EPILOGUE: The Story Behind

104 5 6
                                    

**You can play the song after the story para mas feel mo yung ending talaga hehe**


Setting: Iringan Mansion, Davao City. September 15, 1999.





"Anak. Tawagin mo na ang mga bata, kakain na tayo." paglalambing na pagtawag ni Lolo Rodrigo sa kanyang unico hijong si Red.



Red, Lucas, and Kenneth were the best of friends. From elementary until college, same school sila kaya naman mas tumibay pa ang pagkakaibigan ng tatlo. They have their own families na. Red married his one and only girlfriend, Rosanna. Si Kenneth naman pinakasalan ang kanyang long-lost bestfriend na si Veron. While Lucas stayed single for a couple of years. Lagi na nga siyang third wheel everytime the tropa hangs out. But he chose this path eh. Pinromise niya sa sarili niya na he will only wed the girl that he dreamed of, kapag pwede na but hindi niya muna maipipilit as of that moment. She's taken.



Isa sa mga passion nila ang music. In fact, bumuo nga sila ng banda noong college which lasted for years kahit naggraduate na sila sa university.



"Daddy!" dali-daling nagpakarga si Steven sa kanyang Daddy Kenneth. Kasunod naman sa pagtakbo niya sina ang magpinsang sina Rita and Joanna. They were all around 4 years old at that time. They were all innocent.



It was September 15, 1999, fourth birthday ng favorite na apo ni Lolo Rodrigo na sobra-sobra ang pagbuhos ng pagmamahal kay Rita simula nang mamatay ang asawa nito. It was a perfect family until...









"Kenneth! Buksan mo to!" marahas na pagkatok ni Red sa pintuan ng bahay nina Kenneth. Midnight noon at kasalukuyang mahimbing na ang tulog ng pamilya nina Steven.



"Bubuksan mo ito o gigibain mo itong pintuan?!" pagbabanta ni Red at aktong sisipain na sana niya ang pintuan nang magbukas ito. Iniluwa nito si Steven na papungay-pungay pa ng mata.



"Tito Red? Ano pong ginagawa niyo po dito?"



"Nasaan ang daddy mo? Andyan ba sa loob ang asawa ko?!"



"Si Tita Rosanna po? Wala po dito Tito"



"Wag ka nang magsinungaling sa akin Steven! Ilabas niyo ang asawa ko!"



Paatras na si Steven dahil unti-unti na siyang natatakot kay Tito Red niya. Napatid nito ang isang banga at napaupo sa sahig. Halos dumagundong ang bahay ng matumba ang banga kaya naman napababa agad ng kwarto sina Kenneth at Veron.



"Bakit ka ba nanggugulo dito ha? Tinatakot mo pa ang anak ko!" sabay tulak ni Kenneth kay Red.



"Walanghiya ka! Matagal na tayong magbestfriends pero hindi ko alam na matagal ka na palang may gusto sa asawa ko?"



"Ano bang ibig mong sabihin, Pare?" sabat ni Veron.



"Yang asawa mo, may gusto sa asawa ko!"



"Ano bang pinagsasabi mo?!"



Ngayon ay kinwelyuhan na ni Red si Kenneth at naibato ito sa dingding dulot ng tindi ng galit niya dito.



"Hindi lang ako ang bestfriend mo, Red. Hindi lang ako!" ang mga huling katagang binitawan ni Kenneth bago umalis si Red sa kanila.







Mula noon ay halos araw-arawin na ni Red ang paglalasing. Napapabayaan na nito si Rita. Si Rosanna naman ay still nowhere to be found.







Love You, SunsetWhere stories live. Discover now