Chapter 23: Fear

65 4 1
                                    

Ken's POV


Napalingon ako sa higaan nang maramdaman kong pagising na si Mia. Agad kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa mga mata ko sa kakaisip kung anong desisyon ang kailangan kong gawin. I want to save her but the only way of doing it is to leave her.


Napadilat siya ng mata at mukhang nasisilawan sa liwanag na sumisilip mula sa bintana. Agad akong tumabi sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa labi niya na animo'y ito na ang huling sandali na makakasama ko siya. Kinakailangan ko nang magdesisyon ng maaga dahil buhay na niya ang nakataya rito.


"Good morning Mahal" bungad ko sa kanya. Nakapikit pa din siya ngunit ngumingiti na ito nang bahagya sa akin. Tinugunan naman niya ang halik na ginawa ko ngunit napabalikwas ng kaunti.


Nagtakip siya ng bibig, "Mahal, ano ka ba? Hindi pa nga ako nagtotoothbrush, ikaw talaga"


Tinampal-tampal niya ako pero hinuli ko ang mga kamay niya at hinalik-halikan. Mamimiss ko siya, alam ko, dahil mahal ko siya. Siya lang at wala nang iba.


Bumangon na siya at ngayon ay nakasandal sa mga braso kong nakapalupot sa kanya. "Teka Mahal, wala ka bang pasok ngayon. Monday na ah"


"Nagleave ako for one week Mahal. Pahinga muna" sagot ko, "And I want to spend the rest of the week with you Mahal."


"Hmmm Mahal ha. May kasalanan kang ginawa no? Bakit ang extra sweet mo today? Tsaka yung leave mo for one week, first time Mahal ha" pinulupot na rin niya ang mga braso niya sa bewang ko. Sobrang magkadikit na ang aming mga katawan. Ramdam ko ang init ng pagmamahal na nag-aalab sa aming mga puso kasabay ng lamig ng idea na iiwan ko siya after a week.


Kumawala ako sa pagkakayakap niya dahil alam kong patulo na naman ang mga luha ko. Ngunit muli niya akong hinila at hindi nakaligtas sa kanya ang mga luhang pumatak na.


"Oh Mahal?" maingat niyang ipinangpahid ang mga daliri niya sa mga mata ko "Bakit ka umiiyak Mahal?"


Tinititigan ko lang siya. I was trying to memorize everything about her nang hindi siya ever mawala sa isip ko.


"Ah wala Mahal. Sobrang saya ko lang na nahanap ko ang isang babaeng tulad mo. Napakaswerte ko dahil ako ang minahal mo"


"Naku naku naku Mahal ha. Another scoop of sweetness na naman po ha" pinisil-pisil niya ang mga pisngi ko pero patuloy pa rin akong nakatitig sa kanya at lumuluha.


"Siyempre Mahal" pagpapatuloy niya pa, "Because you're you"


"Ha?"


"You're you. Wala kang katulad. Like you're masipag sa work, super mabait sa mga tao, tapos love na love mo yung pamilya mo. Lagi mong inuuna ang ibang tao bago ang sarili mo"

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now