Chapter 15: Visit

69 5 0
                                    

Ken's POV


"Good morning sa'yo Nurse Rose. Good morning sa'yo Nurse Angel. Maraming patients tayo today?"


Tiningnan lang nila ako habang bahagyang nakangiti at nakakunot ang noo.


"Doc Ken? Morning po ah, duty po kayo?"


"Oh bakit di na ba pwedeng magmorning shift? Maiba naman HAHA" tinititigan lang nila ako sa mukha. Medyo matagal-tagal na rin ako dito kaya medyo nagiging close ko na rin yung mga staff and nurses dito. Actually, pati yung mga kamag-anak ng mga patients ko, para na kaming isang family na kami dito.


"Doc, parang ang ganda yata ng gising natin ngayon ha." sabay abot sa akin ng listahan ng mga pasiyenteng in line for neurosurgeries.


"Wala naman. Bakit bawal na bang maganda ang gising? HAHAHA okay we only have two patients for today. Si Doc Balti ba andyan na?"


"Ahmm wala pa po Doc. Kayo po unang dumating. Kaya halata pong ang ganda ng gising niyo." tawanan naman itong mga nurses na nasa nurses station ng floor intended for neuro patients only. Since this is a referral hospital nga for neuro cases, we have a special floor for patients with neurologic conditions.


"Alright. Punta lang akong lounge." pagpapaalam ko sa kanila pero alam kong nakatawa pa rin sila kahit nakatalikod na ako.




What a bright day. Napakaganda ng araw nitong mga huling buwan. Kaya ako nagpapalipat sa night shift kasi I really hate mornings. I hate waking up ng 6 or 7am. Owl nga yata ako kasi mas gusto ko yung hapon or pagabi na, mas buhay ako nang ganon. Pero I think, baka 24 hours akong may energy today.


Pagpasok ko ng doctor's lounge ay naabutan ko si Doc Adrian na nagkakape.


"Oh Doc Adrian, andito ka? Kailan ka pa nalipat dito from our regional hospital?"


"Ah last month lang. Di tayo nakakapang-abot kasi morning shift ako, night shift ka daw Doc eh."


"Ahhh oo eh, mas gusto ko kasi. Pero today, parang ang taas ng energy ko."


"Hmmm halata nga Doc eh." pagpapatuloy niya sa paggawa niya ng kape.



Umupo naman ako sa favorite kong couch dito, yung by the window. I really like sitting here lalo na if magsusunset na. Ang ganda kasi pag naghalo na ang orange, yellow, at red sa kalangitan tapos andito ako nagpapahinga habang nagkakape.


Nakita kong palabas na ng lounge si Doc Adrian. "Ay wait Doc Adrian? Bakit ka nga pala nalipat dito?"


"Eh Doc Ken, masyadong heartbroken yung isa, di na yata kinayang pumasok pa."

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now