Chapter 19: Dream

68 5 0
                                    

Ken's POV


"Steven! Steven!" sabi ng batang babae.


"Bakit ba ang kulit kulit ng bestfriend ko ha?" pinisil ko naman ang ilong niya.


"Pag ako naging doktor, magpapatayo ako ng sarili kong ospital" patuloy ko.


"Pag ako naman naging doktor, bibili ako ng maraming pagkain!" sabi ng batang babae. Di ko maaninag ang mukha niya.


"Pangako mo sa akin Steven na di tayo maghihiwalay ha. Kahit anong mangyari, bestfriend forever tayo. At ako lang mamahalin mo, promise mo." nagpupuppy eyes siya sa akin.


Binigay niya sa akin ang bracelet....wait ito yung bracelet na hanggang ngayon ay suot-suot ko ah. Papasalamatan ko pa sana siya nang nawala siya sa tabi ko.


"Rita? Rita?!"


"Ritaaaa?!"



Mia's POV


Naglalakad ako dito sa may garden ng ospital nang may napansin akong nakahiga sa may bench malapit sa fountain, sa ilalim ng puno ng mangga. Paglapit ko ay di nga ako nagkamali sa una kong naaninag, si Ken nga. Saan ba 'tong nagsususuot itong lalaking 'to at di ko nakita ng isang buwan.


Mukhang nananaginip siya. Masyadong maaraw sa kung saan siya nakahiga kaya nagpasya akong itapat ang kamay ko in line sa mga mata niya para paggising niya ay di tumama sa mata niya ang sikat ng araw.


"Ritaaaa?!!!!"


Gulat ako nang bigla siyang sumigaw. Sinong Rita?


Mukhang nagulat din siya dahil pagmulat niya ay nakita niya ako. Bigla niya akong niyapos kaya napaupo ako sa bench kung saan siya nakahiga. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ikaw ba naman magbabad sa ilalim ng araw.


"Sorry M-Mia" may isang patak ng luha ang tumulo mula sa mga mata niya pagkabitaw niya sa akin. Kita ko ang lungkot doon na tila nagsasabi na may namimiss siyang tao o bagay na napakimportante para sa kanya.


"Sinong Rita, Mahal?" takang tanong ko naman pero parang kumunot din ang noo niya.


"Rita?"


"Oo Rita. Yun ang pangalang isinigaw mo kanina bago ka nagising. Sino ba si Rita?" inayos ko ang pagkakaupo ko sa bench. Ngayon ay magkatabi na kami.


"Ah... Rita... Rita pala ang pangalan niya"


Love You, SunsetWhere stories live. Discover now