Chapter 5: Sketchpad

96 6 1
                                    



Mia's POV

"Ang sabi ni Bruno, hintayin ko siya sa office niya. Ang tagal naman magdadalawang oras na ata ako dito" sambit ko habang bagot na bagot na naghihintay sa boyfriend ko. Ganoon ba talaga kapag doktor, laging kulang ng time sa girlfriend? Makalabas nga muna.


"Kung gusto mong lumanghap ng sariwang hangin, may rooftop sa taas. Punta ka doon" gulat ako nang may magsalitang lalaki sa tabi ko. Ken Chan!


"Hoy ikaw. Wala ka bang magawa sa buhay mo? Doktor ka diba? Bakit di ka busy?"


"Hoy din Ms. Sungit. May rule sa ospital na ito na lahat ng doktor ay igalang at tatawaging Doc bago ang pangalan....o hoy mo." sagot sa akin ni Ken. Aba, matatas din palang sumagot. Pwes di siya uubra sa akin.


"Alam mo, boyfriend ko yung top doctor ng hospital na to. So I am an exception sa rule na yan. It was set by my boyfriend noh? akala mo ha.


"Boyfriend mo? Top doctor? Ni takot nga sa dugo during operations, nag-aalibi lang" aba pinaratangan pa ang boyfriend ko.


"Hoy Mr. Mahangin. Wag mong pagsalitaan nang ganyan ang boyfriend ko. 10 years na kaming magkasama, alam kong magaling siyang doktor. Kaya niya lahat" pagbibida ko sa kanya.


"Kaya niya lahat? Edi sana kaya rin niyang bigyan ka ng sapat na oras, hindi yung pinaghihintay ka lang dito." natigilan ako sa sinabi niya.


Totoo. Habang tumatagal ay nawawalan na nga ng oras sa akin ang boyfriend ko. Pero hindi, boyfriend ko pa din siya kaya kahit totoo ang sinasabi ng mahangin na ito ay ipagtatanggol ko pa rin ang boyfriend ko.


"Ewan ko sayo. Diyan ka na nga!" sabay talikod sa kanya. Alam kong nakatitig pa din siya sa akin kaya di na ako lumingon. Tama siya. I want more time from him. But it's my fault too, I loved a doctor eh.


Nagtungo nga ako dito sa sinasabing rooftop ng mahangin na yun. Siguro nga ay sobrang alam niya ang lugar nito. Alam niyo kung bakit? Kasi pareho silang mahangin. Pero yung hangin dito nakakarelax samantalang siya, naku, naaalibadbaran ako sa kanya. Parang multo din, sumusulpot na lang kung saan.


Naupo ako sa may bench. Parang ang sarap magdraw from here. Kinuha ko ang sketchpad sa bag na lagi ko namang bitbit kahit saan ako pumunta kasi ayoko magpakawala ng pagkakataon makapagdrawing ng mga sceneries sa mga lugar na first time kong mapuntahan. Isa na itong rooftop na ito. Sampung taon na kaming magboyfriend ni Bruno pero first time akong nakaakyat dito sa rooftop.


Lahat ng artworks ko, pinta man o drawing lang sa sketchpad, ay naalala ko kung saan ko ginawa at kung kailan. Pero may isang artwork na hindi ko matandaan man lang kung saan o kailan. Yung painting na yun ang tila pinakaimportante para sa akin at hindi ko talaga ipagbibili sa kahit sinuman sa kahit na magkanong presyo. I treasure that painting so much but I don't know why.




***

"Hey, wag mo nga akong pahabulin. Ang bilis mong tumakbo!"


"Mabagal ka lang talagang tumakbo"


"Hindi mo ba alam na may sakit ako ha?"


"Oo alam ko. Kaya nga kita pinapahabol eh. Kung malulungkot ka lang diyan sa tabi, walang mangyayari sayo. Andiyan na yan, bakit kailangan mong malunod sa kalungkutan?"


"Anong sinasabi mo ha? Hindi ako nalulungkot. Umiikot lang talaga yung paningin ko sayo, kanina ka pa kasi takbo nang takbo"

"

Eh humahabol ka naman eh. Tara doon tayo. Pasunset na. Masarap umupo doon"


"Ang ganda ng sunset no? Ang sarap ipinta. Kaso kahit gaano kaganda ang sunset, kalungkutan ang nararamdaman ko kasi alam kong patapos na ang araw."


"Hindi.... isipin mo na ang paglubog ng araw ngayon means na may isang araw pang sisikat kinabukasan"


Tumingin ako sa kanya. Ang mga mata niya ang nag-eencourage sa akin na lumaban pa kahit konti. Tama siya, hindi pa huli ang lahat. Kinuha ko ang sketchpad ko at nagsimula nang magdrawing.




Setting sun, mango tree, two kids playing with the butterflies.





Patapos na sana ako sa dinadrawing ko nang mapansin ko na nakatingin pala siya sa akin. Pinakita ko sa kanya ang drawing ko at nakita kong malaki ang ngiti niya sa akin.


"Sana ganito lang tayo palagi no? Tulad ng drawing ko na 'to."


"Ang ganda! Sana hindi tayo magkahiwalay no? Pero kahit magakahiwalay tayo, ipangako mo sa akin na magkikita at magkikita pa din tayo."





We made a pinky promise. Then that scene began to torn into pieces, like a broken glass.

***




Sa sobrang relax ko dito sa rooftop ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang makaramdam ako na may nagkukumot sa akin. Pagdilat ko ng mga mata ko ay isang batang lalaki ang nakita ko. Sa gulat ko ay bigla kong kinusot ang mga mata ko.



"Ikaw?"

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now