CHAPTER 20

366 9 4
                                    

CHAPTER 20

HINIHINGAL na bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama at ganoon din si Dominic. Parehas na hinahabol ang sarili naming hininga. 

Pinulupot niya ang kanyang braso sa aking bewang at naramdaman ang munti nitong halik sa aking balikat. 

"Happy monthsary," mahina niyang wika. 

Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Happy monthsary. I love you."

Hinalikan niya ang noo ko. "I love you too."

Niyakap niya ako ng mahigpit. Siniksik ko ang sarili ko sa malapad nitong dibdib hanggang sa makatulog dahil sa pagod. 

"Fria! Kailan kayo uuwi ni Kuya Dom!?" Nakangiting tanong ni Aksana. 

Mahina akong natawa at tinignan si Dominic. Nag-aalmusal kami ngayon sa resort na pinag-check in-nan namin. 

"Mamayang hapon uuwi na si Fria d'yan," tugon ni Dom. 

Lumawak ang ngiti ni Aksana at nag-usap pa sila sa kung anong bagay. Naka-video call kami kay Aksana gamit namin ang laptop ni Dom samantala ang kay Aksana ay ang niregalo sa kanya ni Stefano na laptop. 

"Sa susunod na week busy ka na naman.  Baka kunin ko na lang yung offer ni Papa na doon magtrabaho sa kumpanya niya pero hindi pa siguro ngayon baka makahanap ako ng iba," wika ko. 

Naramdaman ko ang pagsiklop niya sa kamay ko habang nakatanaw kami sa araw na unti unting bumaba. Nakahiga kami sa chaise lounger chair. Nakaakbay siya sa akin at hinahalik halikan ang leeg ko. 

"Sa susunod dalhin natin si Aksana dito. Alam kong mag-eenjoy 'yon," ani ko at tinignan siya. 

Ngumiti siya sa akin at mabilis na hinalikan ang labi ko. 

"Of course, mas masaya 'yon. Sa susunod kapag wala siyang pasok kahit isang linggo pa tayo rito," tugon niya. 

Inayos ko ang pagkakahilig sa kanyang dibdib at nakatanaw lang sa dagat. Itong kinahihigaan namin ay nakapwesto sa labas ng cabin na tinutuluyan namin. 

"Gusto ko ng ganito. . . Nakakarelax tignan yung dagat. Siguro kapag magaling na si Aksana at makakapagipon ulit ako gusto kong magpagawa ng bahay malapit sa dagat," pag-kukwento ko. 

"Hmm. . . It's that what you want? May alam akong isla na pwedeng tayuan ng bahay," wika ni Dom. 

Mahina akong natawa sa sinabi nito. "Ano ka ba, matagal pa naman 'yon."

Tinawanan niya lang ako at niyaya ko na siya na magayos na ng gamit para makauwi na kami. Alam ko kasi na nag hihintay si Aksana. 

Ang nabili lang namin na souvenir ay damit na may pangalan no'ng resort at mga seashells na pwedeng ipang decor sa loob ng kwarto meron din na kwintas na gawa sa seashells. 

"Matulog ka muna medyo mahaba pa ang byahe natin," saad ni Dominic at pinaandar na ang kotse. 

"Hmm," tugon ko at sinuot ang seatbelt. 

Lahat ng gamit namin ay nasa compartment ng kotse at ang nabili naming souvenir ay nasa backseat lang. Pinikit ko ang mata ko para makapagpahinga. Sakto at medyo maulan kaya masarap matulog. 

"Fria, Namiss kita." 

Naalimpungatan ako sa boses ni Aksana kaya niyakap ko siya at nahiga kami sa kama. Gabi na ng nakauwi kami at tulog na si Aksana. Hinatid lang ako ni Dominic sa bahay dahil may aasikasuhin pa ito sa trabaho niya. 

"Nakita kona 'yung pasalubong mo sa'kin ang ganda. Salamat," malambing niyang wika.

Ngimiti ako at hinalikan ang pisngi nito. "You're welcome."

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon