CHAPTER 25

344 10 3
                                    

CHAPTER 25

KINAKABAHAN na tinignan ko si Stephanie. Napabugtong hininga na lang siya at napailing. Sinenyasan niya ako na habulin si Dominic. Tinalikuran ko siya at dumiretso kay Dominic.

Alam kong narinig niya ang pinagusapan namin ni Stephanie. Bakit ba hindi ko napansin ang presensya niya!?

Hindi pa nakakaalis ang kotse nito. Mahina kong kinatok ang bintana ng kotse para ipaaalam na papasok ako. Kinakabahan na binuksan ko ang pintuan sa passenger seat.

Hindi man lang niya ako sinulyapan ng buksan ko ang pintuan. Nakatingin ito sa labas ng kotse at nakita ko ang paggalaw ng panga nito. Naupo ako sa upuan at hindi na nagseatbelt.

"You can talk, Delaihla. Explain everything. . . "

Napalunok ako at tinignan siya.

"Totoo yung narinig mo pero hindi ko na balak ituloy 'yon—ginawa ko 'yon kasi gusto kong gumanti—"

"Gumanti? Para saan ka gumaganti?" Galit na wika ni Dominic.

Nilingon niya ako. Walang emosyon ang mukha nito at mahigpit ang hawak nito sa steering wheel.

"Yung araw na ginagago mo 'ko nung nagtatrabaho pa lang ako kay Dinoques. Hindi mo matandaan?" Tugon ko.

"Hindi ko gustong ituloy 'yon Dom kasi totoong mahal na kita—"

Hindi ko naituloy ang sinabi ko ng marinig ang pagtawa nito. Galit na hinampas niya ang steering wheel at ginulo ang buhok nito sa sobrang inis.

"You're unbelievable, Delaihla. Dahil lang do'n?"

Huminga ako ng malalim at nilabanan ang sarili na huwag patuluin ang luha ko.

"Hindi lang 'yon "lang" Dom! Kung sa tingin mo na parehas tayo ng nararamdaman kapag nasasaktan pwes hindi! Mabilis akong ma-attach, inaamin ko 'yon," galit kong wika.

"Gumaganti ka sa'kin dahil lang do'n? Akala ko ba kakalimutan na natin yung nakaraan. Kung hindi ko pa narinig yung pinagusapan niyo ni Stephanie e'di hanggang sa lumipas ng ilang taon o buwan nagpapanggap ka lang pala na mahal mo 'ko?"

Umiling ako. Hindi ko na napigilan na umiyak sa harapan niya. "Sasabihin ko naman sa 'yo yung totoo, eh pero hindi sa ngayon—"

"Patatagalin mo pa?" Natatawa niyang wika, halatang nasasaktan.

Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko habang tinitignan siya. Mabilis ang paghinga nito at halatang kinakalma ang sarili. Tahimik lang ako umiiyak habang pinupunasan ang luha ko.

"Mahal kita, Dominic," mahina kong wika. "Mahal na m-mahal."

Pagak siyang tumawa. "Alam mo hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa sinasabi mo."

Umangat ang tingin ko at tinignan siya. "Hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?"

Ramdam ko ang pagkirot sa dibdib ko ng umiling siya sa tanong ko. Yumuko siya at umiling ng ilang beses. Tinuro niya ang pintuan sa gilid ko.

"Get out. Gusto ko munang mapag-isa," wika niya habang tulala sa steering wheel.

"Dom. . . Kailangan nating pagusapan 'to. 'wag ka namang ganyan," naiiyak kong wika.

"Get out. Habang pinipigilan ko pa sarili ko na hindi ka sigawan, Delaihla," tugon nito.

Umangat ang kamay ko at hinawakan ang kamay niya. "Dom..."

Tinanggal niya 'yon at tinignan ako. "Get out."

Pinunasan ko ang luha ko at sinunod na lang ang sinabi nito.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now