Chapter 4: Mia

112 4 1
                                    

Ken's POV

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok pabalik sa hospital ay may nakita akong naglalakad na isang magandang babae. Mid-length lang ang haba ng buhok nito at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang floral dress at beige stilettos. May hawak-hawak din itong malaking bouquet of flowers, dahilan para di niya mapansin na mababangga na niya ako sa entrance.


"Excuse me Miss" pagharang ko sa kanya sa pintuan dahil pag hindi ko iyon gawin ay baka magkauntugan lang kami sa pintuan.


Ibinaba niya ang kanyang bouquet of flowers na hawak-hawak. "Oh sorry. You're there."


Nakita ko nang mas malapitan ang kanyang mukha. Kahit nakashades ito ay kitang-kita ko ang kagandahan at kaamo-amo niyang mukha. Napakakinis at napakaputi.


"Excuse me. I bet you are also a doctor here at this hospital?" sabi niya dahilan para mabalik ako mula sa pagkahumaling ko sa kanya.


"So please excuse me. You are a nuisance there at the entrance"


Maganda itong babae pero maldita pala. Akala ko naman mabait. Dahil nagsusungit na nga ay pinadaan ko na siya sa pintuan. Ayun dumiretso na sa pagpasok, di man lang nagpasalamat. Sayang ka Miss, ang ganda mo pa naman, ang pangit ng ugali mo. Nasa lobby pa lang siya ng hospital nang may sumalubong sa kanya at humalik.


"Hi Babe. I told you should have waited me at your gallery. You really miss me that much?" sambit ng nakangiting si Doc Bruno. So girlfriend niya pala itong si Ms. Sungit. No wonder, mukhang pareho sila ng ugali.


Animo'y may sinasabi itong si Ms. Sungit kay Doc Bruno at napatingin naman itong lokong Doc Bruno sa akin. Pinaningkitan niya ako ng mata. Umiwas na lamang ako at bumalik na sa aking office. Hay ang daming nangyari sa araw na ito at ilang beses ko nang gustong magpahinga sa office ko, ngayon lang finally matutuloy.


Mia's POV

"Hi Babe. I told you should have waited me at your gallery. You really miss me that much?" salubong sa akin ng boyfriend ko. Alam ko may rule sila dito about sa pagtawag ng Doc sa lahat ng doktor dito, but I am an exception to that rule. Why? Because I am that special. 


I and Bruno had been together for 10 years now. After the incident that happened to me 10 years ago, siya na yung lagi kong kasama sa States. Siya kasi ang nakaduty na doctor sa akin so I kept her as a friend pero eventually I've learned to love him. Especially I had a memory with him when we were kids. Magkakababata din pala kami sa Laguna noon though 5 years older siya sa akin. I may say na he's the one na talaga for me.


"Babe, you know that guy in a white coat sa entrance? I bet he's also a doctor here. He's a nuisance! How dare him talk to me?  maarteng pagrereklamo ko sa boyfriend ko. Lumingon naman siya sa may entrance at pinaningkitan ng tingin ang doktor na yun. Tama lang sa kanya yun. Savior ko talaga itong boyfriend ko.


"Since andito ka na babe, you want to have lunch outside na lang ba?" tanong sa akin ni Bruno.


"Actually, on my way here, I bought you these flowers and food!" sabay abot ng aking binili for him. "Happy Anniversary babe!" at kiniss ko siya sa cheeks, dahilan para magtinginan at maghiyawan ang mga tao sa paligid.


"Ang sweet naman ng girlfriend ko. Tara let's have lunch at my office" pagyakag ni Bruno sa akin and we are holding hands while walking papunta sa office niya.






*****flashback..

Mia's POV

"Mia Sarmiento." sa wakas tinawag na rin ang panagalan ko.


Ngumiti naman ako kina Mommy, Daddy, at Kuya bago umakyat ng stage. Finally, college graduate na din ako dito sa University of Toronto, and hindi lang basta college graduate. I am also the top of our batch. Well, I just finished my degree Bachelor of Business Management, and I think that meant to be talaga kami ng course ko na 'to. Finally I can help Kuya na din with our family's company. Ayaw kasi ako patulungin ni Daddy sa kumpanya noon hangga't hindi pa daw ako nakakatapos ng management course na tinetake-up ko so I strived hard talaga para tapusin 'to. Bonus na lang yung grumaduate ako with flying colors.


Inayos ko muna ang suot kong damit. I am wearing this floral dress na niregalo sa akin ni Mommy. Ito namang beige shoes na ito ay ako na ang pumili at sobrang nagustuhan ko na ipagpares itong dalawa. May isang flower brooch din na nakakabit sa dress na ito na sabi ni Mommy, ay hindi ko dapat itong tanggalin. Sobrang importante daw itong brooch na ito at ito lang daw ang magiging daan sa past kong hindi ko maaninag.


Habang nasa stage ako ay nakita ko nang pumapasok sa auditorium ang isa sa mga hinahanap ng mata ko. Yes, he's a doctor pero he always makes time for me. Sinisingit niya lagi ako sa schedule niya. I can say na sobra kong swerte sa kanya, there's no other man like him.


He's my boyfriend. He is Bruno Gabriel. Dr. Bruno Gabriel. Di makakailang gwapo talaga ang boyfriend ko na 'to, sapat lang para bumagay sa ganda ko. Charot! Matangkad din siya, halos nasa balikat niya lang ako kahit na nakahigh-heels pa ako. Mas lalo akong ginanahan sa valedictory speech ko nang makita ko siya. Umupo siya katabi nina Mommy pero nakakalungkot kasi hanggang ngayon ay di pa rin sila okay ni Kuya.


After graduation, we decided to lunch out na lang to celebrate. Dahil ako ang dahilan ng celebration na ito, ako ang may upper hand to choose which resto kami kakain. So I chose a Chinese restaurant here in Canada. Super love ko talaga itong dumplings, pero aside from that, may mga Filipino foods din silang inooffer dito that's why I really love this resto.

*****end of flashback....


I am looking outside the window of his office. I sighed


We are happy. We were happy.


But everything changed when that tragic incident happened to my mom last year. It's always this time of the year na naaalala ko ang nangyari kay Mommy. 


I miss her so much. I miss Dad. I miss Kuya...and I miss Bruno, a lot.....I miss the old us.

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now