabukas, hindi pa nakaayos.


Nagdecide akong ayusin muna lahat ng ito. Mukhang umokay okay na rin naman ang pakiramdam ko kaya makakakilos na ako para ilagay yung mga gamit namin sa loob ng mga cabinet. Una ko munang binuksan ang maleta ko. Hinang ko yung mga pang-alis habang ang mga pambahay lang naman ay maingat kong tinupi nang maayos at isinalansan. Kapag ganitong mga bakasyon, ang usual kong mga dinadalang damit ay yung hindi gusutin kasi kaysa magplantsa ka pa diba? Bakasyon na nga, mag-iron ka pa ng clothes mo sa hotel.


Next ko namang inayos ang isang maleta na naglalaman ng mga house essentials namin. Nagdala na lang kami para iwas na lang na laging bili nang bili, magastos din naman. After kong maiayos ang mga laman nito sa mga cabinet, sa CR, sa kusina ay isinunod ko na yung maleta ni Ken.


Sinilip ko muna si Ken pero mahimbing pa rin ang magkakatulog nito. Dahan-dahan kong binuksan ang maleta. Hay naku Mahal, kahit kailan talaga ang gulo-gulo mo mag-ayos ng mga damit mo sa maleta.


Nilabas ko lahat ng mga damit niya at maingat na itinupi sa bed bago ipinasok sa cabinet. Hinang ko rin ang iilan niyang polo shirts. Patapos na ako nang may napansin ako.


"Sabi ko na nga ba Mahal. Hindi ka talaga nag-iisip. Sana iniwan mo na lang ito doon"


Umiling-iling ako. Didn't he trust me enough that I can do this without his help? Nakipagdeal pa sa mokong na 'yun.


And I know that this is the very reason why he took a one week off para magbakasyon with me.


Tinitigan ko siya. You can't get away from me. May kasalanan ka pa sa akin and I'll make sure na pagbabayarin ko lahat ng mga may kasalanan sa akin at sa pamilya ko.

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now