Chapter 6: Time

89 6 3
                                    


Ken's POV


"Ikaw?" sambit ni Mia na nakahiga sa bench dito sa rooftop.


Mukhang nakatulog na ito kaya nagpasya akong bumaba kanina parang kunan siya ng kumot. Nagising ito nang maramdaman niya ang kumot.


"Ano gulat na gulat Ms. Sungit? Mukha ba akong multo?" sabay hampas sa balikat ko. Grabe bukod sa masungit, nananakit pa. Tsk


"Kanina ka pa dito? Anong ginagawa mo dito? Nasaan yung bata?" sunod sunod na tanong ni Mia sa akin. Alam ko na ang pangalan niya. Sorry narinig ko sa mga hospital staff sa baba.


"Teka teka isa isa lang tanong, mahina kalaban. Una kararating ko lang dito. Pumunta na po ako dito kanina at nakita kitang nakahiga diyan sa bench at humihilik."


"Anong humihilik? Imbento ka! Never akong humilik!"


Isang hampas na naman sa may braso ko ang dumampi. Papatulan ko na talaga itong babaeng ito. Nakakadalawa na siya. Pagmukhain pa akong sinungaling.


"Paano mo nalaman? Narinig mo na ba sarili mo habang natutulog? Next time irerecord na lang kita." huyy Ken Chan anong next time pinagsasasabi mo diyan?


"Asa ka pang may next time."  banggit ni Ms. Sungit sabay irap sa akin.


"Ok fine!"   pagsuko ko. "Going back sa questions mo, ayun nga nakita na kita kanina, bumaba ako para kumuha ng kumot, at kumutan ka ngayon. Pangalawa, anong bata pinagsasasabi mo? Walang bata dito kasi wala naman nakakaakyat dito bukod sa mga doktor....at sa masusungit na bisita ng doktor"   nilakihan ko siya ng mata, dahilan para hampasin na naman niya ako sa braso.


"Ewan ko sayo. Diyan ka na nga!"   hala same sa sinabi niya sa baba.


"Huyyy Ms. Sungit, nakarecord na ba yan? Yan na lang sinasabi mo sa akin."   paghabol ko sa kanya pabalik sa loob ng ospital.


"Huyyy Ms. Sungit!"


"Che! Lumayo ka, Mr. Mahangin."


Andito pa rin kami sa hallway pabalik sa office ng boyfriend niya. Hinahabol ko pa rin siya nang mapansin kong napahawak siya sa may dingding ng kwarto. Agad ko naman siyang nilapitan.


"Ms. Sungit, ayos ka lang?"   totoo may kumurot sa puso ko nang makita ko siyang biglang nanghina.


Pinaupo ko muna siya sa bench. Tiningnan niya ako nang masama.  "Akala ko naman nag-alala ka sa akin pero Ms. Sungit pa din ang tawag mo sa'kin"   Tingnan mo 'to, nanghina na lahat-lahat, masungit pa din.

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now