Chapter 30: Love You, Sunset

98 5 0
                                    



Nagsimula nang magdatingan ang mga tao sa garden ng mansion de Iringan sa Davao. Kitang-kita mo kung gaano kaganda at elegante ang mga suot ng mga tao. Ang mga babae ay nakasuot ng black gowns samantalang ang mga lalaki naman ay nakasuot ng mga black tuxedos with matching peach neckties. Dinig na dinig naman ang music sa paligid, isang grand orchestra ang nagpapanitili ng musical environment sa garden. Tumutugtog in chorus ang mga violins and saxophones sa saliw ng musika noong 80's. Mga love songs na kahit ilang taon na ang tanda ay masarap pa ring pakinggan sa tenga.



Dumating na rin ang mga magagarang sasakyan lulan ang mga pinakamalalaking tao sa larangan ng business, na siya namang sinalubong at inalalayan ng mga security na animo'y mga PSG sa pormal na suot nila. May mga bata ring nakasuot ng mga cute na floral dresses at tuxedos na nagmukha silang parang mga adults na rin pero cute.



Napapaligiran ng mga orange flowers ang buong garden. Nakalinya naman sa aisle ang mga flower stands na may orange and white tulips. Sa entrance naman ay may arc na punong-puno ng mga orange and white flowers, at mga diamond drippings kaya naman nagniningning ang entrance. Nakaarrange na rin ang mga puting tiffany chairs na dinesenyuhan ng orange bows para sa mga bisitang dadalo.




It was 4pm of January 17, 2022. It was really a good day. Tamang-tama lang ang init ng araw at lamig ng lugar na ito dahil ang mansion ay nasa may mataas na lugar kaya ang simoy ng hangin dito ay tulad ng hangin sa Baguio o Tagaytay. Nasa may bundok nga ito banda ngunit natatanaw mo rin at halos katabi na rin sa ibabang bahagi ang dagat kaya kasabay sa saliw ng love songs ay yung tunog ng hampas ng mga alon sa dagat. Perfect for this occasion.



Sa loob naman ng mansion ay aligaga na rin ang mga kasambahay sa pag-aayos ng mga kakailanganing lutuin para sa handaan mamaya. Ang mga bata naman ay masayang naghahabulan sa loob ng mansion habang sinusundan naman ng kani-kanilang mga yaya. Ang mga babae ay nagsimula na ring mag-ayos ng sarili, magbihis at magmakeup. Today is the day.



Bumaba na si Don Rodrigo mula sa ikalawang palapag ng mansion. Bihis na bihis at gwapong-gwapo siya sa kanyang suot na black tuxedo, peach necktie, at may nakakabit na peach tulip boutonnière. Binati siya ng mga bata na nagsisitakbuhan at tila tumigil ang mundo sa loob ng mansion dahil lahat ng mga kasambahay ay luminya upang batiin siya.



"Handa na po ang lahat, Don Rodrigo" banggit ng kanilang mayordoma. Sinagot siya ng matipid na ngiti ni Don Rodrigo sabay naglakad na sa may malaking bintana ng sala upang silipin ang mga bisita sa labas at ang setup for this memorable occasion sa kanilang pamilya.



Lumabas na rin sa kani-kanilang mga kwarto sina Arra and Joanna na sobrang ganda sa kanilang suot na mga peach gowns na may nakakabit na white corsages. Nakaayos na rin ang mga buhok nito na may mga palamuting diamond drippings na naayon sa mga diamond drippings din sa entrance ng garden. Sina Kristoff naman at Lucas ay lumabas na rin sa kani-kanilang mga kwarto at bihis na bihis na rin sa kanilang peach tuxedos at white boutonnières.

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now