Chapter 10: Goodbye

75 6 0
                                    

Bruno's POV


"Mia mag-usap naman tayo. Ilang araw mo na akong di pinapansin. Sige na" pagmamakaawa ko kay Mia na naabutan kong naglalakad sa may tapat ng office ko.


Tiningnan lang niya ako nang matalim. Ang akala ko'y di niya ako pagbibigyan pero pumasok siya sa office ko. Pasimple naman akong nangiti dahil alam kong maaayos pa namin ang nangyaring away between us.


Umupo siya sa couch pero nakatingin sa malayo, mukhang lagpas pa sa malaki kong bintana dito.


Huminga siya ng malalim bago nagsalita


"Bakit?"


"Ha? Anong bakit? Ang tagal na nating di nag-uusap, bakit lang ang itatanong mo sa akin?"


Naluluha na si Mia.


"Bakit ka nagbago? Bakit hindi na ikaw ang Bruno na nakilala ko sa Canada? Bakit hindi na ikaw ang boyfriend kong minahal ko nang sampung taon?"


May kung anong kutsilyong bumabaon sa puso ko habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.


Nauutal ako sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula. Hindi ko alam kung alin sa mga bakit niya ang dapat o kailangan kong sagutin. Nagbago nga ba talaga ako?


"Mia..." hinawakan ko ang mga kamay niya habang nakaluhod sa harap niya. Unti-unti na rin tumutulo ang mga luha ko pero si Mia ay di pa rin akong magawang tingnan. Sa malayo pa din siya nakatingin.


"Mia. Hindi ko alam kung paano kita sasagutin pero ako pa din ito, si Bruno Gabriel. Ang nag-iisa mong minahal noon hanggang ngayon" pagpapatuloy ko at sa pagkakataong ito ay tumingin na rin siya sa mga mata ko.


"Hindi. Dati, masaya lang tayong nagsasama. Masarap at payapa ang buhay natin sa Canada noon. Pero, lahat ng yun ay wala na."


"No Mia. Ako pa din ito. Tayo pa din ito. Bakit sabihin mo sa akin? Anong nangyari?"


"Ako pang tatanungin mo kung anong nagbago sa atin? Bakit di mo tanungin yang sarili mo!"

Grabe na ang agos ng luha ng mahal kong girlfriend.


"Mia, okay naman tayo noon diba?"... natigilan ako at may naisip.. "Teka, okay naman tayo noon nung hindi pa dumadating sa buhay mo yang Ken Chan na yan!" napalakas ang pagkakasabi ko ng pangalan na yun.


Bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanya. Tiningnan niya ako nang masama at tsaka tumayo.




Mia's POV

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now