Chapter 20: Artwork

57 6 2
                                    

Mia's POV


September 15, 2023. A very important day for me. Itong araw ang grand opening ng gallery ko. Excited na akong maipakita sa buong mundo ang galing ko sa pagpipinta at pagdradraw. Echos lang. Basta ang mahalaga ay yung expression ko sa lahat ng mga painting. This gallery will not be possible without Mom na siya talagang nagtiwala sa akin.


In my three years of staying here in the Philippines ay kahit papaano ay nakagain na rin ako ng friends. Inimbitahan ko silang lahat pati siyempre sina Kuya and Ken.


Ito yata ang unang event na magkakasama sina Kuya at Ken. Naalala ko kasi nung unang linggo pa lang kami ni Ken. Di pa rin ako makapaniwala talaga na kami na ni Ken. Ang bilis ba? Nope. If naaalala niyo yung takbuhan namin sa fountain sa hospital garden, ilang months na rin kaming wala nun ni Bruno. Yes nakipagbreak na ako sa kanya nang unti-unti nagbago ang ugali niya. Ni hindi niya ako pinapaalis nang hindi siya kasama. Lagi siyang nakabantay sa akin, siguro dahil sa sobrang selos niya. Di ko na rin natiis, finally nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipagbreak sa kanya.


Tapos ayun, one year after nun, naging kami na ni Ken. And it was January 17, 2023 so mag-8 months na rin kami on the 17th.


Hindi boto si Kuya kay Ken noon una. Naalala ko nga kasi na parang ang lalim ng galit ni Kuya sa kanya. May times pa nga na nag-aaway pa kami ni Kuya dahil kay Ken.


Pero siguro nga, love conquers all. Charot! Actually, wala ngang nangyaring ligawan dati. Parang nafeel na lang namin ni Ken yung kakaibang saya and comfort sa isa't isa. Nafall na nga ata ako nang tuluyan sa kanya. Love language. This is how we express love, by doing the things that we love doing together. Panay nga kami vlog dito at doon tapos kinikeep namin yung mga videos for our memories. Hindi namin inuupload sa youtube, pero kapag nagipit in the future, baka HAHAHA.


Hanggang sa ayun, isang araw nagulat na lang ako paggising ko sa condo unit ko, nakangiti sa akin si Kuya tapos pagtalikod niya, si Ken na yung nakita ko, may hawak-hawak na bouquet of flowers and chocolates. Malaki ang ngiti ni Kuya, hindi pilit, kaya alam ko na super tanggap na niya si Ken for me.


Okay naparami na yata ang kwento ko. Back to present. Nagreready na ako for the opening of my gallery, re-opening I mean. Mahaba pang kwento kung sasabihin ko pa sa inyo kung bakit eh. Let's just put it that way.


Maya-maya nagsimula na ring dumating ang inimbitahan ko. Ken is a very influential doctor now, isa na rin siya sa mga top neurology doctors in the country. It was because he had an open cranial surgery, that was the first in the country. I'm very proud of him. At sa pagkainfluential niya, pati ako nadadamay. Nabalitaan ng media na magbubukas ang girlfriend niya ng gallery so heto na nga sila.


Buti na lang din at natapos na rin sa wakas ang COVID pandemic kaya kahit marami ang pumunta sa gallery re-opening ko ay okay lang, walang matiticketan ang IATF.


I am so nervous. First time ko ito. I keep on seeing the crowd downstairs who are waiting for me to welcome them when someone patted my back.


They are the boys in my life. Kuya and Ken. If you are asking about my dad, he's in Canada. He never talked to me once since Mom died. It seems na ako ang sinisisi niya sa aksidente ni Mom.

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now