Chapter 22: Deal

63 6 1
                                    

Ken's POV


Pinagmamasdan ko lang ang maamong mukha ni Mia habang masarap ang pagkakatulog niya sa malambot niyang kama. After naming magcoffee and late snacks kagabi ay supposedly ihahatid ko lang siya dito sa condo niya but his kuya insisted na huwag ko daw siyang iiwan dahil kailangan niyang umalis muna.


Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako sa sofa katabi ng kama niya. Paggising ko kanina ay nagulat ako dahil may kumot nang nakalagay sa akin at may sticky note na nakadikit, saying 'Mahal, sweet dreams. Thank you for staying by my side'


This is how sweet my girlfriend is. The only woman in my life kaya mahirap sa akin kung bibitawan ko na lang siya nang bigla-bigla. Baka ako pa ang maunang mamatay.


Kaya sinisigurado ko na binibigyan ko talaga ng halaga ang bawat sandali na magkasama kami kasi hindi ko alam baka sa isang iglap lang, bigla na lang siya mawala sa akin. At ito ang isa sa mga bagay na hindi ko kailanman papangarapin, kahit pa buhay ko ang nakataya.



6 AM na kaya naaaninag ko na ang sikat ng araw na tumatagos sa mga spaces ng blinds ni Mia dito sa kwarto niya. Itinaas ko ang tatlong malalaking blinds tsaka binuksan ang mga bintana para pumasok ang medyo malamig na hangin. Nilingon ko si Mia at bahagya siyang kumilos pero tulog pa rin.



Lumabas ako sa balconahe. Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Pero lahat ay konektado kay Mia, sa buhay niya.



Nakokonsensya nga ako dahil nahayaan ko si Bruno kagabi na magpanggap bilang ako.




**flashback**



I was on my way to the resto kagabi when someone cut me off the road. Napahinto ako and nagulat ako dahil kilala ko kung sino ang bumababa sa sasakyan.


It was Bruno. With all his feisty appearance.


He knocked at my window kaya binaba ko ito. Sa kalsadang dinaanan ko ay wala naman ibang sasakyang dumadaan dahil nagshortcut ako sa isang private subdivision. It means na sinusundan talaga niya ako kanina pa.


"Ano bang kailangan mo?" ngayon ay bumaba na ako mula sa sasakyan ko after ko itong maitabi sa gilid ng daan.


"Aba angas mo na ngayon! Porket naagaw mo na si Mia sa akin"


Kinwelyuhan niya akong muli. But this time, nasalag ko na ito. Pag si Mia na talaga ang involved sa usapan, tumatapang akong bigla.


"Wala akong inaagaw sayo Bruno. Hiwalay na kayo ni Mia nun ng ilang buwan na bago ko siya niligawan. Kaya technically di kita inagawan!"


"Ah ganun ha" mukhang napikon si Bruno sa akin. Tama lang sa kanya yan.


Love You, SunsetWhere stories live. Discover now