Chapter 11: Rooftop

80 8 1
                                    

Ken's POV


Naglalakad ako sa may corridor nitong VIP floor. Mas masarap ang kape nitong cafe sa VIP floor, siguro nga kasi ay binabagay nila ang taste sa uri ng mga taong nasa floor na ito. I was holding my clipboard as I check my scheduled surgeries for the week. There's really no wee time for neurosurgeons like me, especially na isa 'tong hospital na 'to sa neurology referral hospitals.


Neurologic patients for today, not quite a long list. All admitted. Craniotomy later at 5pm. Open brain surgery tomorrow at 7. DBS by 6pm on thursday. Okay let's have a full blast remaining weekdays before my off on Friday. Now let me have some coffee and some......sino 'yun?


I heard na parang may nag-aaway yata sa kabilang corridor just opposite the corridor where I am at. This area is where the doctor's lounge and offices are so I think they're doctors. Maybe a married couple? Ahhh baka sina Doc Marj and Doc John na naman. Hayy hanggang ospital ba naman kasi dinadala nila yung away nila. I decided to continue my stroll pero parang may pumipihit sa aking lumiko at tumingin sa corridor na 'yun.



"Mia? Bruno?" sila yung nag-aaway. Mukhang malaking away.



Nakita kong tumakbo si Mia palayo sa office ni Bruno kaya sinundan ko ito at baka kung saan pa mapadpad. Sumakay sa elevator. Button says RT. Rooftop, doon siya papunta.






"Mia?"


Nagulat siya nung makita niya ako sa likod niya, may dalang canned drinks and chips.


"Care to share?" pag-aya ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako. Namumugto ang mga mata niya.


"Ikaw ha? Ano ka ba talaga? Tao o multo?"


"Babalik na naman ba tayo sa tanong na 'yan?" ngayon ay nagsenyas na akong umupo sa tabi niya.


"Ano pa bang magagawa ko? Andyan ka na" umiiling-iling ito.




Mia's POV


Ang sakit pala na kahit anong pilit ko na unawain yung taong minahal ko, yung taong nagpakumpleto sa akin noon, yung taong handang tumulong at laging nandiyan sa tabi ko nung nangangailangan ako ng katuwang, eh parang akong isang kandilang unti-unting nauupos, unti-unting nawawalan ng ningas. Ang sakit na after 10 years of being together, we just broke up. And masaklap pa, it's a bad breakup. I never imagined my life without him. Oo nagmumukha na nga akong tanga sa kakapilit na makasama siya kahit na alam kong kahati ko ang propesyon niya. Sabihin niyo nang nakadepende ako sa kanya, wala eh, siya yung kababata ko na may hawak ng lahat ng nakaraan ko. Kaya ko nga siya siguro minahal ay baka naramdaman ko yung koneksyon naming dalawa. Pero wala, tulad nga ng kandila, natunaw ako, di ko na kayang magliwanag ulit kung hindi siya ang posporo.

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now