CHAPTER 18

357 10 6
                                    

CHAPTER 18

NAPADILAT ako ng maramdamang may lumulundag sa kinahihigaan ko. Sino na naman ba 'yon.

"Fria."

Mahina akong napaungol at dumapa. Si Aksana pala nakalimutan ko na gawain niya pala 'yon minsan. Naramdaman ko na sinakyan niya lang likod ko at mahinang hinampas hampas ang likod ko.

"Fria. . . Nagugutom na ako," mahina niyang wika.

"Hmm. . . Paupuin mo muna si Fria, Aksana," wika ko habang nakasubsob ang mukha ko sa aking malambot na unan.

Nang umalis na siya sa likod ko hinarap ko ito ay binuhat ko siya pagkatapos ay natatawang pinatong ito sa aking tyan. Ngumiti siya sa ginawa ko at hinalikan ang dalawa kong pisngi.

"Ang sweet naman. Anong kailangan mo sa 'kin? Bakit ang lambing mo yata," natatawa kong tanong.

Sumimangot siya sa akin at umirap. Humalukipkip ito at madramang umiwas ng tingin sa akin.

"Wala naman akong kailangan sa 'yo, Fria! Grabe ka. Gusto lang naman kitang lambingin. Bad ba 'yon?"

Mahina akong natawa. "Nagbibiro lang naman ako—"

Naglaho ang ngiti ko ng makitang nanginginig ang labi nito at nagsimulang tumulo ang luha niya. Napabugtong hininga ako at naupo sa pagkakahiga. Niyakap ko siya at hinimas ang likod.

"Shush. Tama na, hindi na kita aasarin. Huwag ka ng umiyak," pag-papatahan ko.

"Lagi mo na lang akong inaasar, Fria. Pasalamat ka mahal kita," tugon nito at bahagya pang suminghot.

"Sorry na. Si Fria na may kasalanan."

Nagtagal kami ng ilang minuto bago siya tumahan. Pinaliguan ko muna siya para mas presko ang pakiramdam niya bago kami mag almusal.

Agad namang sumunod si Aksana dahil gusto niya na raw kumain. Nagpaalam naman kaagad si Stephanie sa akin na papasok na siya sa trabaho nito kaya kaming dalawa ni Aksana nandito sa bahay.

"Fria, tapos na ako!" Dinig kong sigaw niya.

"Oh 'eto towel," tugon ko at inabot sa kanya.

Ngingiti-ngiti itong lumabas habang nakatapis sa kanyang katawan ang towel na binigay ko. Tinulungan ko siya sa pagbihis. Simpleng sundress na mustard yellow ang kulay no'n. Sinuklayan ko rin ang buhok niya at pinulbusan sa likod.

"Ang bango na ng baby ko," nakangiti kong wika at tinadtad ng halik ang kanyang muhka.

Humagikhik siya sa ginawa ko kaya nakigaya din siya.

"Mabango na ba talaga ako, Fria?" Malawak ang ngiti nito sa akin.

"Oo naman. S'yempre alagang alaga ka ni Ate Fria mo kaya mabango ka," tugon ko.

Tumawa siya sa sinabi ko at nagusap pa kami sa kung ano anong bagay. Nagtali lang ako ng buhok at lumabas na sa kwarto para makapagluto na ako ng almusal namin.

"Mor'du."

Umangat ang tingin ko kay Aksana ng marinig ko ang sinabi nito. Kumakain na kami ngayon ng almusal. Fried rice at itlog na may halong cheese ang ni-request nito sa akin.

"Anong meron kay Mor'du, Aksana?" Curious kong tanong.

"Napanaginipan ko si Mor'du, Fria. Gusto niya na raw ako makasama. Marami sila doon nakipaglaro pa nga ako sa kanila," bahagya pa siyang natawa sa huli nitong sinabi.

"Atsaka ang daming mga butterfly doon tapos may mga puno rin kaso walang gano'n dito. Iba 'yung mga puno nila sa puno natin dito," pagpapatuloy nito.

Nanatili akong nakinig sa kanya.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now