Chapter 25: Moment

54 5 0
                                    

Ken's POV


Bawat araw na inilagi namin ni Mia dito sa hotel and resort na binook ko for our vacation ay sinusulit ko. Hangga't maaari ay hindi ko siya inihihiwalay mula sa akin. Lahat na yata ng sulok ng resort na ito ay nalibot na namin. Napunta na kami sa may viewing deck, nagpakain ng mga bibe, nagswimming sa mala-kristal na dagat, nagpa-spa nang magkasama, nagpicnic, at natulog nang magkayakap sa bawat gabing malamig, both sa weather at sa puso kong hindi ko maeksplika.


Friday, September 24. Habang tulog pa si Mia ay lumabas muna ako saglit para maglakad-lakad at damhin ang sariwang hanging nanggagaling sa dagat. Nakakita ako na may yateng pinaparentahan sa may dulo ng resort na ito. Wala masyadong tao nung time na 'yun kaya dali-dali akong bumalik sa hotel room namin para gisingin si Mia.


"Mahal?" dahan-dahan kong tinapik ang braso niya upang gisingin siya ngunit di pa siya gumigising.


"Mahal?" muli kong pag-uulit pero walang kahit anumang reaksyon akong natanggap mula sa kanya.


Kinabahan ako. Hindi pa naman siguro ito ang oras? Wag muna Lord, nakikiusap ako.


Muli kong sinubukang gisinging siya, "Mahal". Lumalakas ang kabog sa dibdib ko nang hindi ko pa rin siyang magising. Nararamdaman ko na ang unti-unting pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.


Natatakot ako. Kinakabahan ako.


Niyakap ko siya nang mahigpit. Hinalik-halikan sa noo. Titindi na sana ang pagluha ko nang finally, "Mahal, ang aga-aga naman, ang daming halik nun ah" narinig ko na ang boses na pinangambahan kong hindi ko na maririnig.


Mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya. Mukhang napansin niya agad ang ginawa ko.


"Oh Mahal" sabi niya pagtingala niya sa mukha ko, "Bakit ka umiiyak?" sabay pahid sa mga luhang hindi pa rin tumitigil.


Tiningnan ko lang siya. Ang mga mata niyang ninanais at pinapangarap kong makita sa araw-araw ng buhay ko.


Lord, salamat. Hindi pa ngayon ang panahon. Di ko pa kaya. Wag muna.


"Wala lang" nagbigay ako ng mumunting ngiti sa kanya pero hindi pa rin niya iniaalis sa akin ang mga mata niyang nag-aalala. "Nagpapasalamat lang talaga ako kay Lord na binigay ka Niya sa akin" pagpapatuloy ko.


"Ikaw, Mahal ha. Bakit parang lately, super senti mode mo? Kakanood mo yan ng Ang Dalawang Ikaw nina Mia at Nelson eh" pinisil niya ang ilong ko. Di ko pa rin mapigilang di tumulo ang mga luha ko kaya para hindi na siya mag-alala ay bigla ko siyang hinila papunta sa CR.


"Mahal, teka bakit sa CR?"


"Maligo ka na Mahal tapos magbihis ka nang maganda ha. May pupuntahan tayo."


Love You, SunsetWhere stories live. Discover now