SPECIAL CHAPTER: GENDER REVEAL

464 12 10
                                    

SPECIAL CHAPTER: GENDER REVEAL

NAPATINGIN AKO kay Stefano ng makitang naglalakad papunta sa aking pwesto. Naglalagay sila ng mga gamit namin sa van na sasakyan namin.

We're having a vacation at my father's friend's resort.

Tutulong na sana ako kaso hindi nila ako pinayagan dahil buntis ako. Limang buwan na ang tyan ko at sobrang laki na niya. Nakangiting hinimas ko 'yon.

"Delaihla," pag-tawag niya sa'king ngalan.

"Hmm? Aalis na ba?" tanong ko.

He nodded. "Yes. Tara na—oh, nandito na yung asawa mo."

Umalis na siya kaagad at tinanguan si Dominic. Tumayo na ako at nilapitan siya. Malambing itong ngumiti sa akin at mabilis na hinalikan ang aking labi.

"Are you okay?" he asked.

"Oo," nakangiti kong tugon.

Ngayon ko lang nakuha yung ultrasound ko para sa magiging gender ng babies namin ni Dominic—babies, we're having a twins! Gusto ko i-announce mamaya sa kanila yung result at super excited ako.

"Ano raw gender? Alam mo ba?" tanong niya habang sabay kaming naglakad palabas ng bahay.

I nodded. "Yeah."

Tumingin siya sa akin. "Ano?"

"Secret. Saka na, Dom. Sasabihin ko mamaya kapag kasama na natin silang lahat para mas maganda," tugon ko.

He took a deep breath. Pinagsaklop niya ang kamay naming dalawa. Nang makalabas kami sa gate ng bahay ay nakabukas ang pintuan ng van at kami na lang ang hinihintay. Nakaupo si Papa sa passenger seat at sa unang row ay bakante habang ang pangalawang row ay okyupado na ni Stefano at Stephanie. Inalalayan ako ni Dominic hanggang makaupo sa tabi ng bintana at sumunod na siya.

"Hindi sumama yung mama mo Stephanie?" tanong ko at sinilip siya.

"Ayaw niya kasi wala raw mag babantay sa sari sari store niya," tugon nito habang naglalagay ng lipstick sa labi nito ang kaso lumagpas ng banggain ni Stefano ang braso niya.

Mahina akong natawa ng makitang natigilan siya dahil doon.

"Anak ng. . ." mahinang bulong ni Stephanie.

"Sorry..."

Tinalikuran ko na siya ng marinig na sunod sunod na pagtatalak ni Stephanie kay Stefano. Humilig ako sa balikat ni Dominic at namayani ang katahimikan sa buong byahe. . . Hindi pala dahil hanggang ngayon ay binubungangaan ni Stephanie ang kapatid ko.

Dahil din kay Papa ay nakapagpatayo ng malaking sari sari store sila Stephanie. Umasenso na ang kanilang buhay at nagpapasalamat siya sa amin. Ginawa ko rin naman 'yon dahil isa rin siya sa mga tao na nasa tabi ko noong mga araw na nahihirapan na ako sa mga problema ko kaya yung ginawa namin ay bilang pasasalamat na lang din.

Medyo mahaba haba ang byahe kaya nakaidlip ako sa balikat ni Dominic. Nagising na lang ako ng nakaunan na ako sa kanyang hita. Napansin ko rin na nakapark sa gilid ang van at nakabukas ang bintana at pintuan.

"Nasaan tayo?" mahina kong tanong at bumangon.

"Nag-stop over muna saglit kasi naiihi na raw si Dad 'tsaka sumunod na rin yung iba para bumili ng makakain," tugon niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Bumaba ang kamay niya sa bilugan kong tyan at hinimas 'yon. Doon nakatuon ang pansin niya ng ilang minuto bago umangat ng tingin sa akin.

"I'm just wondering. . . Our baby is five months right?" tanong nito.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now