Chapter 13: Canvas

67 6 1
                                    

Ken's POV


"Good morning Sir!" bati sa akin ng receptionist sa baba. "Mukhang marami po tayong pinanggrocery ah" puna niya sa apat na malalaking eco bags na bitbit ko.


"Ahh pupunuin ko lang yung pantry ni Mia. Wala na kasing laman. Sige po" pagsensyas kong sasakay na ako ng elevator.


Pagpasok kong muli sa unit niya ay napansin ko agad na nakasarado na ang pintuan ng kwarto niya. Nilapag ko muna ang mga eco bags na bitbit ko sa counter sa kusina at agad na nilapitan ang pinto. Nakadisable pa rin naman ang security locks as what I did bago ako bumaba para maggrocery.


Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.


"Araaaaaaay!"




Mia's POV


Nagising na lamang ako na nandito na ako nakahiga sa kama ko. Teka anong oras na ba?


Binuksan ko ang phone ko, it's nearly 10 in the morning na. Nang mailawan ko ng phone ko ang pintuan...


"OMG! Gosh bakit parang bukas?"


Nilapitan ko ang pintuan. Nakadisable ang security lock ko? Never ko naman itong dinisable?


Unti-unti kong binuksan ang pintuan, naglakad nang dahan-dahan. Pagkalabas ko ay wala naman akong nakitang tao. Sinipat ko ang buong unit ko pero wala namang kakaiba. Nakahinga na ako nang maluwang. Papasok na sana ulit ako sa kwarto nang.....ding! ding! Elevator!


"Dito sa unit ko? Di ko naman pinapapunta si Kuya ah!"


Naalala ko yung nakadisable na pintuan. OMG baka itong tao na 'to ang may gawa. Natatakot ako na kinakabahan. Pumasok agad ako ng kwarto ko at sinara ang pintuan. Pinatay ko ang mga ilaw dito sa loob at nagtago sa likod ng pintuan. Naririnig ko na ang yabag ng taong papalapit sa kwarto ko.


Akala niya. Di niya ako maiisahan. Humanda siya sa akin. Nakaready na ang payong ko dito.




Pagpasok niya......




"Araaaaaaay!" sambit niya. Hinataw ko lang naman siya ng payong nang paulit-ulit sa likod niya.


Teka, bakit parang pamilyar ang boses.


Humarap siya sa akin. Ken Chan?


Inagaw niya sa akin ang payong. "Aray ko naman, makapalo ka naman sa akin Mia, wagas!"


"Bakit ka nandito?" takang tanong ko.


Love You, SunsetWhere stories live. Discover now