Chapter 27: Missed

72 8 3
                                    

ATTENTION:  The first bunch of phrases separated by asterisks are all memories of the past. Don't be confused. Nilagyan ko na lang ng characters hehe. Thank youuuu!



*****

RITA: "Steven! Steven! Hey wag mo nga akong pahabulin, ang bilis mong tumakbo!"


STEVEN: "Mabagal ka lang talagang tumakbo"


RITA: "Hindi mo ba alam na may sakit ako ha?"


STEVEN: "Oo alam ko. Kaya nga kita pinapahabol eh. Kung malulungkot ka lang diyan sa tabi, walang mangyayari sayo. Andiyan na yan, bakit kailangan mong malunod sa kalungkutan?"


RITA: "Anong sinasabi mo ha? Hindi ako nalulungkot. Umiikot lang talaga yung paningin ko sayo, kanina ka pa kasi takbo nang takbo"


STEVEN: "Eh gusto kong tumakbo eh. Dali na habol ka na kasi!"


RITA: "Bakit ba ang kulit kulit ng bestfriend ko ha?"


STEVEN: "Eh humahabol ka naman eh. Tara doon tayo. Pasunset na. Masarap umupo doon"


RITA: "Ang ganda ng sunset no? Ang sarap ipinta. Kaso kahit gaano kaganda ang sunset, kalungkutan ang nararamdaman ko kasi alam kong patapos na ang araw."


STEVEN: "Hindi.... isipin mo na ang paglubog ng araw ngayon means na may isang araw pang sisikat kinabukasan"


RITA: "Pag ako naging doktor, magpapatayo ako ng sarili kong ospital"


STEVEN: "Pag ako naman naging doktor, bibili ako ng maraming pagkain!"


RITA: "Pangako mo sa akin Steven na di tayo maghihiwalay ha. Kahit anong mangyari, bestfriend forever tayo. At ako lang mamahalin mo, promise mo."


STEVEN: "Promise. Tapos kahit meron na akong girlfriend nun, hinding-hindi kita ipagpapalit sa kanya"


RITA: "Talaga? Totoo ba yan? Oh, ito na tapos ko na yung drawing ko. Tingnan mo"


STEVEN: "Ang ganda naman nito Rita"


RITA: "Sana ganito lang tayo palagi no? Tulad ng drawing ko na 'to."


STEVEN: "Sana hindi tayo magkahiwalay no? Pero kahit magakahiwalay tayo, ipangako mo sa akin na magkikita at magkikita pa din tayo."


RITA: "Puro tayo sana eh. Pinky promise?"


STEVEN: "Pinky promise!"

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now